Part 28 ♦ Mga Basagolero ♦

400 2 1
                                    

Part 28

♦ Mga Basagolero ♦

_Allen's POV_

Oh ha! pumi pov na si aketch! Haller bibida din ako dito ano. Oh well sana di kayo mabobore sa pov ni aketch kasi once in a blue lang to. So andito pala ako sa mall wala akong duty ngayon at nagbreak kami ng papabol ko ilang araw na ang nakalipas. Huhuhu walang love life ang lola nyo...

Anong ate niyo palang si Sam my bestfriend? Naku ang love life nun napakaganda. Haba ng hair diba? Tss. Boss pa namin echos talaga! Pero boto ako kay friend... bait kaya nun?

❝Allen?❞ nay tumawag kay aketch! Omg ! Sino itong si aketch?

❝I-ian?❞ bulalas ko ng makita ko kung sino ang tumawag sa akin.

❝Ano ginagawa mo dito? Kasama mo ba si Sammie ko?❞ ano vayan maka Sammie naman. Fc. Lol joke bf's sila eh... Haba talaga ng hair ng girlalo na yon.

❝Hindi eh... kita mo naman wala diba?❞

❝Eto naman nag tatanong lang eh...❞ infernes sa papabol nato gwapo ha... bait pa. ayee!

❝Geh una na ako sayo papa!❞ tumalikod na ako. Ang harot ko pa naman.

❝Teka!❞ sabi niya kaya napalingon ako. ❝May balita ka ba kay Sammie ko? Hindi ko na kasi siya nakikita...❞ ang papabol na to ang harot! May gusto ata kay Sammie? Weh?

❝Ah... Oo kahapon nagkita kami... bakit may kailangan ka sa bestfriend ko?❞

❝Wala naman kaso namimiss ko na siya.❞ harot talaga!

❝Puwes tawagan mo na lang siya.❞

❝Hindi naman niya nasasagot eh tsaka kahit reply wala din.❞

❝Naku Ian!❞ sabay hampas sa kanyang balikat. Nanananching ang lola niyo. ❝'Wag ka mag eexpect na magrereply yun. Once a year lang yun mag load. Himala na nga eh pag may load yun.❞

❝Grabe naman.❞ napayuko siya. Ano problema nito? ❝Nandoon pa din ba siya sa bahay ni Vince?❞ olala! Kilala niya pala si Vince? At alam niya rin ang tungkol dito?

❝Yep! Vakit?❞ 

❝Ok lang ba siya dun?❞

❝Oo naman! Nililigawan na nga siya ni sir eh----❞ halololo nadulas si aketch! patay !

❝Ano? Nililigawan siya ni Vince?❞ lagot.

❝Ahh... hindi naman ako sure...❞ mag sisiningaling na nga lang. ❝Kasi kahapon may nakita akong kiss mark sa leeg niya eh...❞

❝Kiss mark? Damn it!❞ OMAYGULAY! MALI ANG LIE KO LETCHE! WALALU NA FATAY AKO NITOW!

My Mischievous PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon