Epilogue

3.6K 105 38
                                    

*Pasensya na sa format at typos:)

Enjoy Reading

-----------

EPILOGUE

"Insan, di ka ba lalabas? Meryenda na daw tayo."

Napatingala ako kay Kuya Anton na tinapik ako sa balikat at nakatayo na pala sa tabi ko.

"Sige, susunod na lang ako Kuya."

Nauna nang lumabas si Kuya habang ako naman ay nakaupo pa rin sa couch sa sala. Ako na lang yata mag-isa ang naiwan dito sa loob ng bahay. Lahat ng kamag-anak namin ay nasa labas at ini-enjoy ang reunion.

Hindi naman sa KJ ako pero kanina pa kasi ako nakatunganga. Nakatunganga lang dahil halos hindi na ako mapansin ni Mika sa dami nilang nagkakagulo sa kanya. Mula nung dumating kami kaninang umaga hanggang ngayong hapon ay di ko pa siya nakakausap nang matino dahil sa tuwing lalapit ako sa kanya ay hihilahin naman siya palayo nina Mama at mga tiyahin ko para makipagkwentuhan, di pa kasama diyan ang mga pinsan kong panay ang papicture sa kanya.

Don't get me wrong, gustong gusto ko ang closeness nila ngayon ni Mama, pati ng iba naming kamag-anak, pero sana naman bigyan din nila kaming dalawa ng oras. Mula nang nagkabalikan kami ni Mika ay mas nagkamabutihan pa sila ni Mama. They would even go shopping together sa tuwing day off ni Ye habang ako naman yung driver nila. Whenever she's here in Pampanga, palagi rin siyang inaaya ni Mama mag-spa o di kaya ay nandito si Josh para makipagkulitan sa kanya o di kaya ay nagpapaturo siya kay Leslie ng flower arranging. Yes, they're good friends now, simula nung humingi ng pasensya si Leslie ay nagkasundo na sila at madalas na mag-usap about flowers. See? Inaagaw nila si Mika sakin!

"Babe?"

Nagpanting  ang tenga ko nang marinig ang boses niya kaya agad akong napalingon sa pintuan.

"Ba't di ka pa lumalabas?" tanong niya habang papalapit sakin at hawak si Josh sa isang kamay.

Tsk. Akala ko pa naman masosolo ko na siya.

"Eh masama pakiramdam ko, babe." palusot ko na medyo totoo naman.

Umupo siya sa tabi ko at kinandong si Josh saka sinalat ang noo ko.

"Wala ka namang lagnat. Siguro pagod yan." sabi niyang nakakunot ang noo habang si Josh naman ay nakayakap lang sa leeg niya at nakatingin rin sakin.

Tsk.

"Meron ka ba?" biglang tanong niya.

"Ha?"

"Ano pong meron kay Ate Vic?" takang tanong ni Josh.

"Ah wala lang yun, baby. Usapang pangmatanda lang yun.Haha." natatawang sabi ni Ye saka pinisil pisil ang pisngi ni Josh. "Nga pala babe, idadaan daw ni Shiela at Kief dito yung mga lansones bukas. Sabi ko kasi, namimiss na ni Mama kumain ng lansones."

"Aah sige, babe. Ba't kasama pa si Ravena?" kahit kailan talaga di ko makasundo yung ex na yun ni Mika, may saltik kasi yun eh.

"Malamang, siya magda-drive. Don't you know? Sila na kaya." sagot ni Ye.

"Talaga, babe? Kelan pa?"

Nasabi nga sakin ni Ye na lumalabas daw yung dalawa, di lang pumasok sa isip ko na magseseryoso sila.

"Di ako sure eh. Last week ko lang kasi nalaman eh lagi naman nilang sinasabi na exclusively dating lang sila. Bagay naman sila di ba, babe?" sabi niya.

Bagay na bagay.

Imbes na sumagot ay napatingin na lang ako sa kanya na nakikipag nose to nose kay Josh.

Di ba niya alam na kanina pa ko naiingit?

"Nandito lang pala kayo." ani Mama na kakapasok lang. "Victonara, kanina ka pa hinahanap sa labas. Ba't ba nandito ka sa loob?"

"Ma, masama daw ang pakiramdam niya." sagot ni Ye para sakin.

"Talaga lang ha?" tinaasan ako ni Mama ng kilay kaya umiwas na lang ako ng tingin.

"Opo."

Eh totoo naman. Kanina pa sumasama ang pakiramdam ko sa ginagawa nilang paglayo kay Mika sakin.

"Sige, magpahinga ka na lang sa taas." ani Mama.

"Samahan na kita, babe?" alok ni Mika na ikinangiti ko nang malapad.

"Sige, sige babe."

Yes! Finally, masosolo ko na siya!

Tinaasan lang ulet ako ng kilay ni Mama habang kinukuha si Josh mula kay Mika.

"Pagaling ka, Ate Vic." sabi pa ni Josh bago sila lumabas ni Mama.

Umakyat na rin kami ni Mika sa taas habang naka-side hug ako sa kanya kaya mabagal lang ang paglalakad namin.

"Hanap na pala tayo ng gift bukas para sa birthday ng kambal next week, babe." wika ni Mika nang makapasok kami sa kwarto ko.

"Sure, babe." sabi ko sabay baon ng mukha sa leeg niya nang makaupo na kami sa paanan ng kama ko.

"Hmm.. ano kaya magandang gift for them?"

Hmm.. I can stay like this forever. Sobrang namiss ko siya. Those three months na magkalayo kami was like hell. Ayoko na ulet maramdaman yun. Ayoko na ulet na mawala siya. Di ko na kakayanin.

"Vic, nakikinig ka ba?"

"Hmm.."

Niyakap ko siya ng mahigpit saka hinila pahiga.

"Tsk. Diskarte mo ha." seryosong sabi ni Mika kaya bahagya muna akong lumayo saka nginitian siya.

"Miss na kaya kita, babe. Halos di kita malapitan mula pa kanina eh." panlalambing ko sa kanya sabay kuha ng kamay niya saka hinalikan isa isa ang mga daliri niya.

Natigil ang tingin ko sa singsing na suot niya at napangiti.

"Ba't mo tinititigan?" untag niya sakin. "Balak mo isanla no? Haha."

"Oo sana eh." sinakyan ko ang biro niya. "Pambili ko sana ng wedding ring natin."

Tatawa pa sana ako nang biglang naging seryoso ang mukha ni Mika saka itinaas ang kamay niya't hinaplos ang pisngi ko.

"Vic.."

Nanlalambot ang puso ko sa pagkakatitig niya sakin ngayon. Para bang sinasabi ng mga mata niyang hindi na niya ako ulet iiwan. Na hindi niya pinagsisisihan ang pagtanggap sa alok kong kasal.

Nagulat na lang ako nang bigla niya kong hinila sa batok at hinalikan nang madiin.

Siyempre, niyakap ko siya at pinaglapit pa ang aming katawan habang tumutugon sa halik niya.

"I love you.." she whispered in between our kisses.

I can't help but smile in the middle of our kissing episode then responded..

"Mahal din kita, Ye.."

END

----------

MARAMING SALAMAT PO SA PAGBABASA AT PAGSUPORTA! ^_^

NOTE: I might post another short story soon:)

CROSSROADS (Mika Reyes and Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon