Chapter 2 (Bagong Bahay Bagong Buhay )

37 1 0
                                    

FRESH AIR.. yan ang masasabi ko dito sa bahay namin. 7 years din kaming di nakakapunta dito pero di naman ito napabayaan dahil na din siguro sa mga kasambahay namin.

"Hoy! Zeah pumarne ka nga kanina ka pa tulala diyan. Pasalamat pa tayo at ayos na ang mga gamit natin. At wala na tayong kailangan pang ayusin." Edi kami na nga ang maswerte. Pinadala na kasi nina mama at papa yung mga gamit namin kaya at pinaayos na kaya wala na kaming kailangan pang gawin.

"Oo na kuya! Nga pala san ka papasok. At tsaka bakit walang mga kasambahay dito."

"Ang sabi nina mama pinag bakasyon muna nila, sabi din nila na ang itutulong lamang ng mga kasambahay ay paglalaba at pamamalantsa. Tayo na daw ang bahala sa anumang gawaing bahay para daw maging independent tayo kahit papaano. Hassle naman!" Buti na lang talaga mabait si kuya. Marunong naman kaming dalawang magluto kaya ok lang.

"Kuya. Sorry ah nadamay ka pa! Dapat ako lang ang nandito ngayon. Mahihirapan ka pa tuloy sa pag-aaral mo. Napalipat ka pa tuloy ng school ng hindi oras. Tsaka di mo pa sinasabi sakin kung saang school ka papasok." Dapat ako lang naman talaga ang nandito eh! Kawawa tuloy ang kuya kong luko.

"Ano ka ba dahil sa nag iisa ka naming kapatid na babae. Ang problema ko lang ay ang paggagawa ng bagong crew at band. Sa Z Academy ako papasok." Oo nga pala si kuya kasi ay sobrang talented. Magaling ng sumayaw magaling pang kumanta. Nasa kanya na kaya ang lahat. Kaya swerte ang magiging girlfriend niyan eh! Z Academy daw?

"Teka kuya diba yun ang school natin? At si kuya zid ang nagpapatakbo ng school na yun?" Sh*t patay ako dun pag nalaman nun na di ako papasok.

"Oo nga. Patay ka dun pag nalaman nun na di ka papasok! Wag kang mag alala akong bahala sayo!siguradong sa lunes papasok ka na!" Patay ano na naman ang kalokohan na ipapagawa sakin ng lalakinh are!

"Kuya w-wait b-baka kung anu yan ahh! At tsaka may phobia na ata ako sa pagpasok sa school. Malay mo may makakilala sakin mabully na naman ako!" Paiyak ko ng sabi kay kuya.

"Tuturuan kitang lumaban. Sigurado akong wala ng mambubully pa ulit sayo. At saka magschool mate naman tayo at kapatid mo din naman ako nahihiya ka pang magsumbong sakin! Ikaw talagang bata ka!"

"Kaya naman ayaw kong magsumbong sayo kasi baka kung anong gawin mo sa mga yun. Baka mapatay mo pa! Kilala kita kuya! Baka magkaroon pa ako ng kapatid na preso! Past is past!"

"Yun na nga eh!past is past! Kaya dapat nagsisimula ka nang magbagong buhay ngayon. Ipagpatuloy mo ang pag aaral mo. Tuturuan kitang lumaban!"

Lumaban yan ang salitang hindi ko alam kung kaya ko bang gawin. Ayaw ko kasi ng gulo. Ayaw ko ng may nasasaktan. Mas ayos pa sakin na ako ang nasasaktan kaysa iba ang sinasaktan ko.

"Hindi ko alam kuya, hindi ko alam" yun na lang ang nasabi ko kay kuya.

Dumiretso na ko sa kwarto ko pagkatapos ng paguusap namin ni kuya. Umidlip lamang ako ng biglang may tumawag sa cellphone ko.

"Waiting for your
call i'm sick
call i'm angry
call i'm desprate---"

"Hello sino to?"

(Hello. Hoy kuya zeon mo to! Nakailang miscall na ko sayo ah! Galit ka ba sakin?)

"Di po ako galit. At may patawag tawag ka pang nalalaman kuya. Pwede mo naman akong katukin na lang eh! Nag-aksaya ka pa ng load. Ang tamad mo talaga kuya!" Napakatamad talaga ni kuya. Aakyat lang dine sa kwarto eh!

(Hoy babae kanina pa kaya kinakatok! Akala ko nga'y galit ka sa akin! Ako'y nandito lamang sa court malapit lang satin nag babasketball lamang ako! Mamaya ako uuwi! Bye!) *toot*

Ganun binabaan ba naman ako! Asar eh!

Biruin mo yun 6 na pala ng hapon. Ang idlip ko ay naging tulog

Pumunta na lamang ako sa may music room namin ni kuya. May band kasi kami dati at ako ang drummer. Minsan vocalist.

Nagdru-drums ako ng biglang sumagi sa isip ko ang mga masasamang nangyare sa akin kaya napalakas ang bawat pag hampas ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Kaya naputol yung drum sticks.

*knok knok knok knok*

Ang kulit nung kumakatok. walang tigil eh!

"SANDALI LANG" pagalit kong sigaw. Tumigil na din sa kaka-katok.

Pinunasan ko muna ang luha ko bago ko pinagbuksan yung kumakatok.

Halos matawa na ako pinigilan ko lang. Pano ba naman kasi isang batang lalake ang nakita ko at nanginginig sa takot. Siguro dahil sa pagsigaw ko kanina.

"S-sorry po k-kuya. S-sabi po kasi ng kuya ko na ang ingay po kaya po p-pinapunta ako dito." Abat napagkamalan pa talaga akong lalaki. Gawa siguro ng buhok ko. At dahil na din kakagaling ko lang sa iyak. Hagard ko siguro.

"Wait lang bata di ako nangangain ng tao tsaka babae ako. Pasabi sa kuya mo pasensya na." Bigla namang sumaya yung gwapong bata. Ang gwapo ng batang ito eh! Matured na ang mukha pero mga nasa 9 years old pa lang ata to.

"Sorry po ate. Ako nga po pala si conan miguel reyes. Kayo po anung pangalan niyo?" Mukhang mahilig sa anime ang mga parents nito. Magkakasundo kami ng parents niya! Hehe.

"Ako nga pala si Zeah Rivera. Ate Zeah na lang. Mukhang galing sa anime ang pangalan mo ah!"

"Opo ^_^ lalo po kayong magugulat sa pangalan ni kuya.
" oo nga mukhang nakakaintriga ang pangalan ng kuya niya

"Sige po ate zeah. Baka po hinahanap na po ako samin. Bye po ^_^"

"Sige. bye conan." Ang gwapo ng batang yon siguro ganun din ang kuya niya siguro ang pangalan ng kuya non ay voltes five . Hehe! Biro lang.

Ilang saglit lang ay dumating na si kuya nagalit pa nga sakin. Buti nga daw at drum stick lamang ang nasira hindi yung drum set. Katakot takot tuloy na sermon ang natanggap ko.

"Ikaw talagang bata ka. Sirain mo na ang lahat wag lang ang mga yan. Yan na nga lang ang libangan natin sisirain mo pa!"

"Sorry na nga kuya!"

"Oo na basta bukas na bukas tuturuan na kitang lumaban tutal sabado naman bukas!"

"Oo na lamang kuya"

Mukhang mapapasubo pa ata ako bukas.

**********************

Keep reading sana po magustuhan niyo itong first story ko ^^

Former Campus Queen meets The Childish HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon