See you after a month Souls.
-J
"Are you.... sure you're okay?" kinakabahan na tanong ni Pana dahil hindi sya sanay na may nagsasagutan or nagsisigawan sa paligid nya.
"Wag kang mag alala, ayos lang ako......Ikaw dapat ang tinatanong ko nyan, Are you okay?" mukha syang nagpapanic kaya agad ko syang niyakap dahil hindi nya ma-control ang takot nya.
"....Shush, Okay na nandito ako hindi kita iiwan.......nandito lang si Harina Okay?" paniniguro ko sakanya at ibinaon nya naman ang ulo sa aking balikat dahil takot na takot talaga kaya pina take out ko nalang ang order namin. Nang dumating ang waiter ay inabot na sakin ang order namin.
"Maraming salamat po, sir Dominic" kita ko ang gulat sa mukha nya dahil ngayon lang siguro may tumawag sakanya ng pangalan nya although lahat ng nakakainan ko sa mga malls or just a simple karenderya dahil they deseved to call with their names with "Sir, Maam" because everyone or every epmployee's deserved to call their names.
"Tara sa bahay nalang natin kainin to, Pana" tumayo narin sya at bigla akong niyakap.
"Salamat.....Haryanna" he whispered. Nagulat ako dahil sa dinami dami ng taon naming magkasama at magkaibigan ngayon lang nya ako tinawag sa pangalan ko...... Ang ganda ng pangalan ko pag sya ang nagsabi! bakit ganon?
"Always.... Archer" he stilled. nagulat rin siguro dahil ngayon ko rin sya natawag sa pangalan nya. He chuckled.
".....Bakit ganon parang ang ganda pakinggan ng pangalan ko pag sayo galing, bakit ganon Rina?"
"H-hindi ko rin alam, Pana" umiwas ako ng tingin sakanya. Hinawakan ang pulsuhan nya at hinila sya paalis dahil naging awkward at may mga nakatingin na sa'min.
Patuloy ko parin syang hinihila pero naalala ko na hindi ko pala alam kung saan sya nag park kaya huminto ako at humarap sakanya. "Saan naka park ang sasakyan mo?" pag tatanong ko dahil wala akong idea kung san nya pinark ang sasakyan nya.
He smirked. "Roon malapit sa second floor ng Annex---wait diba pupunta pa tayong Nb?" natigilan ako dahil oo nga pupunta pala kami ng Nb at bibili nga ako ng libro! tutal narito narin kami bakit hindi pa isagad kaya kahit gutom pupunta kami ng Nb. Ngumiti nalang ako sakanya at napangiti narin sya dahil kahit gutom kaming dalawa ay nagawa parin naming tumawa, hindi ko talaga alam kung bakit pag nandyan sya ang gaan ng lahat parang ganon yung feeling tapos ang saya saya lang.
"Pag tapos rin pala natin bilhin yung libro na gusto mo sa garden nalang natin nitong Mall kainin yang KFC para kunware mag Date tayo!" sabi nya sabay halakhak na mala demonyo. Iniwan ko nga.
".......Hoy hintayin mo ako!" Lakad takbo na ang ginawa ko pero wala eh ikaw ba naman may 6 footer na kaibigan, ang lalaki ng hakbang nya at naabutan agad ako. He pulled my ang wrap his hands around my waist. Kakaiba yung naramdaman ako bigla akong kinabahan, Diyos ko po gabayan nyo po ako.
"Huli ka" sabay halik nya sa pisngi ko. Normal lang naman samin yon walang malisya pero ngayon parang iba. Ay ewan!