Chapter 28

9.4K 485 93
                                    

Pagkarating namin ni Iris sa bahay nila ay kinuwento niya kung paano nag-propose sakaniya si Cyan. Natameme raw bruha dahil hindi niya ine-expect na magpro-prospose sakaniya si Cyan.


It didn't came to he rmind that their feelings are mutual. Ako nga din eh, nagulat. Pakipot lang si Cyan, ayaw pa aminin na-develop din naman. Nung pag-alis ko nun sa pinuntahan naming private balcony ay nagulat siya na si Cyan ang dumating. Habang nagkwe-kwento si Iris ay wala akong masyadong naintindihan dahil puro sigaw ang ginawa niya sabay hampas pa saakin ng gaga.


Alam kong kinikilig ka pero utang na loob, masakit yang mga hampas mo. Sinabihan na rin siya ni Cyan na huwag na muna niyang ipagsabi sa iba yung tungkol sa engagement dahil sa pumuslit siya sa trabaho niya. Nag-promise naman si Cyan na magkakaroon ng formal engagement party kapag natapos na ang mission niya.


Kaya nga gabing-gabi naghahanap na ng mga catalogue si Iris para sa engagement party. Buti nga at nakatulog sa pagod si Iris, hindi na siya nagtanong tungkol sa nangyari saakin.


The shame. Hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa tuwing naaalala ko yung kiss-- Violet, what have you become? Mga isa o dalawang glass ng wine palang naiinon mo so nasa tamang katinuan ka pa nun. Kilala ka pa naman ng lalaking yun, baka mamaya stalker yun.


Tsaka, sino ba talaga yun? Wala naman akong kakilalang mga lalaki sa high society. Well, maliban kay Duke Daniel pero siya na rin nagsabi na hindi siya dadalo ng ball. Yung last time kasi na tinanong ko siya.. "Masquearde Ball is stupid. Why would I attend?", ang tanging sinabi niya.


Kasalukuyan akong nakasakay ng carriage. Pauwi na ako sa bahay namin. Bumalik na kaya sa mission niya si Cyan? Teka, ano sasabihin ko sa parents ko?


"My lady, we've arrived", sabi nung coachman. Nakarating na ako sa bahay. Hayy... gusto ko na humilata sa higaan ko.


"Lady Violet, you've been summoned to the Count's office", salubong saakin nung butler namin.


"Father called?", hindi naman siguro alam ni papa yung pinaggagagawa ko kagabi noh?


"Yes, my lady. He told me that you will be having a family meeting", I gasped. It's been years since we last have our family meeting.


"Is that so. Then, I guess I'll go meet father now", ani ko sabay lakad papuntang office ni papa. Ano kaya pag-uusapan namin this time. Of course, isa na doon yung engagement ni Cyan pero ano pa kaya? Nagpapatawag lang kasi ng family meeting si papa kapag serious matters at kung maraming kailangang pag-usapan.


Hinatid ako ni butler hanggang sa may pintuan lang. Wala kasi sinuman ang pwedeng pumasok sa office kapag family meeting ng mga Glyn. Wala ring makakarinig sa pag-uusapan namin dahil may mga magical items si papa na pampa-soundproof ng room. Mahal pero minsan lang din kasi nagagamit.


Pagkapasok ko ng office ay nandoon na sila sa may bilog na table. Ginagamit lang ang table na iyon kapag family meeting namin. Umupo ako sa may tabi ni Cyan na seryoso rin ang mukha.


They were all wearing solemn expressions on their faces. It looks like we're going to talk about serious matters.

Violet the Wallflower | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon