I: Mokong

49 1 1
                                    

"Fuwaaaa!" napahikab ako sa sobrang antok. Ikaw ba naman ang manood ng anime buong gabi! Atleast di ako bad breath kahit papaano, hindi mapopolluted ang hangin sa bawat hikab ko. Nag-bolgate kaya ako!

Oh, by the way ako nga pala si Nikki Estrella! *waves*
Isa akong estudyante mula sa kilalang school dito sa lugar namin known as 'Quinine Academy'.

Medyo naninibago pa ako sa lugar na ito since bagong lipat lang kami last month.  Kasalukuyan akong naglalakad ngayon patungo sa school na nabanggit ko kanina.

"Lalalala~"

After 987652 years ng paglalakad, naka abot din ako sa school! Mariin akong napahawak sa may gate ng school at hinabol ang hininga ko.

Jusme, ito ba ang tinatawag nilang
'walking distance'? Eh halos abutin ako ng siyam-siyam!!

Tumingin-tingin muna ako sa paligid ko, ayos wala pa masyadong students! Mukhang napa-aga ata ng pasok ang lola niyo ah! Pero ayos na din to, makakatulog pa ako!

Saan kaya ako pwede matulog? Sarado pa yung library eh. Nakakahiya naman sa classroom baka makita ako ng mga klasmeyt ko na tulo laway.Yikes!! Napatigil ako saglit sa may gate at nag-isip..

Hmmmm... ( ̄. ̄)
.
.
.

AHA! Alam ko na!

Sa rooftop!!Biglang sumindi yung imaginary bumbilya sa ulo ko. Agad akong tumakbo papunta sa lugar kung saan ako makakatulog ng mahimbing. . .

"SA WAKAS~! HAHA MAKAKATULOG NA ME!"
Masaya kong sabi habang nakataas ang dalawa kong mga kamay sa ere.
Aware naman ako na medyo mukha akong tanga nung sinabi ko yon pero ako lang naman ang tao dito e! Besides, malamig dito at wala masyadong pumupunta.

"Baby it's just you and me and I can't fight this feeling anymore~" Agad akong humiga at kumuha ng libro sa bag. Attack on Titan manga? Pwede na ito! Binuka ko yung manga at tinaklob sa mukha ko. Wala pang ilang minuto ay dinalaw na rin ako ng antok.

Zzzzzzzzzz

Matagal rin siguro akong nakatulog pero laking gulat ko nang may katabi na ako sa pagtulog. Lalaki ito at may nakatakip rin na manga sa mukha. Aba,teka gaya-gaya to ah!

Kukulbitin ko sana siya nang maagaw ng atensyon ko ang labi nya. Woahhh parang nakakatempt ikiss, may pouty red lips si koya!! Napapa-lip bite tuloy ako, ahhhh Nikki wag manyak!

Pinagmasdan ko muna siya bago ako umalis. Naka indian sit ako habang nakatuon ang dalawa kong siko sa tuhod at nakahalumbaba. Ano kaya itsura niya? Hihihi. Tatayo na sana ako nang biglang may humila sa braso ko kaya napahiga ako. Napakalapit ng mukha namin sa isa't isa. Si kuyang pouty lips nakita ko na rin ang face, ang gwapoooo. ^o^

Ayaw niya parin bitawan ang braso ko kaya nasa ibabaw niya pa rin ako. Jackpot  'tong na-landingan ko pero hindi pa rin ako dapat makasigurado. Siguro minanyak ako neto kanina! Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas.

"Bitawan mo nga ako! Manyak! "

Nakapikit lang siya at hindi ako pinapansin. Sexual harassment to oy! Pero,uyyyyy kinikilig ako!

"Manyak? " tumawa siya ng mahina, lumabas tuloy yung dimpol! ≥﹏≤

"Okay, sorry kung tumabi ako sa'yo ng walang permission ha pero nauna ko sa'yo dito atsaka trespassing ka, teritoryo ko to at pwesto ko yan. Kaya pwede ba tsupi? Shoo! " this time nakamulat na siya. Kalmado siyang nagsalita pero halatang nang-aasar siya. Binitawan niya naman ako sabay tulak kaya't napahiga tuloy ako sa sahig. Bumalik naman siya sa pag-tulog niya habang nakasalampak ako sa sahig.

Nakakainis siya! Hmph! Ako kaya nauna dito atsaka may trespassing pa siyang nalalaman e property naman ng school ito! Anlakas pa talaga ba loob na itulak ako.

"Excuse me, nauna ako sayo dito MISTER MOKONG, Atsaka anong trespassing? Sa'yo ba tong rooftop? HA?! " tumayo ako at tinanggal ang manga na nakatakip sa mukha niya. napansin kong naasar siya dun sa sinabi ko lalo na doon sa 'mokong' na inemphasize ko kaya bumangon siya at hinarap ako.

"Mokong pala ha? Wag kang magpapakita ulit sakin bata at baka balian kita ng buto! " bigla niyang pinatunog yung mga daliri niya at tinaas-taas 'yung sleeves niya na tila ba naghahamon ng away. Sasapakin ko na talaga tong isang to.

Kinuha ko yung bag ko at ihinagis sa mukha niya at tumapul!

"HEADSHOT! HAHAHAHA" woooo sa sobrang lakas ng tawa ko nag-echo na sa rooftop haha. Halatang nainis siya kaya kumuha siya ng isang makapal na libro sa bag niya.

"Oy teka wag mo naman akong hatawin niyan, ang sakit nyan pre!"

"Sino nagsabing ihahataw ko sayo to?" nakahinga naman ako sa sinabi niya pero maya-maya'y ngumisi siya

"Buti naman! Kung hinde ipapadala talaga kita sa guida--AH! " hindi ko naituloy ang sasabihin kong ipapadala ko siya sa guidance office dahil bigla niyang binato yung libro sa mukha ko!

"FACEBOOK! HAHAHAHA!! " halos mamatay na sya sa kakatawa.  Nangingiyak na siya at nakahawak sa tiyan niya.  Napahawak tuloy ako sa mukha ko. Letsugas, sakit nun ah! Tsk. Magjojoke na nga lang corny pa.

Buti pa makaalis na dito! -___-

Kinuha ko ang bag ko at padabog akong umalis sa rooftop pero bago ako umalis ay binigyan ko muna siya ng isang matinding death glare.

-------(^o^)------

[A/N:]

Sabaw ba ang first chapter? Ahaha!  Sana talaga magustuhan ninyo yung susunod pa na chapters.. T____T
Anyway! Kung mapapansin ninyo isa akong anime fan xD so.... Ayun! Hi fellow otakus! :D

____________❌❌
VOTE

COMMENT

SUPPORT

...and be a fan!

Accidentally Falling For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon