Ilang araw matapos ang kabobohan at insidente ay tila naka move on na si Heeseung sa ginawa niya. Tahimik na ulit ang buhay nito.
"May nararamdaman akong mga demonyo sa phone ko."
Sakto naman ang pag message ni Sunghoon sa groupchat nila. Natawa na lang si Heeseung at parang proud na proud sa sarili niya sa prediction niya.
Unang tingin pa lang ni Heeseung sa message ay nilapag na niya kaagad ang phone niya para magbihis.
Lowkey lang naman ang fit ngayon ni Heeseung ; oversized white tee, jeans na may pagka baggy ang style, at black converse shoes.
Naging inside joke na nila na bata si Riki. Si Riki kasi ang bunso sa kanilang barkada pero halos magkakaedad lang naman sila.
Habang naghihintay sa mga kaibigan niya ay inayos lang ni Heeseung ang sarili para mag mukhang presentable. Mahirap na, baka makita niya si 'The One' sa Xylo.
Nang marinig na ni Heeseung ang honk ng sasakyan ni Sunghoon ay sign na 'yun para lumabas na siya sa apartment niya. Nilock niya ang pinto at naglakad patungo sa sasakyan ng kaibigan.
Bungad naman pagpasok ni Heeseung sa backseat ng kotse ang mukha ni Riki na may ngiti na pang gago.
"Anak ng pu-"
"Hi!" cute na bati ni Riki sa kaniya.
"Gago bakit pinasama niyo 'to? 17 pa lang 'yan ha!" nagreklamo agad si Heeseung sa kaniyang mga kaibigan.
"Mapilit," tipid na sagot na lang ni Sunghoon sa reklamo ni Heeseung.
Recently kasi ay nagkayayaan pumuntang bar ang magkakaibigan. Noong una ay hesitant pa sila isama ang kaibigan dahil minor pa nga lang ito pero dahil charge to experience nga raw ay isinama pa rin nila ito.
First time ni Riki makapasok pero hindi first time uminom. Walwal pa nga ang gaga hanggang sa magkalat na sa bar kaya simula na noon ay natuto na ang magkakaibigan na huwag na huwag lasingin ang bunsong kaibigan.
"Matangkad naman ako! Papapasukin ako ulit!" mayabang na sabi ni Riki kay Heeseung. Nakatanggap tuloy ito ng batok sa nakatatanda.
"Pandak ka lang e!" habol ni Riki kay Heeseung.
"Ah talaga ba putanginamo!"
Matapos ng maliit na argumento ay nalipat na ang topic hanggang sa makarating na sila sa Xylo.
Pagkalabas nang lahat sa kotse ay napansin nila Hee at Riki ang magkaholding hands nilang mga kaibigan.
"Parang nandidilim naman paningin ko," parinig ni Riki sa dalawa habang nakatingin sa malayo.
"Sana may jowa ban din sa Xylo," pagsabay naman ni Hee sa biro ni Niki.
Nagtawanan na lang silang lahat nang itaas ni Sunoo ang middle finger niya.
Nang makapasok ang lahat ay nag avail agad kami ng table hanggang sa nagsimula na ang session. Session ang tawag nila sa inuman.
Ilang oras na ang lumipas at nagsimula nang maghiwalay ang magkakaibigan. Si Riki nasa dancefloor, si Heeseung na nasa counter, at ang dalawang mag boyfriend na naglalampungan somewhere.
Habang nagmamasid masid sa kung saan si Heeseung ay may nakita siyang pamilyar na mukha. Ang pamilyar na mukha na 'yun ay si Jake. Nabuga tuloy ni Heeseung ang shot na iniinom nang makita sa personal ang lalaki sa bird app.
"Ang gwapo naman kahit nasa malayo."
Parang bumagal ang buong mundo nang tumingin sa direksyon ni Heeseung ang magandang lalaki na kanina pa niya pinagmamasdan. Napaiwas tuloy ng tingin si Heeseung nang magkaroon sila ng eye contact.
"Hala, putangina talagang alak."
Natawa na lang si Heeseung sa sarili ; iniisip na kung ano-ano na lang ang kaniyang nakikita dahil sa tama ng alak.
AN: That's all the updates for today, bukas ulit!
BINABASA MO ANG
Shawty | HeeJake | ON EDITING - ON HOLD
FanfictionA HeeJake filo au wherein, Heeseung's former teacher tags him on a photo of a guy Author's Note: Please read the latest update before continuing.