Grabe talaga di ko makakalimutan yung pangalan na yun. John Goku? Son Goku lang ang peg? May possible kaya nakapatid niya si Conan? Naku imposible! Magkaibang magkaiba sila ng ugali!
Nandito na kami ngayon ni kuya sa bahay. 4:30 ang labasan sa school pero 6:00 na kami nakauwe. Napasarap kasi sa pag-babasketball sina kuya. Si kuya na nga ang friendly! Nakakaasar nga! Ang tagal din kaya ng pinag intay ko nakasaksi pa tuloy ako ng lovers quarrel ng magtropa. Hahaha
Nagluto ako ng favourite namin ni kuya na sinigang na shrimp. Ang galing ko talagang magluto. Wala eh! Si Chef Zeah ata to! ^_^
At dahil ako ang nag luto ngayon ay si kuya ang naka toka sa paghuhugas ng plato at dahil wala din naman kaming assignment ay may free time pa ako para mag gala-gala. Yey!
Habang nag-gagala ako ay parang nakita ko si conan? Kaya lumapit na lang ako para makasigurado.
"Conan?" aba nga naman. Si conan nga! Napakagwapo talaga ng batang to!
"Ah! Ate Zeah. Hello po!" Napaka gwapo talaga ng batang ito! Grabe. Pero infairness kahawig niya nga yung si JG.
"Teka nga. Bakit ka na gala eh gabi na. Baka hinahap ka na sa inyo. Madami ng masasamang tao sa panahon ngayon. Bata ka pa naman." nako ito talagang batang ito. Baka mapagalitan to sa kanila?
"Kasi po ate, si kuya kasi! Inutusan akong bumili ng ice cream.si kuya po kasi parang naglilihi sa ice cream. Tsaka po kaya ko ang sarili ko kasi lahat po kaming magkakapatid ay black belter sa taekwondo." Ah ganun naman pala.!astig nila. Pero ang tamad ng kuya niya!
"Astig naman ng pamilya mo! Pero wait, di ba pwede namang kuya mo na lang ang bumili nung ice cream niya hindi yung inuutusan ka niya!"
"Ganito po kasi yon, takot po si kuya sa dilim at sa multo kaya po kahit anung ipagawa sa kanya ay di po talaga siya lalabas ng gabi! Hahaha. Minsan nga po naiisip ko na bakla si kuya. hahaha. Pero lalaking lalaki yun! May pagkaisip bata lang po talaga!" Hahaha akalain mo yun daig pa niya kuya niya! Pero napakabait talaga ng batang to.
"Ah ganun ba? Ganito na lang! Dahil nag-crave ako sa ice cream na yan samahan na lang kita 7/11 ba ang bibilhan natin o mini stop?" Tanong ko.
"7/11 na lang po para mas malapit"
Yahoooo! May kadate akong poging bata! Joke lang!Nagkwe-kwentuhan kami ni conan ng about sa family nila at dun ko din nalaman na kapatid niya nga si John Goku. At nalaman ko din ang lahat ng mga sikreto ng lalaking yon. At ang pagiging duwag nito. Nagtatapang-tapangan lang pala yon!
Bumili na kami ng ice cream at mauuna na daw siya dahil tiyak daw na nag-wawala na ang mahal niyang kuya! Napaka matured na nung si conan.
Malapit na ako sa may labas ng bahay ng may nakita akong kotse. Sure ako kay kuya zid to!
Pagkapasok na pagkapasok ko sa gate ay sumalubong agad sakin ang dalawa kong kapatid sabay yakap sakin. Tsk parang kaninang umaga lang nagkita kami ni kuya zid sa school. Tapos eto namang si kuya zeon, kanina naman magkasama kami ah.
" oyy kayong dalawa. Anong nakain niyo at nagkakaganyan kayong dalawa?"
"Nag-aalala lang naman kami sayo! Di ka ba tumitingin sa oras! 10:30 na kaya! Di mo ba alam na madaming mga loko loko ngayon sa daan!" Alalang sabi ni kuya zid.Pffft. Akala ko naman kung ano 10:30 lang pala! W-wait TEN THIRTY NA!?
"At ikaw babae ka akala ko maglalakad-lakad ka lang diyan sa labas! Di na kami magkaintindihan ni zid dito! Kung alam mo lang, dapat nga magrereport pa kami sa pulis. Buti nga di namin agad sinabi kayna mama at papa kung hindi baka ipagalugad nila ang buong pilipinas!" Buti na lang di ako nagmana sa kanila ng pagka OA
"Ganito kasi yon kuya zid, kuya zeon! Di ko na namalayan ang oras dahil may kasama akong gwapong nilalang. Kaya yon nag kwentuhan kami. Grabe mga kuya! Feeling ko siya na ang mapapangasawa ko! " pang aasar ko sa dalwang kuya kong mga ugok.
