Tamed 7

29 0 0
                                    

"You're impossible Shanna!" tili sakin ni Pia matapos ko ikwento sa kanya ang nangyari kanina sa boutique. Tinakpan ko ang dalawa kong tenga saka tinitigan sya ng masama. Makareact 'to.

"Stop yelling Pia, and besides, anong masama sa ginawa ko?" tinitigan ako nito ng hindi makapaniwalang na reaksyon.

"Really? Anong mali? You just started a war! Remember this Shanna, transferee ka lang and Paul is a popular guy. Do you get my point? I don't wanna end up transferring another school for pete sake!"

"Okay, okay. Makareact ka naman akala mo binomba na yung Pilipinas" biro ko

"Haha, funny"

Napailing na lang ako. Minsan talaga nakakainis kasama 'tong si Pia. She's acting more like a mother than a bestfriend. Inaya ko na syang umuwi dahil maggagabi na rin, and mag-aaral pa ako for the exam tomorrow.

**

"Oh anong problema mo at parang binagsakan ka ng isang bilyong meteorites dyan?" bungad sakin ni Pia matapos ang klase ko sa Psychology.

"Sayang yung eyebags ko kagabi! Chapter 4 pala ang exam, Chapter 3 ang inaral ko! Ugh!" reklamo ko. Putris na buhay 'to, kung kailan sinipag saka naman minalas.

"Digital na talaga ang karma ngayon" aniya ng isang tinig na alam na alam ko na. Nilingon ko sya habang tatawa tawang naglalakad kausap ang barkada nya. Nag init agad ang tenga ko kaya naman tinawag ko sya.

"Hoy Bakla! Badtrip ako ngayong araw kaya wag ka ng makisali"

Biglang naalerto naman ito at saka mabilis akong nilingon nito. Inirapan ko sya kaya naman ginantihan lamang ako nito ng nanlilisik ng mga tingin.

"Meet me after lunch" may diing utos nito sakin bago nagpatuloy ulit maglakad. Eto na naman tayo sa meet me nya eh! Nakakairita na sya ha! Kung makapagutos akala mo hari ng lahat. Pwes, maghintay sya mag-isa! Badtrip!

**

Nasa klase na ako ng Math ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa ang pulang pula at galit na galit na si Paul. Nagulat ang iba at ang iba naman ay napasigaw sa kalandian. Miski ang professor ay walang nagawa ng pumasok ang hari ng walang kagatol gatol kasundo ang tatlong alipores nito. Ano na naman bang kailangan ng mga 'to at nandito sa klase na 'to? Di ko naman mga kaklase yang mga unggoy na yan.

Tumayo sa gitna si Paul at luminga linga na parang may hinahanap ng mapagawi sya sa kinauupuan ko. Namula lalo ang kanyang mga tainga at walang habas na sinigawan ako,

"HOY! DIBA SABI KO MEET ME AFTER LUNCH! TAPOS NA LAHAT LAHAT KUMAIN WALA KA PA RIN!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Aba't!

"HOY KA RIN! SINABI KO BANG PUPUNTA AKO? WAG MO NGA AKONG INUUTUSAN LANG!" napatayo na rin ako sa galit. Maang na nakatanghod ang lahat samin at mistulang nagulat sa biglang sigawan namin.

Inaawat na nila Mark at Angelo si Paul habang si Jasper naman ay walang pakialam na nakasandal sa pintuan habang nakatingin sa labas.

"HINDI MO BA AKO KILALA! LAHAT NG SINASABI KO DAPAT SINUSUNOD MO!" tumango tango naman ang iba. Napamake face naman ako. Like ew!

"AT BAKIT NAMAN KITA SUSUNDIN? TATAY BA KITA?," bigla akong natawa sa napagtanto ko "-- sabagay mukha ka naman talagang tatay" alam na alam ko na talaga kung ano ang kahinaan na unggoy na 'to. Natawa naman ang iba pati na rim ang mga kaibigan nito

Napanganga naman si Paul sa narinig. Namula pa lalo ang pulang pula na nitong mukha. Magkadikit ang mga labi nito na parang pigil na pigil sa nararamdaman. I silently give myself a pat, mukhang I won again.

Binulungan ito ni Angelo kaya naman tinanggal ni Paul ang mga kamay na nakahawak sa kanya at tinignan ako ng masama bago umalis.

Medyo nakonsensya naman ako sa mga sinabi ko pero syempre hindi ko papakita sa kanya yun no. I breathe a bit bago ako bumalik sa pagkakaupo ko saka nagpanggap na walang nangyari.

**

A/N: Woah, nakapagupdate din! Give me a virtual hug! Hope to update soon! Thank you guys for the support! Please comment, I love to see how you react :)

Taming the JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon