True Friend

0 0 0
                                    

Chapter 21

Jordan's P.O.V.

August 7 na ngayon at free time nanaman namin pero okay narin yun last subject narin eh :) Thursday at meron naring isang linggo na makalipas yang sign na yan :))) pero di ako makaget-over parin

"Sofia at Hazel I have a question" paglapit ko sakanila

"Naniniwala ba kayo sa signs?" sabi ko

"It depends" sagot ni Hazel

"Yung parang hintayin ang 12 at kapag umulan ganito ganyan" sabi ko

"Ahh. Parang sa 3 words 8 letters no?" sabi ni Sofia af tinanguan ko lang siya

"Pwede pero di ko pa nata-try eh" sabi ni Sofia

"That depends talaga" sabi naman ni Hazel

"Okay thanks" sabi ko at umupo na sa upuan ko ng tinabihan ako ni Liane at umupo siya sa upuan ni Tom napatingin lang ako sakanya

"Okay lang ba sayo na nakikipagkaibigan na ako kay Christi?" tanong niya

"Uhm" at nag-isip ako "Yeah okay lang" sabi ko na di talaga sigurado

"Sure ka ha? Kasi ayoko naman sumama sakanya kung ayaw mo pala" sabi niya

"Okay lang and I am learning to accept her na ganun talaga siya she's not Christi kapag hindi siya nagdradrama at nag-iinarte. So why will we change her?" sabi ko kay Liane na napangiti siya

"Tama" at hinug niya ako "Kung may time na gusto mo tayo lang tell me. Thank you true friend ang bait mo" sabi niya at kumawala siya sa hug

"Sure anytime" at nginitian ko siya at umalis narin siya at tinabihan si Christi

Totoo naman yung sinabi ko eh siguro sa umpisa lang ito pero I know matatanggap ko talaga si Christi :)

Mag-isa ko, walang katabi kaya nagbabasa lang ako ng Paper Towns. Pero sa kalagitnaan ng pagbabasa ko naalala ko nanaman yung sign na hiningi ko

"Jordan psst" may nagtawag sakin reason for me to stop thinking about it kaya napatingin ako at si Tom tinatawag ako

"Masyado kang lonely halika manood tayo" sabi niya at inofferan ako ng seat sa tabi niya

"Kaninong laptop ito?" tanong ko

"mine" sagot ni Brent na nasa likuran ko

"Bat mag-isa ka? Ano sabi ni Liane sayo?" sabi ni Tom habang nagse-search sa youtube

"Uhm wala. Friends lang." sabi ko

"Hayaan mo yun nandito ako. Nandito kami." sabi ni Tom "Ayan mapapasaya ka siguro dito" dagdag niya

Baka naman hindi totoo yung signs? Baka naman masyado na ako nagpapakatanga. I should make my own destiny hindi yung naghihintay. Oo dadating din yung taong magugustohan mo. Paano kung dumating na? Alangan na maghihintay ka na may mangyari syempre you have to fight for it and you have to do everything.

Kasi noong hinintay ko ang 12:01 hindi umulan pero umasa ako na uulan hanggang sa hindi pa ako humihiga pero noong naisipan ko na wala na talaga inihiga ko at umulan. Baka Tom is not right for me? Pero ano itong ginagawa niya sakin? Is it an affection as a friend? Ako lang ba nakakaramdam nito? Pero bakit ako binibigyan ng pag-asa ni Luke at Brent? Bakit minsan nagbibigay ng sign or galaw si Tom? Grabe. Ang gulo. Di ko alam.

"Jordan?" sabi ni Tom

"O?" sabi ko at napatitig sa screen

"Hindi ka nakakatawa?" sabi niya

AcquaintanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon