Inilabas ko na lahat ng nasa loob ko
Ang lahat na dinadamdam ko
Ang lahat ng pagmamahal ko sayo
Pero lahat ng iyon ay balewala lang pala
Dahil may iniibig ka ng iba.
Ano ba talaga ang dapat kung gawin
Para ako'y mahalin mo rin
Hindi ba pwedeng ako'y iyong ibigin
Sa puso't sa diwa at sa iyong damdamin.
Ipinagtapat ko sayo na mahal na mahal kita
Kahit na may mahal ka ng iba
Pero ngayon ako'y 'di na magpupumilit pa
Na ako'y mahalin mo rin katulad niya.
Ako'y suko na sa damdamin ko para sayo
Kahit labag sa puso't isip ko
May mahal kang iba at may nagmamahal din sayo
At dahil don wala na talaga akong puwang diyan sa puso mo.
PAALAM na mahal ko
Ako'y lilisan na sa puso mo
Ika'y mag-ingat at ako'y dadayo
Sa ibang puso na mamahalin at tatanggapin ako.