Tamed 9

13 0 0
                                    

Worst day is Monday. You've got to get ready to school early even tho you have a hang-over Sunday night. But in my case, it wasn't liquor who made me stayed up until dawn, it's the freakin tears. Blame Pia for it. I looked like a vampire with a swollen nose and bloodshot eyes walking in the middle of the hallway. What makes it even worst than worst? My first class is History--which btw is my frenemy subject. Hooray for the worst day of the week ever!

"Oh Shans, okay ka lang? Anong tinira mo kagabi at pulang pula yang mga mata mo?" biro sakin ng katabi ko na si Nica. Sa mga ganitong oras ko hinihiling na sana may fangs na lang ako just to make her shut up. Mukha ba akong okay? And do I look like I need someone to remind me how mess I am today?

"Downy, yung sunrise fresh" sabi ko. Nagulat ito ng sandali pero tumawa rin pagkatapos. Pasalamat sya at wala ako sa mood magpakab1tch kung hindi nakatikim na sya ng malupit na pambabara.

Magk-kwento pa sana ito sakin nang may mga malalandi at matitinis na bunganga ang sumigaw sa loob ng klasrum. Magkakasunod na pumasok ang apat na lalake na para bang may nakalatag na carpet at spotlight na nakatuktok dito. Napakunot talaga ang mga noo ko pagkakita pa lang sa kanila. WHAT THE HELL? Anong ginagawa ng mga yan dito? D-don't tell me kaklase ko sila? Pero wala naman sila dito dati ah? Shit.

Dire-diretso lamang ang mga ito papasok hanggang sa dumako sila sa tabi ko. Hinarap ako ni Paul ng nakangiti. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Ano na naman ba ang gustong patunayan ng lalakeng ito? Kung makaasta para bang close friends kami. Ha-ha, don't make me laugh.

"Akalain mo nga namang katabi pala kita sa subject na 'to" umupo ito sa tabi ko at sumunod rin sa tabi nya ang tatlong unggoy na kasama nya. Nangangatog talaga sa inis ang mga tuhod ko at parang gusto kong manakal sa mga oras na 'to. Hindi ba ako tatantanan ng Paul na 'to?

Di ko sinagot ang tanong nito at tumingin na lang sa katabi ko na si Nica na hihimatayin na sa kilig.

"Anong nangyayari sayo dyan?" tanong ko sa kanya.

"K-kilala ka n-nila?" di makapaniwalang tanong din nito. Natawa na lang ako ng mapagtantong isa itong die hard fan ng mga unggoy na 'to.

"Oo, pero di ko sila kilala" huli kong sagot dito bago tinutok ang sarili ko sa harapan.

Maya maya pa ay may kumakalabit sa tabi ko na ikinainis ko bigla. Syempre, sino pa bang katabi ko na nakakainis diba? Walang iba kundi ang unggoy.

"Hoy, pahiram naman ako ng notes mo"

Nilingon ko sya at tinignan ng masama. Naka pout ito at nangungusap ang mga mata. Nginitian ko lang sya sabay inirapan. Ano sya? Sineswerte?

"Ang damot talaga ng babaeng 'to. Tss" bulong nito.

"May sinasabi ka?"

Nagulat naman ito sa tanong ko at umiling iling.

"Sabi ko, pwede ba kitang ihatid mamaya" ngiting ngiti nyang sabi saka kinindatan pa ako.

Naparingin kaagad ako sa paligid ko. Lahat sila nakatingin saming dalawa at nagsimulang mag "ayiie". Unti-unting namula ang mukha ko sa hiya. Lintik na unggoy na 'tooo! How dare he embarass me like this.

If looks could kill, kanina pa sya bumulagta sa harap ko. "No way" kalmado ngunit may bahid pa rin ng galit na sagot ko.

Isinabit nito ang tumakas na buhok ko sa aking tainga na lalo pang ikinamula ko. I am as red as apple.

"There's always a next time" at pagkasabi nya nito ay tumingin na ito sa harapan. Kitang kita ko ang malalaking ngiti ng mga kaibigan nya.

AAAAAARGH! Makakapatay talaga ako ngayong araw.

***
After so looooong! Finally nasundan din ang last chapter!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taming the JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon