Alas-dose na ng tanghali nang bumangon si Zam. Ang totoo ay kanina pa siya gising, masyado lamang s'yang nalunod sa kakaisip sa nangyayari kagabi. Magdamag n'yang inisip ang huling sinabi ni Caleb. Pero iniisip n'ya rin kung tama ba ang narinig n'ya. Baka kasi naghahalusinasyon lamang s'ya kagabi dala ng galit at pagod.
"Yeah, right. Maybe, it was just my hallucination. Bakit naman n'ya sasabihin sa akin 'yon? Nagkamali lang siguro ako ng dinig," aniya na ang kausap ay ang sarili. Simula kagabi matapos ang tagpo na iyon sa kusina ay ilang beses na n'ya iyon sinabi sa sarili. Ngunit hayun hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin s'ya.
Ikinaiinis at pinagsisisihan din n'ya ang pagkakadarag kagabi sa mga halik nito. Tila ba isa itong sirang plaka na paulit-ulit n'yang nakikita sa utak.
"Ugh! Kainis! Kararating ko pa nga lang, ganito na agad mga ganap sa akin? Hindi pwede ito. Kailangan kong umiwas sa lahat ng bagay na makakasakit sa akin. Matagal ko ng ibinaon sa limot ang lahat ng nangyari noon. Kaya dapat hindi ako magpapa-apekto sa kan'ya. Tama, hindi dapat!" muli n'yang sagot mismo para sa sarili.
Tamad na bumangon si Zam sa isang queen size bed. Kulay lila ang kobre-kamang ipinalit ni Nanay Josie rito kahapon. Mabuti na lamang at alaga sa linis ang mga kwarto sa bahay ng kapatid n'ya. Kaya hindi ganoon ka-hassle kung sakaling may biglaang bisita ang dumating. Katulad na lamang nang pagdating n'ya kahapon.
Kahit na tinatamad ay pilit na iginaya ang sarili pa puntang banyo upang maligo.
Napili n'yang isuot ang paboritong overlap yellow dress. Bagay sa kan'ya ang damit na iyon dahil lalong lumalabas ang kan'yang kaputian. Plus, she was sexy on that dress. Pinarisan niya iyon ng kulay silver na slip-ons at nagpahid lamang s'ya ng pale-pink na lipgloss. Habang ang itim at tuwid namang n'yang buhok ay hinayaan lang nakalugay. Bago tuluyang lumabas ng kwarto ay nag-spray siya ng Ralph Lauren Romance perfume sa sarili. Saka sunod nang lumabas at bumababa para agad na hanapin ang kapatid.
"Hello, brat."
Sinalubong s'ya nang mahigpit na yakap ni Marco nang magkita sila sa may komedor. At bukod sa kapatid ay na andoon na rin si Caleb. Mukhang kararating lamang ng kapatid n'ya mula sa farm habang si Caleb naman ay nag-uumpisa nang mananghalian.
Gumanti siya ng yakap sa kapatid. "May kasalanan ka sa akin," nakalabi niyang pakli rito.
Napa kunot-noo ito, ngunit agad na natawa ng maintindihan ang ibig n'yang sabihin— na nagtampo s'ya dahil hindi ito ang sumundo sa kan'ya sa airport.
"Sorry, nagkaproblema sa taniman kahapon, eh," Napakamot sa ulong sabi ni Marco bago s'ya nito ipinaghila ng silya sa bandang kanan nito para maupo. Nasa may kaliwang bahagi naman si Caleb nakaupo kung saan kitang-kita s'ya nito dahil naging magkaharap sila.
Aware siyang nakatingin sa kan'ya ang binata. Pero pilit n'yang inignora ang presensiya nito.
"Nagtatampo si Mommy, hindi mo raw s'ya dinadalaw. My God, Marco, it had been three years since you last visited her." Napapatalak na naman s'ya sa silya.
"I got busy with our farm. Besides pwede naman s'yang dumalaw rito...Bahay ninyo rin naman ito," sagot ni Marco.
"Correction, dear brother, 'your home' hindi ako kasali," pagtatama n'ya.
Alam ni Marco na walang himig ng anumang pagtatampo o sama ng loob ang sinabi n'ya. Pero hindi pa rin nito maiwasan ang mapailing. Ito man ay nagtaka kung bakit dito lamang ipinamana ng kanilang ama ang lahat ng ari-arian nito gayong dapat ay hati silang magkapatid.
"It is yours, too, Zam. Hayaan mo kakausapin ko si attorney—"
"Oh, Marco, don't do that. Alam mo namang ayukong tumira sa ganitong lugar at isa pa, tiyak na hindi iyon magugustuhan ng Daddy," tanggi n'ya.
BINABASA MO ANG
Bakit Mahal Pa Rin Kita?
RomanceAfter almost a decade, muling nagbalik sa Pilipinas si Zam galing Australia. Kung siya lamang ang masusunod ay hindi na niya gugustuhin pang bumalik ng Farm nila sa Mindanao, pero mapilit ang Kuya Marco niya. The place reminded her of so many bitter...