Caleb was busy packing his stuffs. He was flying tomorrow in the Philippines for at least two months vacation. Mabuti na lamang at pinayagan siya ng kanyang ama na mag bakasyon. Iyon ay dahil maganda ang income ng kanilang kompanya. His family owned a textile company in the States.
At thirty-one, he was the COO of DFS Textile Company. After he graduated in college ay pinamahalaan na niya ang kanilang kompanya. Ang kanyang ama ay nanatiling CEO bagama't siya na ang utak ng pagpapatakbo ng DFS Textile Co.
He was eighteen years old when he flew to America with his parents. Ayon sa ama ay kailangan daw nitong tingnan ang negosyo na bago pa lamang naitatayo noon. Labag man sa kalooban dahil marami siyang maiiwan na kaibigan sa Pilipinas ay napilitan siyang sumama sa kanyang mga magulang. Noong umpisa ay nanibago siya. Hinahanap-hanap niya ang mga dating ka kilala at kaibigan. Pero kalaunan ay nasanay na rin siya.
Habang nag-aaral ay namasukan siya noon bilang isang gasoline boy. Hindi niya kailangan gawin iyon dahil nakakaangat naman sila sa buhay. Both his parents come from a well-off family, nag-iisang anak pa siya. Pero sa kabila niyon ay hindi tumutol ang kanyang mga magulang. Sa halip ay natuwa pa ang mga ito dahil responsable raw siya.
Nang sumapit siya sa huling taon niya sa kolehiyo ay hiniling ng kanyang ama na magtrabaho na siya sa kanilang kompanya. Then he did. But he started from a scratch. He was his father's messenger and afterwards he became a clerk. Hanggang sa marating niya ang posisyon bilang COO. Sa nagyon ay maayos naman ang kanilang negosyo. Mas malaki na iyon kompara noong kararating pa lamang nila sa America.
Aala-una ng madaling-araw nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Caleb sa NAIA. Pagbaba niya nang eroplano ay nanatili pa siya ng isang oras sa NAIA para sa connecting flight naman niya pa puntang Butuan City. Kaya mag-aalas kwarto ng umaga noong nakarating siya mismo ng Butuan. Paglabas niya ng airport ay nagpatawag siya ng isang airport taxi na maghahatid sa kanya sa Tandag.
Alam ng kaibigan niyang si Marco na magbabakasyon siya sa bahay nito pero hindi niya binanggit ang eksangtong araw ng pagdating niya. He wanted to surprise his best friend.
Mabilis ang naging byahe nila. Bukod sa maaga pa naman ay wala ring sagabal sa daan katulad ng traffic. Kaya nasa tatlong oras lang ang naging biyahe nila mula Butuan City airport hanggang bayan ng Tandag. At mula sa bayan ay babayahe pa uli siya ng thirty minutes upang marating ang eksaktong destinasyon.
"Sa bahay ba ng mga Sanchez ang punta mo?" tanong ng driver sa kanya. Eksaktong kapapasok lamang nila sa premesis ng farm ng mga Sanchez. Mga ilang kilometro pa ang layo sa mismong ancestral house ng kaibigan.
"Kilala niyo po ang mga Sanchez?" tanong niya. Tumango naman ang driver bilang sagot. "Tagarito ho ba kayo?"
"Taga farm ang asawa ko. Pero umalis na kami dahil sinamahan namin ang aming anak sa sentro simula nang mag-aral siya sa kolehiyo," sagot nito.
"Ganoon ho ba?" Tumangu-tango siya habang nakikinig sa kwento ng driver.
Ilang sandali pa ay natatanaw na niya ang ancestral house ng kaibigan. Kung titingnan mo ito sa malayuan ay mukha itong hunted house dahil sa design at itsura nito dala ng kalumaan.
It was an old wooden house na napapaligiran ng mga nagtataasang puno ng acacia at balete. Ang mga bintana ay gawa pa sa capiz. Malaki iyon at napakaganda kahit na makaluma."Napakaganda talaga ng bahay ng mga Sanchez," komento ng driver nang huminto sila sa tapat ng malaking gate niyon.
Ngumiti lamang siya. "Salamat po," aniya sa driver bago niya ito inabutan ng isang lilibuhin.
"Naku Sir, eh, sobra-sobra na po ito," kakamut-kamot ang ulong wika nito.
Ngumiti lamang siya uli at bumaba na ng taxi. Kinuha niya ang mga bagahe sa compartment ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Bakit Mahal Pa Rin Kita?
RomanceAfter almost a decade, muling nagbalik sa Pilipinas si Zam galing Australia. Kung siya lamang ang masusunod ay hindi na niya gugustuhin pang bumalik ng Farm nila sa Mindanao, pero mapilit ang Kuya Marco niya. The place reminded her of so many bitter...