CHAPTER 1

28 5 0
                                    

I'M BACK BUT IT'S TOO LATE.

Please don't copy, don't paraphrase and don't revise.

:Author_withnoname

"Doc okay na po ang pasyente intayin nalang natin magising."

"Sige nurse. Go back to your work."

Nagising ako sa ingay na iyon at nagtataka kung nasaan ako.

"N-nasaan ako?"

"Nandito ka sa Hospital may nagdala sayo dito."

Tatayo na sana ako ng pigilan ako ng Doctor kaya bumalik nalang ako sa pagkakahiga.

"Anak!!"

Tawag sakin ng...biglang sumakit ang aking ulo ng alalahanin kung sino sya.

"Si Mama to!"

"M-mama?"

"Oo anak ako to!" saad nya at may isa pang pumasok sa kwarto.

"Ambal!" tawag sakin ng isang lalake na si...Di ko rin sya kilala.

"Ako to, si Oliver kakambal mo!"saad nya.

"O-oliver..."

-

Nandito ako ngayon sa tapat ng Hospital na pinagdalhan sa akin noon. Ina-alala kung pano ako nahirapang kilalanin silang lahat pero may kulang eh, alam kong may kulang pero di ko alam kung ano o sino.

"Babe tara na." tawag sakin ng aking girlfriend na ang saad sa akin noon ay naging kami daw ng 2yrs pero di ako sang- ayon doon, pero sabi nila Mama girlfriend ko daw talaga sya.

Pero bakit ganun, parang may kulang parang hindi sya, ni hindi ko nga siya minamahal ngayon napipilitan lang ako dahil kina Mama.

Anong meron? Bakit ganito nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko nahihirapan ako dito sa taong kasama ko ngayon? Alam ko sa sarili ko na hindi ko talaga sya minahal noon.

Hindi ko pa lahat naalala kaya nangangapa parin ako hanggang ngayon. Gusto kong bumalik na sa dati na walang ganito nararamdaman ang hirap, sobrang hirap.

"Hello? Yes? Yes, it's me."

Hindi ko alam pero ng dumaan sakin ang babaeng iyon di ko maiwasang tumitig sa kanya. "Nakita ko naba sya noon?" tanong ko sa sarili ko.

"Babe tara na, nandito na yung Taxi."

Sumakay na nga kami ng taxi ngayon dahil meron kaming dinner kasama si mama.

"Hi Tita!"

"Oh...hello, dear." at bumeso si Mama kay Amanda.

"Hi Anak, okay kalang ba?"

Hindi ako sumagot inaalala ko parin yung babaeng dumaan kanina sa harap ko gusto ko syang makilala pero, pano?

"Nako Tita, kanina pa yang ganyan wala ata sa mood o ano."

"Baka gutom lang, tara na, kumain na tayo."

Nagsimula na nga kaming kumain pero hindi parin ako umiimik at sila naman nag- uusap at nagtatawanan.

"Anak, kung magpakasal na kaya kayo ni Amanda?"

Saad ni mama na nagpa-balik sakin sa realidad.

"M-ma?" gulat na tanong ko.

"Magpakasal na kayo! Tutal nasa tamang edad naman na kayo... at nagtatrabaho saka gusto ko na din magka-apo. Alam mo na tumatanda na ako, di natin masasabi kung kailan ako mawawala." nakangiting saad ni Mama.

"Ma, ano ah, kasi..."di ko na natapos ang sasabihin ko ng pinutol ito ni Amanda.

"Tita, baka di pa po sya ready, hayaan nyo po soon magpapakasal din po kami diba... babe?" saad ni Amanda at bakas sa mga mata nya ang sakit.

Oo, nakikita ko yun. Siguro alam nya din na di ko talaga sya minamahal ngayon pareho lang kaming naiipit dahil kay mama.

"Ha? Ah...o-opo." nai-sagot ko nalang.

Nanahimik na ulit ako't kumain ng may pamilyar na boses akong narinig.

"Hi, I'm sorry. I'm late. Kanina paba kayo dito?" saad nya sa kabilang table malapit sa amin

Tinignan ko ito't kinumpirma kung sya nga ba at nagulat ako ng sya nga gusto ko syang lapitan at tanungin kung kilala nya ba ako, kung nakasama ko naba sya noon. Alam kong makapal ang mukha ko para gawin yun, pero gusto ko talaga sya makilala dahil familiar sakin ang mukha nya. Baka matulungan nya ako mabalik ang ala ala ko.

"Anak tara na nakalimutan kong bumili ng gamot ko hindi pa ako nakakainom." saad ni Mama pero di ko sya pinansin nasa babae parin ang tingin ko.

"Anak, Lucas, tara na." saad ulit nya pero di ko sya pinansin.

"Babe, tara na." saad naman ng girlfriend ko.

Hindi ko sila pinansin at dali dali akong pumunta sa babaeng iyon, di ako matatahimik hangga't di ko sya natatanong.

"Miss... pwede kaba makausap kahit saglit lang?" paumanhin ko sa babae.

Nagulat sya sakin at napahawak sa kanyang dibdib.

"Lu-lucas?" saad nya na nagpagulat din sakin.

"K-kilala mo ko?" tanong ko sa kanya ng bigla akong hilahin ni Amanda.

"Babe, tara na nagagalit na si Tita!"may diin na saad nya sakin at binigyan ko lang sya ng masamang tingin para bitawan nya ako.

"Pwede ba...kitang makausap kahit saglit lang?" saad ko ulit doon sa babae.

"S-sige." saad nya "Excuse me." paumanhin nya sa kanyang mga kasama.

Iniwan ko si Amanda doon at niyaya ang babaeng ito.

"Kilala moko?" Tanong ko agad sa kanya

"O-oo..." naluluha nyang sagot sakin.

"Hey...W-why are you crying?" tanong ko dahil sunod sunod ng pumapatak ang luha sa kanyang mga mata.

"B-bakit, ngayon k-kalang nagpakita?A-akala ko p-patay kana..." Nahihikbi niyang saad.

"H-ha? B-bakit? " naguguluhan kong tanong.

"H-hindi mo ba ako kilala?"

"Hindi eh,Pasensya na..."nakatungo kong sagot.

"A-ako si Bella, g-girlfriend mo noon." nakatungo din nyang saad

Sumakit bigla ang aking ulo, pinipilit na alalahanin ito pero isang matinis na tunog ang sumakop sa pandinig ko.Bigla nalang akong natumba at ang huli kong narinig ay nanghihingi na sya ng tulong...

"Anak okay kanaba? Anong ginawa sayo ng babaeng yun?" tanong ni Mama bakas sa kanya ang galit.

"Ma, alam ko na lahat." usal ko kahit ang alam ko lang talaga ay ang tungkol samin ni Bella. Sa relasyon namin ni Arabella noon na sya ang sumira.

"Ha? Naalala mo na lahat?"

"Opo, lahat naalala ko na." magalang pero may diin kong sagot sa kanya.

"Babe!" tawag sakin ng babaeng mapagpanggap na girlfriend ko.

Hindi ko sya girlfriend at never ko sya magugustuhan. Si mama lang ang may gusto sa kanya kaya siguro sya ang ipinakilala nila sakin na gf ko at hindi si Bella.

"Wag mokong matawag tawag na Babe! Alam ko na lahat Amanda."

I'M BACK BUT IT'S TOO LATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon