Part 12
♦ Bestfriend ♦
_Ian's POV_
Hello! So i think nagtataka kayo at interesado narin kung sino ako sa buhay ni Sammie. Yes, i call her Sammie before. Oh! Before i forgot ako pala si Ian James Hill Gonzalez. I'm Owen's cousin and a not so close friend at the same time. Graduate na ako at isa akong professional architect. Taga probinsya ako noon kung saan nakatira sina Aling Suzy at Sammie. Mayaman kami, nagsasabi lang para mas marami kayong malaman sa akin.
Si Sammie ay kababata ko, noon naging matalik na magkaibigan kami at kahit bata pa ako noon naisipan ko na talaga na siya ang papakasalan ko paglumaki na kami. Five years din kami naging parang close na close kaso dumating yung araw na kailangan lumipat ng pamilya ko sa Maynila at nagpaalam ako sa kanya. Sabi ko sa kanya tutuparin ko yung pangako ko i'll marry her at the right time.
Flashback...
❝Hi! Ako si Ian!❞ nakangiti kong sabi sa batang babae na nasa ilalim ng puno. I find her pretty and actually shes cute.
❝Hmm? Ako pala si Sam.❞ sagot niya sa akin ng hindi man lang ako tinignan, seryoso siya sa pagbabasa.
❝Ang seryoso mo naman.❞ at sa wakas tumingin na siya sa akin.
❝Hindi ah. Kailangan ko mag aral para paglaki ko matutulungan ko na ang mama ko.❞ wow kasing edad ko lang siya pero ganito na siya mag isip?
❝Wow naman siguro proud mama mo sayo.❞
❝Sana nga. Kung hindi kami iniwan ni papa siguro masaya parin kami kahit mahirap kami.❞ ang masaya niyang mukha ay napalitan ng lungkot.
❝Bakit asan ba daddy mo?❞ di ko na pigilan mag tanong.
❝Iniwan niya kami ni mama. Psh.❞ pagkatapos niya sabihin yun nag pout siya at nagbasa ulit.
End of Flashback...
At matapos ang araw na iyon naging magkaibigan na kami. Naging parang pangalawang mommy ko na din si Aling Suzy. She told me about her dad. Galit si Sammie sa papa niya pero di naglaon hindi na rin. Mabait na bata si Sammie.
After 14 years i unexpectedly saw her nagkabangga kami.
Flashback
*BUGSH*
❝Aray! Miss,okey ka lang?❞ naibulalas ko ng mabangga ako ng isang babae. Agad ko naman siyang tinulungan makatayo.
❝Sorry sir! Naku naman ka-----❞ hindi niya naituloy ang sasabihin kasi natulala siya sa akin. Wait gwapo na ba talaga ako? Haha!
❝Okey ka lang? Kaw kasi eh ang lalim ng iniisip mo.❞ hindi ko alam pero i feel something sa kanya. May kamukha siya pero di ko alam kung sino.
O.O ganito lang ang reaksyon niya.
❝HOY!❞ nilapitan ko siya sa mukha at nag snap.
>///< haha nakakatuwa namula siya. Teka pamilyar talaga ang itsura niya. Saan ko kaya siya nakita?
