Chapter 3 (Goku??)

24 1 0
                                    

Lunes na ngayon. And guess what?

Napapasok lang naman ako sa school ng magaling kong kuya.

Biruin niyo yon dalawang araw lang na sermon, pangaral at pagturo kung pano lumaban. Sabi nga ni kuya "from weak zeah to fearless zeah." Pero di pa ako gaano nakakapag move on.

Ngayon nga lang ako naliwanagan ng ganito. Simula ngayon may kakampi na talaga ako dahil schoolmate ko na si kuya di katulad ng dati na magkaiba kami ng school na pinapasukan.

Nandito kami ngayon ni kuya sa kotse niya.

"Hoy zeahtot wag na wag mong kakalimutan ang mga sinabi ko sayo kung ayaw mong masira na naman ang buhay mo. Alam mo namang kahit na hindi ako ganong kabait na kapatid pero kahit ano gagawin ko maprotektahan ka lang"

"Kuya ikaw ba yan? Ang sweet mo naman daig mo pa boyfriend ko!" Biro kong sabi kay kuya. Drama niya kasi masyado.

"Lokohin mo lelang mo alam ko namang wala pang kahit sinong nakakapagpatibok nang puso mo!" Oo nga no? Abnormal ata ako.

"Di ka abnormal sadyang hinahanap mo lang talaga ang taong nararapat sayo." Wow at kailan pa to naging mind reader?

"Aba't kuya mind reader ka na pala ngayon." Pang asar kong sabi sa kanya.

"Di naman masyado *insert evil laugh*" mukhang baliw!

"Hindi ako baliw!" Edi siya na nga!

"Tsk"

hanggang sa pag dating namin sa school nagbabayangan pa din kami ni kuya.

Habang naglalakad kami sa may corridor ay biglang may mga nagtsi-tsismisan na mga lamang lupa.

"Hey girl! Did you heard the news?" Lamang lupa 1

"Oh!yung about sa kapatid ni principal zid pogi" lamang lupang bakla 2

"Yeah. Sa tingin ko yang dalwa na yun" lamang lupa 1

Abat talagang lantaran at tutok na tutok pa ang pag turo samin! Nakakaasar ah!

"Hello ^_^" aba nga naman! At nag papacute pa ang kuya kong luko sa dalawang lamang lupa!

"Hi kuyang pogi! Kayo po ba ang mga kapatid ni papa zid? este sir zid po pala!" Hipokritang bakla to ah! May pa cute cute pang nalalaman .wala naman siya non!

Infairness di naman ako ganitong mag isip dati ah! Nag improve na ang pag mamatapang ko! Hehe

"Kami nga!" Ngiting sabi ni kuya. Nakakaasar na ang pagpapacute ng mokong na to!

"Hello po I'm keana lopez and this gay is mark angelo de leon jr. Angel sa gabi. 3B po kami parehas" As if we're asking ?

"Hi I'm Zeon Rivera and she's Zeah Rivera. Ako ay 4A siya ay 3A. Nice meeting you guys ^_^" nagbigay naman ako ng plastic na ngiti .

"Ang plastic mo!" Bulong ni kuya.

"Ikaw din naman" Bulong ko sa kanya.

"Atleast di ko pinapakita" nako napaka plastic talaga nitong lalakeng are! Kanino kaya nag mana?

"Sige po kuya zeon, zeah. Una na po kami. Malapit na po kasi mag start ang klase." Sabi nung keana . Buti naman at naisipan na nilang umalis makakahinga na din kami ng maluwag.

"Sige bye alis na din kami." Nakangiti kong paalam sa kanila sabay kalad-kad kay kuya.

"Aray! Ang sakit naman!marunong naman akong maglakad!" Sigaw ni kuya.

"Alis na ko! Punta na ko sa room. bye tanda!" Sabay takbo ko.

"Ikaw bata ka!" Hahabulin pa sana ako ni kuya pero sorry siya, mabilis akong tumakbo.

