GRAY P.O.V
Habang pauwi ako sa bahay galing kila Claire bigla naman tumawag si Wind sakin
"Yow! asan ka!?" tanong sakin ni Wind
"Sa bahay aalis ako mamaya bakit?"
"San ka pupunta? bakit aalis ka? iiwan mo na ba ako? pano naman ako?" sabi niya sakin
"Seryoso ka ba dyan pupuntahan ko lang sila Mommy sa manila hindi naman ako mag pupunta sa ibang bansa" sabi ko
"awww kung kailan ako uuwi dyan saka ka naman aalis parang hindi mo ako kaibigan tatampo ako sayo suyuin mo ako ngayon na" sabi niya saka pekeng umiiyak
"parang baliw to uuwi din ako sa isang araw magkikita pa naman siguro tayo kung hindi ka agad uuwi tsaka bakit bigla bigla ka naman kasi uuwi?" tanong ko
"wala lang namiss ko lang kayo dyan di ba pwede" sabi niya
"May sasabihin pala ako sayo"
"hala ano yun ikakasal kana ba? ninong naba ako? shet di pa ako ready maging ninong" sabi naman niya at natawa naman ako
"masyado ka naman excited tsaka sure ka bang gagawin kitang ninong?" tanong ko sakanya
"sino ba ako para gawin ninong hindi ayos lang ako" pag dradrama niya
"ipagpapa alam ko sana si Claire kasi isasama ko kasi siya sa fiesta kauwi ko" sabi ko
"Tatay niya ba ako? bakit sakin ka nag papaalam" sabi niya
"kasi pinsan ka nya" sabi ko
"kahit naman hindi kana mag paalam sakin alam ko naman na may gusto ka sakanya dati pa nung mga bata palang tayo basta kasama ako at libre mo" sabi niya sakin
"kuripot ka pa rin hanggang ngayon"
"ayaw mo ba? sige ka hindi ako papayag na kasama mo siya" sabi ko
"sige sige na libre ko na papatayin mag iimpake pa ako" sabi ko
"sige kita nalang tayo dyan bye baby Gray" sabi niya saka ko pinatay yung tawag
Nung naka uwi ako ay agad din tinanong ni Nanay kung anong nangyari
"ano naibigay mo ba?" tanong sakin ni Nanay
"opo naibigay ko po nga pala nay pupunta ako kila mommy mamayang hapon ako aalis at sa isang araw pa yung balik ko" sabi ko
"oh sya tara na kumain para makagayak kapa" sabi sakin ni nanay at nag simula na kami kumain
Claire P.O.V
Hapon na nung nagising ako sobrang napagod kasi ako kanina nung nag linis ako ng kwarto ni Wind
tok...tok...tok..
"Claire gumawa ako ng meryenda sa baba halika na kumain na tayo" sabi ni Manang
"sige po maliligo lang ako para fresh" sabi ko at nagpunta na sa banyo para maligo
Sa Kusina...
"Napalista na pala kita doon sa bayan kanina ang sabi ay sa sabado pa daw ang contest may ilang araw ka pa para mag handa tutal martes palang naman" sabi sakin ni Manang habang kumakain kami ng minatamis na saging
"mag practice na din po ako mag lakad ng naka heels baka madapa ako kapag nandoon na sa contest" sabi ko
"sabagay baka yun pa yung dahilan para matalo ka oo nga pala may isusuot kana ba na damit?" tanong sakin ni Manang
"mayroon naman po kaso wala akong gown" sabi ko
"sa isang araw pumunta ka sa bayan doon ka tumingin ng gown tutal mag date naman kayo ni Gray doon sa isang araw diba?"
"hindi naman po sinabi ni Gray na date yun ayaw ko po umasa Manang na date yun sa isang araw ang sabi niya lang ay gusto nya ako ilibot para ma experience ko po yun" sabi ko at tumuloy lang sa pagkain ng may biglang tumawag sakin
Ring...ring...ring..
"hello dad?" sabi ko
"sabi ni Tita Talia mo sumali ka daw sa contest dyan?" tanong sakin
"opo eh gusto ko po kasi ma experience yung mga ganitong bagay" sabi ko
"sayang naman wala ako dyan hayaan mo na ipapagawan nalang kita ng trapolin di kasi ako makakapunta dyan dahil marami akong ginagawa dito" sabi niya
"basta dad maganda yung trap ko ah ayos lang po na yun basta wag mo po kakalimutan yung trapolin ko ah" sabi ko
"syempre naman sige na basta galingan mo doon ah gusto ko ikaw mananalo"
"ako pa dad syempre naman gagalingan ko sige na po bye bye" sabi ko at pinatay na niya yung tawag
"Manang nasabi na po pala ni Tita Talia kay dad na sumali ako sa contest" sabi ko
"oh ano sabi niya makakapunta ba sya?" tanong ni Manang
"hindi po eh marami daw pong ginagawa pero mag papadala daw po sya ng trapolin" sabi ko
"yung bata talaga na yun masyadong busy sa buhay"
"Manang hindi na po bata matanda na po si dad" sabi ko at ikinatawa namin dalawa ni Manang
"oh bakit naman sobrang saya nyong dalawa ano yang pinag uusapan nyo?" nagulat kaming dalawa ni Manang ng biglang may nag salita
"ano ba yan bakit ba bigla bigla ka nalang nag sasalita nagulat tuloy kaming dalawa ni Claire" sabi ni Manang kay Lolo
"sorry na ano ba yung pinag uusapan nyo?" tanong samin ni Lolo
"wala po yun Lo ay oo nga pala Lolo sumali ako sa beauty contest sa sabado pa naman yun" sabi ko
"may isusuot kana ba na mga damit?" sabi ni Lolo
"opo mayroon na po gown nalang kulang sa isang araw nalang po ako pupunta sa bayan para tumingin" sabi ko
"sige mag papahinga muna ako sobrang napagod ako kanina" sabi ni Lolo at iniwan na kaming dalawa ni Manang sa kusina
"ako din po Manang aakyat na din ako sa kwarto ko at titignan ko na yung mga damit ko para sa contest" sabi ko
"dapat yung maganda yung suotin mo ah" sabi sakin ni Manang at umakyat na sa kwarto ko
Wind P.O.V
katapos ng tawag ko kay Gray bigla naman tumawag si Mommy sakin
"hello mom" sabi ko
"asan kang bata ka ha!" galit na sabi ni Mommy
"nasa condo lang po bakit po?" tanong ko
"bakit hindi mo sinabi na bukas ka na aalis ano walang balak ipaalam samin ng Daddy mo?" pabalik na tanong niya sakin
"mommy kanino mo po nalaman yan"
"kay Claire kanina nung tumawag sya sakin ay nabangit nya yun" sabi niya
"nakalimutan ko lang po sabihin sainyo sorry po" nagpapa awang sabi ko
"pumunta ka dito sa bahay ngayon na din" sabi niya
"opo but mommy promise me na hindi mo sasabihin kay Lolo na uuwi ako gusto ko sya ma suprise bukas" sabi ko
"oo hindi ko sasabihin basta pumunta ka dito dalian mo at may papadala ako sayo para kay Claire" sabi niya
"opo papunta na po bye bye mommy" sabi ko at pinatay na ang tawag
"lagot ka talaga sakin kapag nakauwi ako dyan bukas bakit mo sinabi kila mommy na bukas na pala ako uuwi *angry emoji*" text ko kay Claire at lumabas na sa condo ko para pumunta kila Mommy.
-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-