***Nagising ako sa isang puting kwarto at tanging tunog ng orasan lang ang naririnig ko. Nilibot ko ang paningin ko sa loob. Nasa ospital ba ako? Nasaan si Drake? Siya ba ang nagdala sa akin dito?
Shit. Napahawak ako sa ulo ko dahil Bahagya itong sumakit.
'I love you my precious darling.'
What was that? Kaninong boses 'yun? At bakit nasa alaala ko ang tinig na 'yun? Argghh! Nakakainis naman.
"Yes, she's fine. I got it. Oh, she's already awake. I'll call you later, bye" napalingon ako kay Drake na kakapasok lang ng kwarto.
Pagkapatay niya ng tawag ay agad siyang lumapit sa akin. "Are you okey, Chiara? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" tanong nito kaya bahagya akong tumango.
"Medyo pero hindi na ganoon masyado. Ano bang nangyari?" tanong ko kaya sumeryoso naman ang mukha niya.
"Ano bang ginagawa mo sa katawan mo at bigla bigla kang hinihimatay? Kumakain ka ba sa tamang oras? Sabi ng doctor ay mababa raw ang red blood cells mo. Kailangan mong ayusin ang mga pagkaing kinakain mo simula ngayon."
Anemic ako? Hays. Dahil 'to siguro sa mga ilang araw na kulang ako sa tulog dahil kailangang gabi kami kumilos nila Xavier para sa trabaho. Hays.
Pero hindi ko masyadong iniisip ang kalagayan ko. Mas priority ko 'yung boses na narinig ko sa utak ko pati na rin 'yung weird na babae at ang kwintas na binigay niya sa akin.
"Chiara. Nakikinig ka ba?" saad ni Drake kaya napatingin ako sa kaniya.
"Sorry, ano 'yun?" Napangiwi naman siya dahil sa sinabi ko. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.
"Wala, sabi ko ililista ko na lang ang mga pagkain na dapat mong kainin. Ano bang iniisip mo at tulala ka riyan?" tanong niya pa.
"Drake, nasaan na 'yung kwintas?" agad kong tanong kaya kahit nagtataka siya ay inilabas niya 'yung maliit na box mula sa bulsa ng coat niya at iniabot sa akin.
Kinuha ko iyon kaagad at binuksan. Biglang kumabog ang dibdib ko ng makita ko ang kwintas na 'yun. This is just the second time I saw it yet it feels like I always know this necklace. Alam niyo 'yung pakiramdam na hindi mo siya kilala pero parang matagal mo na siyang kilala? Gano'n ang nararamdaman ko sa kwintas na 'to.
"Hey, Chiara, what's wrong? Why are you crying? Damn, man. Say something," natatarantang saad ni Drake kaya pinunasan ko ang luhang lumabas sa mata ko.
There's something off here. Para kasing nakita ko na ang kwintas na 'to dati. Did I forgot something in the past? Aish, imposible naman 'yun dahil mas malinaw pa sa relasyon niyo ang memory ko.
Naguguluhan na ako. Bakit ba kasi nagpakita kita pa ang weird na babaeng 'yun. Bakit kailangan lagi akong bigyan ng problema? Kaya ayokong maging bida eh. Nyeta naman.
Aish. Bahala na nga. Hindi ko na muna 'to iisipin dahil may kailangan pa akong asikasuhin. Idagdag mo pa ang bwiset na task na binigay ni master. Bakit kasi sa lahat ng pwedeng ipagawa sa akin ay ang manlandi pa ng kapwa? Hays. Hindi 'yun kasama sa forte ko eh.
"Pwede na ba tayong umalis?" biglang tanong ko kaya kumunot naman ang noo ni Drake.
"Oo, pwede na pero ayaw mo pa bang mag-stay para makapagpahinga ka pa kahit na kaunti man lang? Mukha ka kasing stress na stress eh," saad niya pero umiling ako.
"No, i'm fine. Sa bahay na lang ako magpapahinga," saad ko pa kaya tumango naman siya.
"Wait, why don't you stay at my house?"
YOU ARE READING
CODE X |S.C. BOOK 2|
Random"I can be sweet as chocolate but I can also be crazier than a psychopath" - X Note: Read Section Clover before you read this. Ja!