***
14 na ngayon! That means, birthday na ni Seth! Yehey! Siguradong masarap ang mga handa niyang pagkain! Piyesta na naman this!
Mabuti na lang talaga at sabado ngayon. Hindi ko na kailangang pumasok sa trabaho. Mwehehe. Naaawa nga ako kay Finral eh. Inaya niya kasi ako kaso may plano na ako para ngayong araw kaya ni-reject ko siya.
Ayos lang naman daw sa kaniya kaso naaawa pa rin ako. Hindi na sa kaniya, sa sarili ko na. Sayang kaya! Papi na 'yung nag-aya sa akin tapos tinanggihan ko pa? Hays. Mabuti na lang talaga at si Seth ang may birthday. Kung si Drake 'yun, baka ingudngud ko pa siya sa cake niya. Punyawa siya.
Actually, excited na talaga ako para mamaya kaso gabi pa gaganapin 'yung party kasi nga 'yung resto nila, ayaw ipasara ni Seth. After closing na lang daw kaya ayun.
Wala tuloy akong gagawin buong maghapon. Hays. Manggulo kaya ako sa HQ? Tama. Doon na lang muna ako tatambay hanggang mamaya para naman hindi ako ma-bored dito sa loob ng flat ko.
Nagpalit ako into casual attire tapos kinuha ko ang wallet, phone at susi ng kotse ko bago ako lumabas ng unit ko.
Pagkarating ko sa parking lot ay hinanap ko kung saan naka-park ang kotse ko. Nakalimutan ko kasi eh. Hehe!
Habang naglalakad ako ay may naramdaman akong sumusunod sa akin. Hmm. Sino kaya 'yun?
Naglakad ako sa gilid ng mga sasakyan para makita ko sa side mirror ng mga 'to kung sino ang sumusunod sa akin. Kumunot ang noo ko ng may pigura akong nakita na bigla na lang nagtago sa likod ng mga kotse. Tch.
Hindi ko iyon pinansin at nagtuloy lang ako sa paglalakad ko. Kung sino man siya, duwag siya dahil hindi niya ako kayang harapin. May patago-tago pa siya diyan. Akala ba niya maku-curious ako kung sino siya at susundan siya sa pinagtataguan niya? Neknek niya noh.
Bawal akong ma-stress ngayon dahil Valentine's Day at birthday din ng akin buddy na si Seth. Huwag niyang umpisahan ang araw ko kung ayaw niyang siya ang tapusin ko. Psh.
Ilang segundo pa ang lumipas ng may isang lalaking naka-itim ang naglalakad papunta sa akin. Tch. Ano pa bang aasahan ko? Na susugurin nila ako dito ng nag-iisa? Haaay.
Pinatong ko ang gamit ko sa ibabaw ng kotseng nadaanan ko at deretso lang akong naglakad pasugod sa kaniya. Kinaladkad pa niya sa sahig ang hawak niyang baseball bat. He! Akala ba niya masisindak niya ako sa laruang 'yan. Tch.
Bigla itong tumakbo sa akin. Ini-swing niya ang bat niya para sana ihampas sa akin ngunit agad akong napayuko upang hindi niya ako matamaan.
Pagkayuko ko ay sinuntok ko siya sa tiyan na nagpa-atras sa kaniya. Casimero yata 'to. Haha!
Pagka-atras niya ay umikot ako sabay sipa sa tagiliran ng ulo niya na dahilan ng pagbagsak niya sa sahig. Oh ano? Nagamit mo ba 'yang bat mo? 'Di ba hindi? Psh!
"Kung ako sa'yo, lalabas na lang ako para wala ng problema." saad ko kaya dahan dahan naman lumabas ang taong kanina pa nagtatago sa likod ng kotse.
Natigilan ako dahil bigla niya akong tinutukan ng baril. Hindi pamilyar sa akin ang mukha niya. Hays. Tauhan kaya ito ng Gene na 'yun? Tss.
"Mrs. Sarsuela, you got some skills there. Pero anong magagawa ng suntok at sipa mo kung baril na ang kalaban mo? Kung ako sa'yo, ibalik mo na ang librong kinuha niyo mula sa amin."
Akala talaga nila ako si Mrs. Sarsuela. What a bunch of idiots.
Wala akong dalang armas dahil si Chiara ako kaya wala akong laban sa lalaking 'to. Kumunot bigla ang noo ko ng may mapansin ako sa likod niya. Hmm. I didn't expect him to arrive at times like this. He!
YOU ARE READING
CODE X |S.C. BOOK 2| •DROPPED•
Diversos"I can be sweet as chocolate but I can also be crazier than a psychopath" - X Note: Read Section Clover before you read this. Ja!
