Part 19 ♦ Boknoy? ♦

344 4 0
                                    

Part 19

♦ Boknoy? ♦ 

Isang linggo narin ang nakalipas nung nangyaring incidente. Oo, yung may sumusunod sa  akin. Hindi naman ako nakaranas ng mga di ka nais nais na mga pangyayari kaya pinayagan na ako ng boss ko na lumabas. HAHA boss talaga? Kasi iba pag boyfriend ang sasabihin ko. xD Pumunta ako sa park malapit sa bahay namin... nakakabagot na talaga sa bahay. Tss. Alam niyo bang nag paalam ako kay boss na kung pwede ako magtinda tinda sa tabi. Ayaw niya? NAKAKAINIS!

❝Ate! Ate!❞ may batang humihila ng damit ko. Gusgusing bata.

❝Ano yun?❞

❝Akin na lang po iyan.❞ sabi niya sabay turo sa hawak kung chitchirya.

❝Ah. Eto?❞ nakakainis naman. Alam niyo namang madamot ako pagdating sa pagkain diba? Pero sige na nga. At binigay ko sa kanya ang chitchirya na labag sa kalooban ko. HAHA biro lang mukhang kawawa naman eh.

❝Salamat ate!❞ sabi nung bata at umalis na. Hehe buti na lang meron pa akong isa XD Pero di ko nilabas sa bag ko baka kasi hingin na naman ng iba.

❝Tinatago ba naman?❞ nagulat ako ng nagsalita yung katabi ko.

❝Ah---eh...❞ sabay harap sa kanya.

❝Hi!❞

❝Ian?!❞ bulalas ko. Ano ginagawa niya dito?

❝Bakit parang gulat na gulat ka?❞

❝Kasi naman eh. Ano ba ginagawa mo dito?❞

❝Wala lang. walang magawa eh. Ikaw?❞

❝Wala din akong magawa eh.❞ pareha pala kami. Naku chance ko na 'to para makabawi! Aja!

❝Ganun? Teka ang damot mo pa rin talaga. Hindi ka na talaga nag bago.❞ napaisip ako sa sinabi niya. Teka pa'no niya alam? Hmmm. Ahh Oo minsan niya nga pala ako nilibre Kaso dumating si boss.

❝Hehe... kasi naman masarap eh.❞

❝Naalala mo pa ba ito?❞  kumuha siya ng chitchirya ko at kinagat na parang daga. Yun bang kinakagat gamit ang harapan ng ngipin?

At sadyang may na alala ako, yung kababata ko? Madalas namin iyong ginagawa. Teka? Naalala ko ba daw? Teka Ian din pangalan nun ah? Hindi eh... masyado namang evolve itong Ian na 'to. Yung Ian na kababata ko eh payat yun tsaka lampa at haha maiitim. Hindi naman sa nanglalait kaso just stating the fact. 

❝Hoy.❞ sita niya sa akin kaso hindi ko naman pinansin kasi nakatitig lang ako sa mukha niya. Parang siya nga talaga... kasi may nunal siya sa banadang mata niya eh at gwapo! Ayay! Ano ba sinabi ko?

❝Bo-boknoy?!❞ bulalas ko.

My Mischievous PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon