Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Hindi ka nakakatuwa, Riki."
"Galit na naman siya oh!"
Hindi na alam ni Heeseung kung anong gagawin niya. May two options naman siya ; gagawin ang research paper o babagsak na lang.
Malapit na rin kasi ang defense ng grupo nila Heeseung kaya ngayon ay hell week talaga para sa kanilang lahat. Swerte na lang si Heeseung dahil hindi niya kagrupo ang mga kaibigan niya dahil sigurado ay bagsak na siya.
"May research ka pa pala tapos mas pinili mong mag walwal buong gabi kaysa gawin 'yan," sermon naman ni Sunoo sa kaniya.
May punto naman kasi si Sunoo kaya walang ibang magawa si Heeseung kung hindi mag type na lang sa laptop niya. Sumasabay pa ang sakit sa ulo niya.
Nag-offer naman tumulong sila Sunghoon pero makulit talaga itong si Heeseung, karma niya na raw 'yun.
Paano ba naman kasi, nagkaroon ng family gathering ang pamilya ni Heeseung at napagtripan na naman siya ng mga ninong niya na uminom.
Nasa canteen ngayon ang magkakaibigan dahil full packed ang library ng campus nila at dahil vacant din ay kanila ang buong canteen.
"Ay putangina— sila Jungwon ba 'yun?"
Napaangat naman ng ulo si Heeseung at nakita ang tatlong mga binata sa may entrance ng canteen.
"Bakit? Kaaway mo?" tanong naman ni Sunoo kay Riki.
"Hindi ah! Diba sila 'yung original BGC Boys ng campus?" mahinang sagot naman ni Riki.
Akmang magtatanong pa sana itong si Sunoo pero mabilis na sumagot naman si Riki, "Bago kasi ang circle of friends ni Jungwon. Si Jay, boyfriend niya na galing all boys school pati 'yung kasama nila na si Jake."
"Palibhasa chismoso ka!" gatong naman ni Sunghoon dito.
Agad namang naagaw ang buong atensyon ni Heeseung dahil sa pinag-uusapan ng tatlo niyang kaibigan. Doon lang na realize ni Heeseung kung sino ang mga tinutukoy ni Riki.
Heeseung will admit, hindi niya pa nakikita sa personal itong si Jake pero madali niya lang namukhaan dahil sa mabilis na eye contact sa Xylo at ang litrato nito sa bird app.
"At 'yan din 'yung shawty na tinutukoy ni Hee," habol naman ni Riki.
'Yun na lang din ang gulat ng magkakaibigan nang lumapit sa table nila ang tatlong binatang pinag-uusapan. Mas nagulat pa sila nang magbeso sila Sunoo at Jungwon.
'Yung reaksyon ni Riki parang luluwa na ang mata.
Sumaglit si Jungwon sa table nila dahil nakipagkwentuhan pa ito kay Sunoo habang ang dalawa naman nitong kasama ay nasa likod niya lang.
Malapit lang si Jake sa gilid ni Heeseung kaya iwas na iwas naman ng tingin si Heeseung. Naalala kasi ni Heeseung 'yung kagagahan niya two nights ago.
"Hi! You're Heeseung, right?" dahan dahan na napalingon si Heeseung sa kumausap sa kaniya. Putangina si Jake!
Magsasalita na sana si Heeseung nang biglang magpaalam na sa isa't isa sila Sunoo at Jungwon. Bago pa naman makaalis ang tatlo ay kumaway ng may ngiti si Jake. Alam ni Heeseung na namumula na siya on the spot dahil sa pag-init ng pisnge niya.
"Pulang pula si Gago!"
Humagalpak bigla ng tawa si Riki nang makaalis na ang tatlo sa canteen sabay turo kay Heeseung.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.