That's them?

5 0 0
                                    

Chapter 7

Jordan's P.O.V.

Lunch na at palabas na ako ng room ng biglang hilain ako ni Sofia na hindi ko man lang nalaman kung san nanggaling

"Saan tayo pupunta?" tanong ko pero di niya sinagot

"Kung gutom na gutom ka na, keep calm kasi ako din!!!" sabi ko pero wala parin kaya hinayaan ko siya hanggang sa mapansin ko na sa basketball court kami at parang alam ko na ang nangyayari pero di ako sigurado kung tama ako

"Ayun sila o!" sabi ni Liane at tumingin ako sa tinuro niya. Sabi na eh! Tama ako

"Brent, Joshua and Tom" pagsulpot bigla ni Gerardo na hindi ko rin alam kung san nanggaling "Brent yung payat, Joshua yung mataba at Tom yung matangkad" dagdag niya

"Ohhh" sabay na sabi namin ni Sofia

"Hey Brent, Joshua and Tom!" sigaw ni Gerardo at kumaway lang sila

"Pst, Gerardo! Sure ka bang magsesecond year lang yang si Tom?" tanong ni Liane

"Yes. He looks very mature right?"

"Oo! Grabe fourteen palang may bigote na psh" singit ni Sofia

"Why are you quiet?" tanong sakin ni Gerardo

"Huh? Wala kain na tayo Sofia I'm really hungry" sabi ko at umalis na kami

Pagkauwi ko kwinento ko kay kuya yung tungkol sa bago naming mga kaklase

"JOSHUA?!" sigaw niya. Hay naku! Yan pa talaga ang napansin niya

"Yes! He's fat" at pinakita ko picture niya dahil itong si Gerardo, he sent some photos of them sa group chat namin

"From the three of them, si Tom ang pinakagwapo" kaya hinila ko phone ko at tinignan yung Tom na gwapo daw na ewan

"Sakto lang and yet he has a mustache" sabi ko

"Your favorite" sabi ni kuya

"eww. Not the facial hair kuya."

"I know. Pero wow ha! Mas nauna pa siyang nagkabigote kesa sakin"

"Ewan ko sayo" at umalis na ako ng kwarto niya. Ewan feel ko lang hahahaha

Lumipas na ang dalawang linggo at paulit-ulit lang ang nangyayari, araw-araw ko nakikita sa school sila Tom, Joshua at Brent. Magaling din sila magbasketball pero I never talked to them. Katatapos lang din ng Graduation day kahapon at bukas na pupunta si Nik sa Tarlac </3

*knock knock*

"Yeah?" sagot ko

"Dinner" sabi ni mom at sumama na ako sakanya pababa

Habang kumakain…

"Ehem, ehem" pagbabasag ni dad ng silence

"May gagawin kayo next week" sabi ni dad ulit kaya nagkatinginan kami ni kuya kasi magkatapat lang kami

"You guys…" okay!! Paputol effect pa si mommy

"We're?" tanong ko

"Are going to Manila" sabi ni mom na nagpalaki ng mata ko

"OMG! WHEN? WHEN?" super saya ko promise! Kaya napatayo ako bigla

"Next week" sagot ni daddy

"YES!" sigaw namin ni kuya

"Pack your things tomorrow" sabi ni mommy

Kaya nung natapos na kaming kumain ay dali-dali akong nag-online sa twitter at nag-tweet

See you Manila soon! XD

AcquaintanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon