CHAPTER 2

19 3 0
                                    


"Ha? Ano bang sinasabi mo?"

"Kahit kailan hindi kita naging girlfriend kaya wag mokong matawag tawag na Babe." inis na usal ko.

Tumayo agad ako sa aking higaan at lumabas ng Hospital. Madami ang pumipigil sakin pero lahat sila'y tinutulak at dinededma ko lang kailangan ko mapuntahan si Bella andami kong pagkukulang sa kanya.

"Bella!" tawag ko sa kanya ng makita kong nasa bench sya nakaupo at umiiyak.

"Lucas..." nanghihinang tawag nya sakin.

Lalo akong nainis kina Mama at Amanda ng makita ang itsura nya ngayon, nung magka-usap kami ang ayos-ayos nya naka-make up pa pero ngayon... putok ang labi nya at may konting galos din sya sa pisngi halatang sinaktan sya.

"Okay kalang ba? tanong ko na sa huli kina-inisan ko din dahil mukha na nga syang hindi okay. "Wag kanang umiiyak alam ko na lahat...naalala ko na lahat" magalak kong saad sa kanya pero umiiyak pa din sya kaya nataranta na ako agad ko syang niyakap at hinalikan sa noo.

"Hindi kaba masaya na naalala ko na lahat? Mahal mo pa naman ako diba?" saad ko sa kanya nagbabaka-sakali na ako pa at nagsisimula na ngang tumulo ang luha sa aking mga mata.

"Masaya ako Lucas pero kasi..."

Ipinakita nya sakin ang kanyang kamay at napunta ang atensyon ko sa kanyang daliri na may nakalagay nang singsing sumisimbolo iyong engaged na sya.

"Ikakasal kana?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

"Oo Lucas, pero hindi ibig sabihin non kinalimutan o di na kita mahal kasi...Lucas mahal na mahal kita pero kasi nung pumunta ako sa inyo sabi sakin ng Mama mo." tumigil sya at pilit pinipigilan ang tulo ng luha nya para hindi sya mahirapang magpaliwanag sakin. "Wala kana daw, di kana daw babalik." at doon na nga lalo syang umiyak hindi na talaga nya kinaya at ako naman bakas sakin ang pagtataka kasama na din ang inis na habang tumatagal ay napapalitan na ng galit. "Alam mo ba, andami kong natanggap na masasakit na salita kay Amanda at sa Mama mo dahil ako daw ang may kasalanan noon." mahaba nyang paliwanag.

Nung maaksidente ako, yun yung araw na gusto ko nang itanan si Bella dahil ayaw sa kanya ng aking mga magulang at pinipilit nila ako kay Amanda, pupuntahan ko sana sya non sa kanila para sunduin at pupunta kami sa resthouse namin ng bigla nalang may truck na sumalubong sakin kaya ang sasakyan ko ay dumeretso sa bangin kaya hindi ko alam kung paano pa ako nabuhay pero masaya ako at nabuhay ako at makakabawi na sa girlfriend ko pero...huli na pala ang lahat bago ko maalala na may naiwan akong girlfriend dahil ikakasal na sya sa lalakeng nandyan nung iniwan ko sya.

"Sorry Bella, kung huli na...bago ko maalala ang lahat hindi ko sinasadya."nakatungo kong saad sa kanya.

"Okay lang Lucas, atleast ngayon alam kong buhay ka at alam kong kay Amanda ka ikakasal narinig ko kasi kanina na pinagpa-planuhan nyo iyon." saad nya habang pinupunasan ang luha at ngumiti sakin ng pilit.

"Ayoko kay Amanda, Bella."

"Bakit naman? Nanjan naman sya noong di mo ako maalala, nanjan sya noon para alagaan ka. Kaya bakit ayaw mo sa kanya?"

"Bella, mahal kita at nangako ako sa sarili ko noon na ikaw na, kaya pasensya na pero magiintay ako sayo kahit gaano katagal pa yan kahit alam kong engaged kana iintayin parin kita."

"Luc-"pinutol ko agad ang sasabihin nya. Damn, i miss her lips. Hinalikan ko sya pero yung halik na yun...may halong sakit dahil iniisip ko pa lang na ito na yung huli kong halik sa kanya dahil engaged na sya.

"Mahal na Mahal kita Bella kaya mag iintay ako." usal ko pagkatapos syang patakan ng halik at maingat na hinahawakan ang pisngi nyang may konting galos.

"Sila ba may gawa nito?" tanong ko ata agad naman syang tumango.

Matapos namin mag- usap ay sumama sya sakin ng yayain ko syang lumabas at mag-bonding siguro nasa isip na din nya na last na to bago sya ikasal kaya pinagbigyan nya na ako.

Ginawa ko talaga ang lahat para makabawi sa kanya kahit man lang ngayong araw. Pumunta kami sa mga park at overlooking dahil doon hindi masyadong matao. Saglit din kaming pumunta sa mga arcade at pinilit na ikuha sya ng teddy bear doon. Ibinigay ko sa kanya ang napanalunan ko at tuwang tuwa naman sya. Hindi na bakas yung iyak nya kanina pero kita ko pa din yung sa labi at pisngi nya sana lang ay mawala yun agad nakakahiya sa bago nya pag nakita yun siguradong mag aalala sa kanya. Kumain din kami ng street foods sa food court sa mga park at ang huli namin na pinuntahan ay ang simbahan.

"Bella, pwede favor?" tanong ko.

"Ano yun?"

"Pwede maglakad ka simula sa labas papunta dito?"

Gusto ko syang makitang naglalakad sa altar papunta sakin sa huling pagkakataon. Kahit dito man lang, okay na sakin. Kahit walang nanonood, walang pari, walang abay. Kami dalawa lang.

"Sure ka?" nag aalalang tanong nya.

"Oo naman. Dali na, last na to. Pagkatapos nito hahatid na kita." saad ko. pinilit na hindi mautal at tumulo ang luhang nagbabadya na namang tumulo.

Tumango lang sya bilang sagot sakin.

Naglakad na sya sa altar at naka-abang lang ako dito sa unahan.

Ang ganda nya.

Yan agad ang pumasok sa isip ko ng magsimula na nga syang maglakad at nakatitig lang sakin. Nakangiti sya habang hawak yung teddy bear na napanalunan ko kanina, nagsisilbing wedding flower nya.

"Hi, love..." usal ko.

Love ang endearment namin nung kami pa kaya nagulat sya dahil tinawag ko sya gamit yun.

"Hi...Love." ramdam ko yung hirap nya sa pagbigkas ng endearment namin kaya agad ko syang niyakap. Sinusulit ang araw na to.

"Mahal na mahal kita."

"Lucas..." naramdaman ko ang pag iyak nya sa dibdib ko.

"Hmmm?" nakangiting tanong ko. Ayokong umiyak kahit nasasaktan na ako.

"Mahal na mahal din kita."

I'M BACK BUT IT'S TOO LATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon