Chapter Three

2.9K 84 13
                                    

Pasensya na sa format ha.

--------
Enjoy Reading:)
--------

Ano ginagawa mo diyan sa hospital?

Ang bilis namang mag-reply ng babaeng 'to. I texted Jessey earlier kasi na nandito ako sa hospital. Maaga talaga akong bumalik dahil nangako ako kay Vic. Tatawagan ko sana siya kagabi kaso deadbatt na ko at agad ring nakatulog pagdating ng condo.

Si Vic naaksidente. Sinundo ako ni Ate Kim sa Tagaytay kahapon.

OMG. Totoo?! Kumusta daw siya?!

Ayos lang. May konting problema nga lang.

Ano yun?!

"Babe, tikman mo 'to." sabi ni Vic na katabi ko ngayong nakaupo dito sa kama niya.

"Mamaya na. Ikaw na lang muna kumain diyan." sagot ko nang di siya tinitignan at patuloy lang sa pag-type ng reply ko kay Jessey.

"Babe, sino ka-text mo?" malambing niyang tanong.

Niyakap niya ko sa bewang saka pinatong ang chin niya sa balikat ko. I know this gesture kaya agad kong binaba ang phone ko at sinagot siya.

"Si Jessey lang."

"Sino si Jessey?" tanong niya sabay subsob ng mukha sa leeg ko.

Oo nga pala, hindi niya ito naaalala.

"Si Jessey yung bestfriend ko. Yung stick na architect. Di mo ba naaalala?" paliwanag ko sa kanya.

"Hmm.. hindi ko maalala, babe."

Magsasalita pa sana ako nang may biglang pumasok.

"Bakit hindi niyo sinabi sakin guys? one week na pala siyang nandito. Kay Mands ko pa nalaman."

I know her. Nakita kong napasapo si Ate Kim ng noo habang napapailing naman ang kambal na nakasunod sa kanya.

"Argh.. Isa na namang hindi ko kilala.." Vic groaned habang nakasubsob pa rin sa leeg ko.

"Mika?" gulat na sambit ni Shiela nang mapansin ako. Maliban sakin, sa tingin ko ay mas nagulat siya nang makita ang posisyon namin ni Vic.

"Hi.." I waved at her para naman hindi nakakailang. Then I tapped Vic's back and whispered. "Oy may bisita ka."

"Hindi ko siya kilala, babe.." di pa rin siya gumagalaw kaya ako na mismo ang kumalas ng pagkakayakap niya sakin.

"Umayos ka nga. Si Sheila yan." bulong ko sa kanya at pinaharap siya kay Sheila pero nanatili paring nakahapit sa bewang ko ang isang kamay niya.

"Vic, are you okay?" nag-aalalang lumapit si Shiela sa kanya at hinawakan ang isa niyang kamay. "Ano'ng pakiramdam mo? Kumusta ka?"

Iniwas ko na lang ang tingin nang makaramdam ng kung anong kirot sa dibdib ko.

"Ahmm.. May dala akong mga prutas dito. Kumain ka na ba?" patuloy ni Shiela.

"I'm fine. Magaling na ko." dinig kong sagot ni Vic. Naramdaman ko ring binalik niya sa pagkakayakap sakin ang isa niyang kamay na hinawakan ni Shiela. "Kumain na rin kami ni Ye."

------------


CROSSROADS (Mika Reyes and Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon