Kabanata 5

57 4 2
                                    

"I'm here!" Sigaw ni Zam habang papasok sa kabahayan.

"Zam, ikaw nga ba?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Nanay Josie.

"Sino pa po ba?" nakangiting tanong niya. Saka mahigpit na sinalubong ng yakap ang matanda.

"Diyos ko po, kay tagal mong hindi umuwi dito, eh. Alam ba ni Marco na darating ka?" Tumango siya.

"Loko talaga ang batang iyon, aba'y hindi man lamang sinabi sa akin. Sana ay naipagluto kita ng mga paborito mo," pumapalapak na sabi nito.

"Maybe Marco wanted to surprise you," aniya na iginala ang paningin sa kabahayan. Lihim siyang napabuntong-hininga. It was the same, halos walang pinagbago sa mga kagamitan doon.

"Naku, mas lalo kang gumanda anak. Ang sabi ni Marco ay designer ka na raw sa Australia, eh, pero bakit mukha kang modelo?"

Napangiti naman si Zamantha sa pagkamangha at papuri ni Nanay Josie sa kanya.

"Salamat po Nanay Josie," aniya.
"I'll take that as a compliment." Saka muling niyakap ang matanda. Bukod sa kanyang kapatid ay isa pa si Nanay Josie sa mga taong malapit sa kanya doon.

"Si Marco po?" tanong ni Caleb na kapapasok lang bitbit ang maleta niya.

"Ikaw pala ang sumundo sa rito sa dalaga namin," nakangiting wika ni Nanay Josie.

"Nagkaaberya ho kasi sa kamalig kaya hindi nasundo ni Marco ang kapatid niya," sagot ng binata.

Kinuha ni Tonying ang bagahe ni Zam na dala-dala ni Caleb.

"Salamat," saad ni Caleb sa binata ring katiwala. Ngunit napansin nito ang pagtitig nito kay Zam. Kitang-kita sa mga mata nito ang paghanga sa dalaga. Well, hindi na siya magtataka. Dahil talaga namang makaagaw pansin ang kagandahan ng dalaga. At kahit siya nga mismo kanina ay muntik ng matulala rito.

Hindi niya alam kung bakit, pero hindi niya iyon nagustuhan. Kaya timikhim siya para makuha ang atensiyon ni Tonying. Pero mukhang napalakas ata iyon kung kaya't pati si Nanay Josie at Zam ay napatingin sa gawi niya. Napangiwi na lamang siya dahil sa ginawa.

"Oh, Tonying, paki akyat na lamang iyan doon sa taas. Sa kaliwang banda, sa may harap ng guestroom. Iyon ang kwarto ni Senorita Zam mo," utos ni Nanay Josie sa binatang katiwala.

"Salamat," nakangiting wika pa ni Zamantha kay Tonying bago ito tuluyang pumanik.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Nanay Josie.

"Hindi pa po. Magpapahinga muna po ako. Pakigising na lang po ako kapag dumating si Marco," bilin niya sa matanda.

"Hala, sasamahan na kita para ma-check ko ang kuwarto mo. Iyon kasing kuya mo, eh, hindi man lang ipinaalam sa akin ang pagdating mo," tila pagrereklamo nito.

Napangiti siya, gayundin si Caleb na nakikinig lamang sa usapan nila.

Nagtama ang kanilang mga mata subalit mabilis na nag-iwas siya ng tingin.

Kung noon ay gustong-gusto niyang tinitigan ang mga mata nitong kay pungay. Ngayon ay hindi na. Dahil alam niyang utli mo mga mata ay mapanlinlang din.

Nakaramdam ng kaunting kirot sa dibdib si Zam ng maalala iyon.

Kaya agad na siyang at pumanik. Nauna na siya mismo kay Nanay Josie bago pa makita ni Caleb ang reaksiyon niya.

Hatinggabi na nang magising si Zam. She missed dinner. Hindi pa rin naman siya nagugutom pero naiinitan siya. Kung tutuosin ay may aircon naman sa kwarto niya at nakabukas naman iyon. Pero naiinitan pa rin siya. Bumangon siya sa kama saka dumeretso sa maleta at binuksan iyon. Kumuha siya ng isang pares ng bikini at nagbihis. Ang totoo ay kaunti lamang ang damit niyang dala. Sinadya niya iyon, dahil wala siyang planong mag-tagal sa doon.

Bakit Mahal Pa Rin Kita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon