CHAPTER 21

1 0 0
                                    

Gray P.O.V

Maaga akong nagising ngayon kasi plano ko makipag kita kay Tito Bart sa Daddy ni Claire para mapag paalam ko yung pag punta namin bukas sa bayan tinext ko na si Tito Bart

Me:

"Goodmorning po Tito Bart pwede po ba tayo mag kita mamaya may sasabihin lang po ako sainyo." text ko sakanya at nag reply din agad si Tito Bart

Tito Bart:

"Sige punta ka nalang dito sa office mamayang lunch para makapag usap tayo ng maayos." reply niya sakin at nag ayos na ako ng sarili ko at gutom na ako


"Morning Mom Dad" bati ko sakanila

"Morning anak anong oras ka aalis mamaya?" tanong skin ni Dad

"baka po mga hapon makikipag kita pa po kasi ako kay Tito Bart ipagpapa alam ko po kasi si Claire" sabi ko

"aba pumapag ibig si kuya ah" sabi ni Ash

"Morning Mom and Dad" bati niya sa mga magulang namin at bigla nalang tumawa "AHAHAAHHA halika kayo dito may papakita ako sainyo panigurado ay matatawa din kayo" sabi ni Ash sabay pakita samin ng cellphone niya 

"sino nag post niyan anak?" tanong ni Mom kay Ash

"si kuya Grey AHAHAHAHA" sabi niya at patuloy parin tumawa pati sila Mom ay napatawa na din

"oh ano pinag tatawanan nyo dyan patingin ako" biglang bungad ni Grey

"ikaw at yung post mo sa twitter HAAHHAH" sabi ni Ash

"anong post yun?" tanong ni Grey at pinakita ni Ash yung post niya

TWITTER POST:

"GRABE KAYO SAKIN PORKET NAHULI LANG MATAPOS KUMAIN AY AKO NA AGAD MAG HUHUGAS NG MGA PLATO AYOS LANG SANA EH KASO PATI YUNG MAY SEBO NA TUPPERWARE AY HUHUGASAN KO DIN PARA KAYONG HINDI PAMILYA HUMANDA KAYO AT MATITIKMAN NIYO ANG PAG HIHIGANTI NG ISANG API 😭😢😭😠"

"Hala ang scary naman ng post mo kuya" pang iinis na sabi ni Ash habang tumatawa pa din

"ah basta ikaw mag huhugas ngayon" sabi ni Grey at umupo na siya sa upuan 

"oh wag na kayo mag talo dyan kumain na tayo masarap ang niluto ko at para na din makapag ready na kuya nyo aalis na daw sya mamaya at may date pa daw sya bukas" sabi ni Mom at nag simula na kami kumain 

"basta hindi ako yung mag huhugas ngayon" sabi ni Grey at tumingin kay Ash 

"ikaw pa din daw mag huhugas ngayon hanggang sa isang araw" pang iinis na sabi ni Ash 

"kumain nalang kayo diyan at si kuya Gray niyo ang maghuhugas ngayon" sabi ni Daddy

"sige na nga" sabi ko 

Nang matapos kami kumain ay nag ligpit na ako ng mga pinag kainan namin at nag simula na mag hugas 

"sipag mo naman kuya pati yung kawali at rice cooker hinugasan mo ah ganon ba talaga kapag inlove?" tanong sakin ni Ash 

"grabe kailan kaya maiinlove si kuya Grey para sipagin naman ng ganito para naman hindi na mag post kapag inuutusan lang mag hugas ng plato" sabi ni Ash 

"hay nako ako na naman nakita mo Ash masipag din naman ako di mo lang nakikita" sabi ni Grey

"oo nga kuya masipag ka masipag ka mag reklamo porket nabasted ka nung nililigawan mo" sabi ni Ash 

"wait what!? binasted ka nang nililigawan mo?" gulat na sabi ko

"teka bakit ba alam mo yun Ash?" tanong ni Grey kay ash

"ano kasi malakas lang yung radar ko kaya alam ko yung yan" sabi naman ni Ash

"mag linis na kayo ng mga kwarto niyo tapos na ako mag hugas dito maliligo na ako may pupuntahan pa ako" sabi ko naman sa dalawa at iniwan ko na sila at pumunta na sa kwarto ko 


Pag ka pasok ko sa kwarto ko ay nag mamadali na ako maligo baka malate ako nakakahiya naman kay Tito Bart


Makalipas ang ilang oras ay natapos na din ako maligo at tinignan ko kung anong oras na 9am palang naman pala kaya may ayos lang kahit na traffic ako kalabas ko ng kwarto ay si Mommy agad bumungad sakin

"akala ko ba mamaya ka pa aalis bakit ang aga naman?" tanong niya sakin

"makikipag kita po muna ako kay Tito Bart pero mamaya pa po ako aalis gabi" sabi ko at kinuha na yung susi ng kotse ko

"sige sige mag iingat ka ah" sabi ni Mommy

"opo bye Mommy" sabi ko at bumaba na

"bye kuya " sabi ni Ash

"bye Daddy" sabi ko 

"mag iingat ka ah mag pa gas ka na rin para tuloy tuloy ka na mamayang gabi" sabi ni Daddy

"opo babalik din po ako after lunch" sabi ko at sumakay na sa kotse ko at umalis na


Claire P.O.V

"Claire!!!" sigaw ni Wind sa labas ng kwarto ko

"maka sigaw ka naman nawawala kaba?" tanong ko sakanya

"hindi naman tara labas tayo" sabi ni Wind

"san naman tayo pupunta aber?" tanong ko sakanya

"wag ng maraming tanong sumama ka nalang sakin at mag dala ka din ng pang swimming ang init kasi ngayon" sabi ni Wind

"oo ito na hintayin mo nalang ako sa baba mag aayos lang ako" sabi ko at sinarado na yung pinto at nag mamadali na ako mag ayos baka sumigaw na naman yun


"Tagal mo naman mag ayos" sabi niya at nakita ko na may bitbit siyang isang basket

"ano lama niyan?" tanong ko sakanya

"pagkain, tubig, juice para mag kakainin tayo kapag nandoon na tayo tara na" sabi niya at lumabas na sya

"bye Manang" paalam ko

"mag ingat kayo doon ah" sabi ni Manang at lumabas na din ako

" ano sasakyan natin?" tanong ko kay Wind 

"mag lalakad lang tayo malapit lang naman dito yun kaya tara na" sabi niya at nag simula na kami mag lakad


Makalipas ang 30 minutes ay nakarating na kami sa isang ilog

"wow may ganito pala dito" sabi ko

"syempre naman buti nalang malinis pa dito kunti lang kasi nakaka alam na may ganito dito" sabi ni Wind at nag simula na sya mag swimming habang ako naman ay nag lalagay ng sun block sa katawan ko

"hindi ba malalim diyan?" tanong ko sakanya

"hindi naman hanggang tuhod lang naman yung tubig" sabi niya at lumusong na ako

"bwesit ka! akala ko kaba hanggang tuhod lang muntik na ako malunod" inis na sabi ko

"HAHAHAH sorry na ganti ko lang sayo yan dahil sinabi mo kay Mommy yun ang sakit kaya ng kurot niya sa gilid ng katawan ko" sabi niya at nag simula na kami mag relax dito sa ilog.

o-o-o-o-o-o-o-o

a/n: ngayon nalang ako naka pag update ulit pasensya na :)


Love Duology #1/Summer LoveWhere stories live. Discover now