Claire POV....
"Claire wala pa ba si Gray?" tanong sakin ni Manang
"Manang parang mas excited ka pa po kasya sakin" sabi ko at bigla may kumatok sa pinto
tok...tok...tok...
"ikaw na mag bukas nun Claire baka si Gray na yan" sabi ni Manang
"sige po" pagkasabi ko ay nag madali akong pumunta sa pinto para buksan
"uy Gray tara pasok ka muna" sabi ko sakanya
"hindi na dinala ko lang tong niluto ko aalis nadin kasi ako mamayang hapon" sabi niya at inabot sakin yung lalagyan
"sige salamat sa pagkain Gray" sabi ko
"ah Claire gusto sana kita yayain sa bayan kauwi ko ayos lang ba?" tanong sakin ni Gray
"mag papaalam muna ako kay Lolo pero sure ako na papayag yun kasi pupunta din dito yung kaibigan ko at yung pinsan ko" sabi ko
"sige sige pagpapaalam din kita sa Lolo mo kauwi ko" sabi niya
"ingat ka sa byahe bye Gray salamat ulit sa pagkain bye" paalam ko kay Gray
"kita nalang tayo ulit kauwi ko bye Claire" sabi niya at umalis din
"oh asan si Gray?" tanong sakin ni Manang
"umalis na po binigay niya lang tong ulam aalis din daw siya mamayang hapon" sabi ko at pumunta na sa lamesa
"ang bango naman nyan" sabi sakin ni Manang habang kumukuha ng kanin
"oh may sulat pa apaka sweet naman na bata yun dali basahin mo na" sabi ni Manang na sobrang excited
"Hi Claire pasensya kana kung maliit lang yung hipon na nabili ko kasi wala na daw malalaki nung nag punta ako sa palengke kanina hayaan mo na kapag nakauwi ako ipagluluto kita ulit at sisiguraduhin ko na malalaki na yung mabibili ko na hipon sa palengke at siya nga pala gusto kita yayain pumunta ng bayan para malibot kita dito alam ko kasi na ngayon ka nalang nakauwi dito saatin kung ayaw mo naman punta nalang tayo sa kabilang bayan doon sa may dagat para maenjoy mo yung bakasyon mo dito pagpapaalam kita sa Lolo mo pati na rin sa Daddy mo gagawin ko lahat para pumayag sila sige na Claire kumain kana sana magustuhan mo yung niluto ko."
- Gray
"yieeee kinikilig ka no?" nagulat ako sa tanong ni Manang
"tara na Manang kumain na tayo lumalamig na yung ulam baka hindi na masarap yung soup kapag lumamig" sabi ko at binulsa kung yung sulat na bigay sakin ni Gray
"ano laman ng sulat?" tanong ni Manang habang kumakain
"Manang naman eh pero sabi niya gusto niya akong isama sa bayan kapag naka uwi na sya" sabi ko kay Manang at kumain na din
"sakto fiesta nun madaming mga events kung gusto mo sumali sa beauty contest" sabi sakin ni Manang
"pag isipan ko muna po pero pwede naman" sabi ko
"ipapalista na kita doon kasi sa isang linggo na yung contest sasabihin ko din sa Lolo mo sigurado ay papayag yun"
"sige Manang" sabi ko at nung natapos na kami kumain ni Manang ay may kwento sya
"alam mo ba Claire yung Tita Talia mo nanalo dyan" sabi sakin
"si Tita Talia yung nanay ni kuya Wind!?" gulat na tanong ko
"oo alam mo ba hindi niya alam na nilista sya doon wala naman syang gusto sa mga contest na ganyan pero bigla syang nilista ng Lolo mo kaya mag paturo ka sakanya kung paano yung gagawin mo para manalo ka din" sabi sakin ni Manang
"sige po Manang tatanong ko mamaya yung secret nya bago yun lilinisin ko muna yung kwarto ni Wind baka maaga umuwi yun bukas" sabi ko
"sige nag dala na din ako kanina ng mga punda at bedsheet para sainyo ni Wind pumili ka nalang doon" sabi ni Manang at umakyat na sa kwarto ni Wind
Nung nakapasok na ako sa kwarto ni Wind ay binuksan ko kaagad yung bintana para pumasok yung hangin
"hindi naman pala ganon ka kalat dito maalikabok lang" sabi ko sa isip ko habang nag wawalis ng may nakita akong box na ilalim ng kama
"ano kaya to" sabi ko at binuksan ko kaagad yung box at may nakita akong mga picture
"ang tagal na nito ah bakit kaya nakatago lang dito" sabi ko
"Claire ano yan tinitignan mo?" tanong sakin ni Manang
"ito po Manang yung mga picture po namin nung maliit pa kami" sabi ko at pinakita kay Manang
"oo nga noh tignan mo si Wind bungi pa" sabi niya
"sino yung kasama nya bata Manang?" tanong ko
"hmmm parang si Gray yung kasama nya" sabi naman ni Manang at ikinagulat ko
"si Gray po?!"
