Short UD:) Salamat sa mga nagbabasa:)
--------
Enjoy Reading:)--------
"Bakit magkahiwalay tayo ng kwarto?" tanong ni Vic pagkatapos ko siyang ihatid sa isang guest room.
"Ah eeeh.. di tayo pwedeng magtabi." sagot ko nang di siya tinitignan habang binubuksan ang knapsack niya na pinatong ko muna sa kama.
"Pero babe, lage naman tayo magkatabi matulog tuwing nadadalaw ka sa condo ko." sabi niya sabay upo sa tabi ng knapsack niya at tinitigan ako. "Nung dumadalaw tayo sa inyo, tabi rin naman tayo sa kwarto mo ah."
"Ah basta, di pwede. Wag matigas ang ulo."
Napapalatak siya saka tinulungan na lang ako sa paglalabas ng mga gamit niya. "Tsk. Para naman akong may nakakahawang sakit niyan eh."
Di ko na siya sinagot at tinuloy ko na lang din ang paghalungkat sa bag niya.
"Hala, asan na yung gauze?" tinignan ko pa yung mga bulsa ng knapsack pero hindi ko nakita. "Naku, naiwan yata. Wait lang, kuha lang ako sa kabilang kwarto para mapalitan na natin yang benda mo."
Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko. Medyo natagalan pa ako sa paghahanap ng first aid kit na nasa pinakailalim lang pala ng aparador. Kinuha ko iyon saka binalikan si Vic sa kabilang kwarto.
Naabutan kong nakahilata na siya sa kama habang nakapikit ang mga mata.
"Hoy wag ka munang matulog. Palitan muna natin yang benda mo." yugyog ko sa binti niya. Nang di pa rin siya gumalaw ay dumukwang na ko saka mahinang tinapik ang pisngi niya. "Vic, gising--- Hey!"
Nagulat na lang ako nang pumulupot sa bewang ko ang mga bisig niya sabay hila sakin pahiga sa kanyang tabi. Hindi pa siya nakuntento at dinaganan pa ako ng isa niyang hita.
Tatawa-tawa pa siya habang magkaharap kami. "Haha. Nagulat ba kita, babe?"
Tinignan ko lang siya nang masama. Alam naman kasi niyang magugulatin ako pero palagi pa rin niya akong ginugulat. Mas lalo lang lumakas ang tawa niya saka niyakap ako. "Ang cute mo pa rin kahit matalim na ang tingin mo sakin, babe. Haha."
Hindi ko maiwasang maamoy siya. Ang bango talaga niya. Kahit yata di siya mag-perfume ay mabango pa rin siya. Mula noon hanggang ngayon ganito talaga ang amoy niya. Siguro kahit nakapikit ako makikilala ko pa rin siya.
Bago pa ko malunod sa amoy niya ay kumalas na ko sa kanyang yakap saka mahinang hinampas ang braso niya. "Ewan ko sayo. Palitan na kasi natin yang benda mo sa noo. Bangon na, dali."
Nauna na kong bumangon saka bumaba ng kama. Sumunod rin naman siya ay naupo sa paanan ng higaan.
Agad ko na ring sinimulan ang pagkuha ng benda niya. Medyo naiilang pa ko kasi nakahawak ang dalawa niyang kamay sa bewang ko habang nakatitig siya sakin. Kahit nanginginig ang mga kamay ay pinilit kong mag-focus sa ginagawa ko.
At pagkatapos ng napakahabang paghihirap ko ay natapos ko na rin ang paglinis ng sugat at pagpalit ng benda niya.
"Babe, nahirapan ka ba?" tanong niya sabay taas ng isa niyang kamay saka pinahid ang di ko namamalayang pawis ko sa noo. "Sa susunod ako na lang bahala dito sa sugat ko. Kaya ko naman 'to mag-isa eh."
"Ha? Hindi ako nahirapan. Mainit lang talaga dito sa loob, nakapatay kasi yung air-con." sabi ko. Totoo naman ah.
---------
"So hindi kayo magkatabing matutulog?"
"No. Of course not." sagot ko kay Jessey sa kabilang linya. "Di pwede yun kasi wala na kami. Ano ka ba."
"Miks, may tanong ako sayo." seryosong wika niya.
"Ano yun?"
"Mahal mo pa ba si Vic? Alam ko kapag nagsisinungaling ka kaya diretsahin mo ko."
Napabuntong-hininga ako bago nakasagot. "3 months, Jess. Hindi yun sapat para makalimutan ang higit isang taon naming relasyon. I'm still inlove with her, BF."
Tuluyan nang tumulo ang luha ko. That was exactly the same thing I've been trying to ignore since the day we broke up.
"See? Then why are you making it hard for yourself? Boto talaga ako sa inyo ni Vic eh. Bagay kayong dalawa. Ewan ko ba sayo kung bakit nagpapaapekto ka sa iba."
"N-No.." pinahid ko ang mga luha ko. "Y-You don't understand kasi BF eh.."
"Are you crying?" nag-aalalang tanong ni Jessey.
"No. Naluluha lang ako."
"Okay. Okay. So maybe I don't understand nga. I know you have your reasons kaya nirerespeto ko yun. But you can't escape from your situation right now, so you might as well want to enjoy it na lang." she said with a hint of teasing.
"Baliw. Wala talaga akong makukuhang matinong advise mula sa'yo no?" natawa na lang din ako lalo na nung maalala ko ang mga kapalpakan niya dati sa love life.
Ilang sandali pa kaming nag-usap at kalaunan ay nagpaalam na rin siya sakin dahil pinapatulog na daw siya ni Riri.
It's ten past eleven in the evening na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Napansin ko na lang na umuulan na pala sa labas hanggang nagsimula na ring kumidlat at alam ko na kung ano'ng kasunod nun kaya nagtalukbong na ko ng kumot at nagtakip ng tenga.
"Shoot.." I whispered while trying to block out the noise coming from outside. I really hate thunders since I was a kid.
"Babe?"
Kasabay nang boses na iyon ay ang pagyakap sakin ng pamilyar na mga bisig.
"V-Vic.." binaba ko ang kumot at bumungad sakin ang mukha niya. Hindi ko namalayan na pumasok pala siya ng kwarto ko.
"Sshh.. Naalala kong di ka nakakatulog nang walang katabi tuwing may kulog kaya dito muna ako babe ha?" she tried to smile to comfort me.
Tumango naman ako. Wala na kong lakas para tumanggi pa. "Thank you.."
"Sige na, sleep ka na." she kissed me on my forehead saka hinigpitan ang yakap sakin. "Good night, baby.."
Vic. She's always there when I needed her. Lagi lang siyang nandiyan sa tabi ko. I honestly didn't know how I survived the last three months without her. Hindi ko rin alam kung saan ako humugot ng lakas para matiis ko siya ng ganito katagal.
Miss na miss ko na ang ganitong yakap niya sakin. Pati na rin ang mga paglalambing niya at pangungulit sakin.
Maybe Jessy's right. Just this
time, kakalimutan ko ang naging desisyon ko. I'll make the most out of this opportunity na makasama siya. For once, iisipin ko muna ang sarili kong kaligayahan. Kahit sa maikling panahon na makakasama ko siya.
-------
Hopefully, matatapos na 'to by next week kasi naka-draft na yung ilang chapters:) Salamat sa pagbabasa:)-------
BINABASA MO ANG
CROSSROADS (Mika Reyes and Ara Galang)
FanficThis is a KaRa Fanfiction na short story lang. Medyo light lang ang tema nito. No heavy drama. Masyado na ngang madrama ang realidad, pati ba naman sa fanfic? Hindi na! #KaRa