Chapter 30
Brent's P.O.V.
Ilang oras narin na hindi ako nireplyan ni Jordan. Nagpapakasaya na yun doon for sure hays. Buti pa siya peasy, easy lang.
Nag refresh ang aking instagram
@AlainaAlaina: "The secret of being happy is accepting where you are in life and making the most out of it everyday."
Photographed by: Larisse Garcia
Fuck. Ang ganda niya. Kahit na candid shot ito! Ang ganda parin niya siguro nag try siya ng rides. Grabe rin kasi makahigh ang babaeng ito. Napakahyper. Pero base naman sa mga pictures nila talagang napakasaya niya nung mga araw na yun. I'm happy that she's finally happy.
Stinalk ko siya. Pagkapindot ko sa bagong photo ay madami na agad likes wow ha. Famous pala ang babaeng ito pero nakaprivate naman account. Nakakabilib naman. Nilike ko narin. Sa mga araw na wala siya nakatambay lang ako sa mga accounts niya. Gusto ko kasing abangan mga pangyayari sa buhay niya mukha kasing nakakainteresado at exciting. Hindi ako nabobored sa timeline niya. Maganda at gwapo mga pinsan niya. Nasa dugo talaga nila. Ano kaya lahi niya?
***
Maganda ang aking gising dahil tapos na ang mga exams. Papasok na kaya si Jordan? Dalawang araw narin since nag EK sila at nakakausap ko naman siya pero kamustahan lang. Teka? Bat ko ba siya iniisip.
Tama na kaka-Jordan hays. Late na ako sa school.
Nakarating na ako sa school ay tapos na ang Flag Ceremony. Hays.
Pagpasok ko ng classroom ay magulo, mag free time siguro kami. Wala siguro gagawin the whole day. Katatapos lang din ang exams at tsaka mag sisimula na kami sa Sports Fest! Yes basketball na ito.
Habang nakikipagkwentuhan kila kay Tom ay hindi ko mapigilan ikutin mga mata kung saang-saang sulok ng bigla kong nakita bag ni Jordan sa upuan niya pero wala siya doon. Andito na siya? Nilibot ko ang mga mata ko hanggang sa nakita ko siya nasa 1st row siya nakaupo at nagsosolo at nakadikit ulo niya sa wall.
"Pre" pagpuputol ko sa kwentuhan nila Tom at Luke
"Andito na pala si Jordan" hindi ko parin inaalis tingin ko sa babaeng yun
"Oo nga andito na. Pre nakita mo ba mga pics niya? Tangina ang ganda ganda niya" sabi ni Tom
"Nakita ko" simpleng sabi ko at nilipat mata ko sa pinapakita ni Tom
Sinave niya mga photos ni Jordan sa phone niya. Bilib rin ako sa isang ito. Masyado siyang natamaan kay Jordan.
"Nakausap niyo na ba?" tanong ko
"Hi, hello lang" sabi ni Luke
"Tara kulitin natin" sabi ni Tom
At dumiretso na kami sakanya. Kumuha kami ng kanya-kanyang upuan at umupo malapit sakanya. Tinignan ko siya maigi, gamit niya yung earphones na ipinahiram ko sakanya pero di niya ata kami napapansin. Umalis ako para may kunin sa bag ko pagkakuha ko ay bumalik ako sa dating pwesto.
Nagpapansin kami gamit ang bagay na kinuha ko sa bag ko na alam kong hindi niya matitiis.
"Andyan pala kayo? Sorry, I got preoccupied" sabi niya at inalis ang earphones
Sabi na eh hindi niya matitiis ito
Binuksan ko na ang wrapper at kumuha ng maliit na piece. Isa-isa kami kumuha
"Eeeh" sabi niya
"Bakit?" Tanong ni Luke
"Wala noh" sabi niya indenial pa eh XD
BINABASA MO ANG
Acquaintance
Teen FictionPeople come in and out of your life but not everyone are meant to stay. But each one of them has a purpose why are they in your life and why do they have to leave. It's hard to be longing for someone isn't it? but acceptance is always the key to hap...