Dumiretso na agad ako sa room. 3A daw ako. Ang first subject ay TLE sa room 125, Napakalayo. Napakalaki naman kasi ng school na to. Napakadami ding mga rooms kaya nakakalito.

Buti na lang madali kong nahanap yung room.

Pagkapasok na pagkapasok na pagkapasok ko sa room ay agad na nag tinginan sakin lahat ng mga estudyante na nasa loob.

"Girl balita ko siya ang kapatid ni sir zid. At yung isa pa nilang kapatid ay 4A gwapo! Pero gwapo at cute pa din si JG!" Sabi ng isang girl na chismosa

"Infairness pretty siya ah! Di maikakaila na kapatid nga siya ni sir zid." Another chismosa

Nambola pa! Maliit na bagay!

"Pero ang gwapo talaga ni JG no? Bakit kaya ang tagal non ngayon,maaga naman yon pumasok lage diba?" Nakakaasar na itong mga babaeng to ah! Kanina pa JG ng JG.

"OMGHIEEEE andyan na siya!! Si JG andiyan na!" Sows yan ba ang pinagmamayabang nilang JG eh! Mukhang bad boy na ewan! Pero sa totoo lang gwapo siya ah! May naaalala ako sa mukha ng lalaking to!

"Class" shete andiyan na pala si mam. At kasama pa si kuya!

"Good morning Mam Hernandez and Sir Zid." Bati ng mga estudyanteng. May halong landi pa talaga ang pagkakasabi ng pangalan ng kuya ko ah! Okay lang malandi din naman si kuya! Lol!

"Good morning din class. I'm here to introduce my sister to all of you. Zeah! Come here!" Napatayo pa ng di oras eh! Pa VIP pa talaga dapat ako. Kaya ko namang sabihin ang pangalan ko ng ako lang. Di yung may taga announce pa ko.

"She's my sister Zeah Rivera. Please be nice to her. I have to go to my brother's room so if you'll excuse me." Wow ha! Yun lamang ang masasabi ko. Yun lang talaga pinunta niya dito! Pero miss ko din ang kuya kong to!!

"Good bye sir zid."

"Okay miss Zeah you may take your sit."

*past forward*

Nandito ako sa may school ground ngayon. Wala eh! Hapon na! Labasan na nga. May mga naging new friends naman ako. Pero mangilan-ngilan lang. Sabi ni kaycee ( new friend ) na takot atang makipag kaibigan sakin yung ibang students dahil alam nila ang ugaling bipolar ni kuya zid!

Nakakaasar si kuya kasi kailangan ko pang intayin eh siya kasi madami ng kaibigan yung lalaking yun! Ewan ko ba! Buti pa si kuya! Iintayin ko pa tuloy ang text niya kung uuwi na kami.

Makaalis na nga dito sa school ground nakakaumay manood ng mga kalokohan ng mga estudyante eh!

Naglalakad ako dito sa may corridor ng may namataan akong isang krimen! OA ko ! Haha joke lang! Isang bugbugan.

"Ang tae mo bro! Bakit mo pa kasi inasar itong si JG kita mo nang pikunin!" JG na naman!ilang beses ko ng narinig yan kaninang umaga pa!

"Biro lang na----" di na pinatapos nung JG yung kaibigan niya at sinapak niya ito.

"Basta wag mo na ulit uulitin!" At nag-akbayan na sila! Ganun yun? Ganun lang kadali magbati? Mga weird na bipolar! Tsk. Ang bilis natapos ng show!

Aba. Bakit parang may nahulog yung JG .

Ah! ID niya pala


Pagkakita ko nabasa ko ang totoong pangalan niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
John Goku Reyes?

*****************

Happy Good friday. God bless us ^_^

Sana basahin niyo po ito. At sana po magustuhan niyo din ^_^

Former Campus Queen meets The Childish HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon