Chapter 22
Jordan's P.O.V.
Lunch break na at kasama ko sila Phil, Eva, Andreanna, Mari at Floro sa pagkain :)
"Ano ulam niyo?" tanong ko sakanila at isa-isa kong tinignan pagkatingin ko kay Mari
"Tsk. Rich kid forever" sabi ko
"Lagi naman yan eh" sabi naman ni Eva
"Di ka kakain?" sabay na tanong namin ni Phil kay Eva
"Diet yan" sabi naman ni Andreanna
"Payat-payat mo na nga padiet, diet ka pa" sabi naman ni Floro
"Hindi ako nagda-diet" sabi ni Eva
"Eh bat di ka kumakain?" sabay ulit kami ni Phil kaya nagkatinginan kami
"Sorry" sabi ni Phil at balik na kami sa pagkain medyo nabalutan kami ng katahimikan at biglang tawanan sa left side namin kaya napatingin ako doon, oo ako lang. Sanay na kasi sila Eva na maingay lagi…
Pagkatingin ko dun ay sila ate Aliah, ate Lyle, mga 3rd year na lalaki, kuya John at sila Brent, Luke at Tom. Napatingin si kuya John at Brent sakin napaiwas ako ng tingin at yumuko tsaka sumubo ng pagkain
"May tanong ako wag ka magagalit ha?" sabi ni Phil nasa left side ko siya eh
"Ano yun?" sabi ko habang kumakain
"Bakit parang di na kayo nagiging solid?" tanong niya
Napatingin ako sakanya at kila kay Tom… At napatingin ulit ako kay Phil
Nginitian ko muna siya bago sagutin ang tanong niya "Magkakasama naman kami nila Tom kahapon ah"
"Pwede. Pero si Liane?" sabi naman ni Phil
"She's just trying to be friends with Christi kasi kawawa naman si Christi" sabi ko
Nung natapos na kumain yung mga nasa kaliwa ay umalis na sila doon at syempre mapapadaan sila samin ng may humawak ng balikat ko pagkatingin ko si kuya John at nag thumbs up lang at napatingin si Brent nginitian lang niya ako, kaya ngumiti rin ako pabalik sakanya
"May sasabihin din ako sana di ka magalit" sabi naman ni Floro
"Wag nga kayo matakot" sabi ko at nginitian ko sila
"Paano ba naman kasi maganda ka, mataray, masungit at iba ka samin eh" sabi naman ni Eva
"Oo nga. Ikaw nasa taas." sabi naman ni Andreanna
Teka nagugulohan ako at napatingin nalang ako kay Mari
"Hindi din ganun si Jordan. Best Friend ko siya eversince nung dumating siya dito" sabi naman ni Mari, totoo yun pero di ko siya gaano nilalapitan na simula nung Grade 4 cause Mari is this typical girl who is very shy and very quiet while me, super talkative kaya nakisama ako sa ibang classmates namin pero kahit kailan hindi niya ako iniwan at pinabayaan. She's always ready to listen to me. Anyway going back to Floro's question.
"Ano yun?" sabi ko kay Floro
"Uhmm sa totoo lang nahihiya ako na nagugulat at medyo natatakot sayo" sabi ni Floro
"Parang ako ang nakaramdam nun ah" sabi ko at medyo natawa "bakit naman?" sabi ko ulit
"Kasi ikaw itong si Jordan Alaina na maraming kakilala, gusto ng lahat, kaibigan ng lahat. Parang sabihin natin sa bawat year meron itong "Popular group" kabilang ka dun, kayo na FratSo ang pinaka sa batch natin" sabi ni Floro I get his point
"Yeah so? It doesn't mean that I belong sa people on top hindi na ako pwede makipagkaibigan sainyo" sabi ko naman
Sa school namin imbes na i-label ang mga populars yung mga less populars ang linalabelan. At ang tawag doon ay Tropang Potchi. Sila yung mga isip-bata, mahiyain, tahimik at syempre hindi nakikipagsocialize at sila Phil, Andreanna, Eva, Mari, Floro yun sa batch namin
BINABASA MO ANG
Acquaintance
Teen FictionPeople come in and out of your life but not everyone are meant to stay. But each one of them has a purpose why are they in your life and why do they have to leave. It's hard to be longing for someone isn't it? but acceptance is always the key to hap...