"Hoy magtigil ka! Lumipat lang tayo dito nag-iba ka na. wag kang ganyan!" hahaha nakakatuwa ang mga itsura ng mga kuya kong to!
"mga kuya angh O-oA niyo naman. may kasama lang naman akong bata kanina." bigla namang naging calm na yung dalwa
" Teka nga! bakit ka nandito?" sabay turo ko sa gwapong mukha ng gwapo kong kuya! pwe!
" Bakit Zeah?ayaw mo bang nandito ang pinakagwapo mong kuya sa buong mundo!?" magsisimula na ang Worl War III in 5 4 3 2 1
" Hoy! di porket kuya kita di na kita papatulan! ako kaya ang pinakagwapo sa buong universe at sa planeta ni kokey!!!!" nasama pa talaga si kokey eh! ganyan talaga yang dalawang yan pag nag aaway.
" Ala nakakairita na kayong dalawa! magsama kayo diyan at ako'y matutulog na! wag kayong mag-iingay!" dumiretso na ko sa kwarto ko! wala eh dinedma lang naman nila ako!
ginawa ko na ang mga dapat kong gawin bago matulog and bwala! good night!!
*KINABUKASAN*
Rise and shine!
Huhu ako na nga ata ang gagawing chef ng mga kuya ko. Ako nanaman kasi ang pinagluto. At binola pa ko! Ang sarap ko daw mag luto kaya ako na lang daw ang magluto!
Medyo nakakapagtaka na nandito si kuya zid. Meron naman kasi siyang sariling condo malapit sa school. Eh malayo itong bahay namin. Pero ayus na din yon atleast magkakasama kaming magkakapatid.
Pagkatapos naming kumain ay umalis na agad si kuya zid dahil dapat talagang maaga siyang pumasok dahil siya si Mr. Principal.
Pagkatapos ligpitin ni kuya zeon ang pinagkainan namin ay umalis na din kami. Don't you worry. Kanina pa kaming naka school uniform bago kumain.
Pagkadating namin sa school ay sumalubong agad kay kuya ang kanyang mga friends. Kaya yun loner si ako.
Pero habang nag-lalakad ako sa corridor ay hinarangan agad ako ni Kaycee Landicho siya yung new friend ko. Napakabait niya. Sobra!
"Hey friend ^_^ Ohayo!"
"Ay Alien!!! Ginulat mo naman ako! Good morning din!" Nakakagulat talaga itong babaeng to!.
Sa sobrang gulat ko kay kaycee ay may nabangga ako .pader ata ang sakit ng likod ko eh!
"Damn! Are you blind?" Hinarap ko yung nasa likod ko! The fffff kumukulo ang dugo ko ah! Si Son Goku pala to!!grrr. At parang nag SUPER SAIYAN pa siya! Asar! kitang nakatalikod ako pano ko siya makikita!
"Damn you!!Mukha ka namang unggoy!! SON GOKU!! GRR.". Mukhang nagkamali ako sa pag kakasabi ng ganun sa kanya dahil parang bubuga siya ng apoy kaya tumakbo ako.
"Hey you b*tch! You'll be dead meat if i get you!f*ck!" Sh*t ang bilis niyang tumakbo.
Buti na lang nakahanap ako ng lugar na pagtataguan .para siyang lumang gym. Medyo madilim.
Nadinig ko naman ang yabag ng paa ni Son Goku!
"HEY B*TCH! WHERE ARE YOU! LET ME KILL YOU!" Maka b*tch wagas.
Sh*t ang dami palang langgam dito. Ahh ang sakit mangagat ahh. Packaging tape pula pa atang mga langgam to ahh..
"Ahh .. sh*t..sh*t..f*ck" lumabas tuloy ako ng gym na to ng di oras.
*********************
Magkakaroon po ng part 2 itong chapter 4 dahil madaming pumapasok sa utak ko ngayon. Sana po magparamdam naman ang bumabasa
BINABASA MO ANG
Former Campus Queen meets The Childish Heartthrob
Teen Fictionpano kung ang isang babaeng sawa na sa kanyang buhay dahil sa mga problemang dumaan sa buhay niya ay matagpuan ang lalaking dadagdag pa sa problema niya.