CHAPTER 14

9 1 3
                                    



"Good morning self" bati ko sa sarili ko pagkagising ko at pumunta agad sa banyo para mag ayos ng sarili

AFTER 10 MINUTES...

"May himala!" sigaw ni Lolo nung pumunta ako sa kusina

"Huh?" tanong ko kay Lolo

"Ang sabi ko may himala kasi sobrang aga mo nagising ngayon" sabi ni Lolo at tinuloy ang pag inom ng kape

"Oh iha ang aga pa ah" bungad sakin ni Manang

"Sumanib po sakin ang ispirito ng kasipagan kaya maaga akong nagising para makapag linis ako at makapag laba" sabi ko at kumuha narin ng pagkain at kumain na din

"Oo nga pala dadating yung pinsan mo sa isang araw dito muna daw siya" sabi ni Lolo na ikinabigla ko

"Bakit kaya pupunta dito yung mahangi na yun?" bulong ko sa sarili ko at tinuloy ang pag kain

AFTER 10 MINUTES.....

"Akyat na po ulit ako para makapag ayos" sabi ko 

"Iha meron pang linis na gamit sa taas doon sa may kabinet" sabi ni Manang

"Okay po" sabi ko at umakyat na sa taas para makapag linis 

kaakyat ko sa taas ay agad ko tinawagan ang mahangi ko na pinsan

Calling Wind...

"Hello cousin na miss mo agad ako" pagbati nito sakin

"Ha? manigas ka" sabi ko at sabay tayo ng kausap ko

"HAHAHAHAHA really hindi mo ako namiss?" pang iinis nito sakin

"Hindi noh tatanong ko lang bakit bigla mong naisipan na pumunta dito kila Lolo?" tanong ko

"Hindi ba pwede na mamiss ko si Lolo tsaka magpahinga dyan?" sagot nito pero di pa rin ako naniniwala

"Yung totoo mahangin sabihin mo" sabi ko rito

"Isa pang tawagin mo akong mahangin ibaba ko ang tawag" pag babanta nito

"Okay WIND so bakit ka nga pupunta dito?" tanong ko ulit sakanya

"Secret at bakit Wind lang tawag mo sakin eh mas matanda ako sayo ah" sabi nito 

"Sige na KUYA WIND sabihin mo na kasi please" pag mamakaawa ko sakanya

"Ah basta hintayin mo nalang ang pinaka pogi mo na pinsan dyan at alam ko na sobrang miss mo talaga ako" sabi nito sabay tawa

"Sige na nga mag lilinis pa ako" sabi ko 

"Linisin mo narin yung kwarto ko diyan para malinis na pagdating ko" sabi nito

"Sige ba basta sasabihin mo sakin yung dahilan kung bakit ka pupunta dito" paghahamon ko dito

"Mag linis ka na diyan bye." sabi nito at agad binaba ang tawag

END CALL....

"aba itong lalaki na talaga kahit kailan" sabi ko at nag simula na mag linis ng kwarto ko napapaisip nalang ako bat ang kalat ng kwarto ko 

Nang matapos ako mag linis ay inalis ko na lahat ng bedsheet at pillow case para malabhan ko na rin

TOK.. TOK.. 

"Iha tapos kana mag linis?" tanong sakin ni Manang

"Opo hinahanap ko lang po yung pampalit sa bedsheet at pillow case" sabi ko naman

"ilan ba ang kailangan mo iha?" tanong ulit ni Manang

"Isa pong bedsheet tas lima na pillow case" sabi ko naman

Love Duology #1/Summer LoveWhere stories live. Discover now