"oo natatandaan ko datin na kapag bakasyon ay nag pupunta dito si Wind tas nakilala nya si Gray nung isang beses na napadpad si Wind kila Gray ito tignan mo picture nying tatlo" sabi ni Manang at pinakita yung picture
"hindi ko na matandaan to Manang siguro bata pa talaga ako nyan kaya diko na maalala"
"ito Claire yung sinasabi ko sayo" pinakita ni Manang yung isang lumang lumang picture ng isang babae na may korona
"si Tita Talia po ba yan ang ganda niya" sabi ko
"ay sya mamaya nalang natin ulit tignan tong mga picture baka matagalan tayo maglinis nitong kwarto ni Wind" sabi ni Manang at nag simula na ulit mag walis
makalipas ang dalawang oras na paglilinis namin ay natapos na din kami mag linis ni Manang ng kwarto ni Wind sisiguraduhin ko talaga na babayaran ako ni Wind kilala ko pa naman yun na kuripot
"hay sawakas natapos na din po tayo Manang" sabi ko sabay inat ng katawan ko
"sya sige magpapahinga muna ako sumakit yung likod ko" sabi ni Manang at pumunta na sya sa kwarto nya habang ako ay kukunin ko na yung nilabhan ko kanina
habang paakyat ako ng kwarto dala yung mga damit ko ay naisipan ko tawagan si Tita Talia
"Hello tita" sabi ko
"Hi Claire bakit ka napatawag?" tanong nito
"itatanong ko lang po kung ano secret nyo po pano po kayo nanalo doon sa beauty contest dito kasi nakita ko yung picture nyo at balak ko din sumali" sabi ko
"ohmygod saan mo nakita yung picture na yun ha?" tanong sakin
"sa may kwarto po ni Wind habang nag lilinis tsaka nakwento din po sakin ni Manang na sumali daw po kayo sa contest" sabi ko
"si Dad kasi bigla nalang nya ako nilista doon wala naman akong balak na sumali doon but wala na akong nagawa dahil bawal na mag back out non" sabi niya
" at wala naman akong secret non basta tiwala ka lang sa sarili mo at wag na wag kang matitipalok sa heels na suot mo" dagdag nya sabi pa nya
"syempre naman Tita ako pa hinding hindi ako matitipalok sa heels" sabi ko
"btw pupunta daw dyan si Wind mag babakasyon daw dyan diko lang alam kung kailan sya pupunta" sabi ni Tita
"oo nga po nasabi nya sakin at bukas na daw sya pupunta dito hindi po ba nasabi sainyo?" tanong ko
"aba hindi lagot sakin yung bata na yun bukas na pala aalis hindi nagsabi samin ng Daddy nya sige na Claire papagalitan ko pa yung bata na yan" sabi ni Tita at pinatay yung tawag
"mamaya na ako magtutupi ng mga damit ko at maligo sobrang pagod ko na kaya matutulog muna ako" sabi ko sa isip ko ay tuluyan nang pumikit at natulog na
-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-
a/n: i think ito muna yung last update ko ngayon week kasi wala na akong maisip na scene baka may suggestion kayo dyan
a/n: btw happy international friendship day sa lahat ng na friendzone na tulad ko ❤
YOU ARE READING
Love Duology #1/Summer Love
Любовные романыCan we fall in love within the summer days