Tamed 6

44 0 0
                                    

Alas dos ng matapos ang klase ko sa Geometry ay dumiretso agad ako sa cafeteria. Matapos ang engkwentro namin ni Paul sa rooftop ay matalim ngunit may halong ngisi ang pinupukol nito sakin tuwing nagkakasalubong kami sa hallway o kaya naman sa klase. I know he's pissed, lalo na sa mga sinabi ko nung huli.

Matamlay na naupo ako sa bakanteng lamesa sa gilid ng cafeteria bitbit ang tray. Hindi nakapasok ngayon si Pia dahil may trangkaso ito at sinisipon rin. Di na nga rin dapat ako papasok pero pinagalitan lang ako nito. Sinubo ko lahat ang cheesecake na binili ko habang nakasimangot pa rin. Buti na lang masarap 'to kundi nabadtrip na ako ng tuluyan.

"Ang lonely mo naman, gusto mo pasayahin kita?" gulat sa akin ni Mark.

Nilingon ko ito at inirapan. Eto na naman tayo eh.

"Stop ruining my day"

"Oh, sorry na. Akala ko kasi namiss mo lang ako, oh baka iba naman ang namiss mo? Starts with letter 'P' no?!" pang aasar pa nito.

Binato ko sa kanya ang plastic bottle na kakaubos ko lang at binirahan sya ng alis. Nakakasira talaga ng araw ang mga magkakaibigan na yun. Badtrip!

Lalo akong napasimangot ng makasabay sa pintuan si Paul na papasok naman sa cafeteria. Nagulat ito ng mapagtantong ako ang nasa harap nya at ng makabawi ay napangisi rin. Nanggigigil na hinarap ko sya,

"Bakit ba panay ngisi mo ha? Wag mo nga akong binabadtrip!"

Tinaas nito ang dalawang kamay nito na parang sumusuko.

"Easy there, masama bang napangiti ako ng makita kita?" naningkit ang mga matang tinitignan ko ito. Why is he acting na parang close kami?

"Don't talk to me" sabi ko bago ako umalis ngunit bago pa man ako makalabas ay pinigilan na nito ang braso ko

"Why are you so grumpy? Nakikipagkaibigan na nga ako eh" biglang nagsinghapan ang mga tao sa cafeteria. Tss. Mga tsismosang estudyante, kanina pa pala nakikiusyoso sa usapan namin.  Hinarap ko ang unggoy na si Paul at nginitian ng napakaaaatamis.

"Manigas ka. Wala akong kaibigang bakla" biglang naglaho ang ngiti sa mukha ni Paul at uminit ang mukha nito. Hinigpitan nito ang hawak sa kanya.

"Don't call me gay" inis na bulong nito. Nginitian ko ulit sya at inalis ang pagkakahawak sa kanya nito,

"Gay" at saka akong tuluyang umalis. Hindi ko alam ngunit nawala ng onti ang pagkabadtrip ko sa ginawa kong pang-aasar dito.

Kinabukasan, kasama ko ng pumasok si Pia matapos kong bantaan na i-ooverdose kung hindi ako sasamahan sa school, mukhang tinablan naman at biglang gumaling.

"Hoy Shanna! Nakikinig ka ba? Sabi ni Ma'am may quiz daw" untag nito saka ako binigyan ng yellowpad. Tinignan ko sya ng malambing at nagpout pa ng kaunti.

"Alam mo Pia, busy kasi ako kagabi kaya ikaw na bahala ha!" binigyan nya ako ng matalim na mga tingin.

"Ikaw itong pumasok tapos mangongopya ka sakin? Saka hindi ka naman busy kagabi, nanonood ka lang ng UFC"

"Bahala ka, pag ako bumagsak lilipat ulit tayo ng school, okay lang sakin dahil maraming unggoy dito" ngisi ko dito. Bigla naman naalerto ito at hindi makapaniwalang tumingin sakin.

"You're evil" iling nito.

"I know" sabi ko and wear my billion dollar smile.

Matapos ang klase ay napagdesisyonan namin na gumala sa mall. Sumakay ako sa kotse nya dahil walang gas ang kotse ko. Pagdating naman sa mall ay dumiretso kami agad sa mga boutiques na binibilhan ng mga fashionistang mga damit ni Pia. Tumingin tingin din ako sa mga damit na nakasabit sa dingding. May mga plain at tube pati na mga butas butas na damit na makikita sa paligid, ngunit hindi iyon ang nakaagaw ng pansin ko kundi ang pamilyar na bulto ng lalake na may kasamang seksing babae na namimili sa loob din ng boutique.

Malanding kumapit sa mga braso nito ang lintang babae na kulang na lang ay magdikit ng mighty bond sa katawan nya para permanenteng nakadikit ito sa lalake. Di nga ako nagkamali ng makitang ang malanding si Paul ang lalake na kasama nito. Kahit kailan talaga, hindi ako tatantanan ng presensya nito. Sakto namang napatingin ito sa dako ko at nagulat pa ng mapagkilanlan ako, ng maglaon ay ngumisi rin ito.

"Look, babae ka rin pala" ngising bungad nito. Nagsimula na namang mabuhay ang katawang lupa ko pero di ko rito pinahalata.

"At ngayon ko rin napatunayan na bakla ka pala talaga, akalain mong magkita tayo sa lugar na 'to" sagot ko dito. Nawala ang ngiti na kanina ay nakaplaster sa pagmumukha nito. Tinignan nito ang kasamang babae na kasalukuyang naguguluhan sa nangyayari.

"Hi miss, mag-ingat ka sa mga sinasamahan mo ha! Baka naiinsecure lang yan sa kagandahan na taglay mo" sabi ko sa kasama nito at kinindatan. Mukha namang nahypnotize ito ng saglit sa kindat ko bago ito tumango. Tinitigan ko rin si Paul na nakatingin sakin ng matiim. Binelatan ko sya saka binirahan ng alis.

Natawa na naman ako, lagi na lang akpng nakakapuntos sa unggoy na yun. Sa tingin ko nagbabalak na yun i-massacre ako. Dumiretso ako sa Mcdonalds saka umorder ng aking favorite na Mcflurry Sans rival, tineks ko ma rin si Pia na nandito ako dahil nalimutan kong kasama ko nga pala sya doon.

Sumubo ako ng spoonful Mcflurry Sans rival at ngiting ngiting napapailing. Talaga naman, ang lakas talaga maka goodvibes ng pagkapikon ng unggoy na Paul na yun.

-------
WAHAHAHAHAHAHA! Medyo natagalan magupdate dahil busy sa practicum ngayong sem. Happy reading!

Taming the JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon