CHAPTER 3

3 1 0
                                    


KUWARTO(Linggo)*

(Ilang marahang katok ang maririning ni Ylumina) 

YLUMINA: it‟s not my yaya, papasok agad yun, at hindi na kakatok. *(habang nagtatakakung sino ang kumakatok) 

YLUMINA: ang aga aga naman... *(magtatakip ng mukha gamit ang kumot) 

YLUMINA: Pasok...*(kahit inaantok pa)*(Maririnig ni Ylumina ang marahang pagbukas ng pinto at magaang paglalakad) 

YLUMINA: I don‟t want to open my eyes, just 5 more minutes!!

 ILLEA: A-ate, pinapababa ka na ni Mama, 8 am na...k-kakain na daw... 

YLUMINA: *(aalisin ang talakbong ng padabog) "Sabihin mo hindi ako sasabay, labas na."hindi maitago ang iritasyon sa boses ko pero pinipilit kong pagaangin pa ito.

 ILLEA: Eh si Mama daw aakyat pag hindi ka pa bumaba... *(kahit natatakot at naiilangkay Ylumina, kinukumbinsi niya pa rin itong bumangon na) 

YLUMINA: *(tatayo sa kinahihigaan) Baba na, jusko tulog lang ang gusto ko! Labas na!*(mababakas sa mukha ni Illea ang takot)

 YLUMINA: *(lilingon kay Illea) Ano?! Di pa kikilos? Gusto mo ako maglabas sayo?nakakabwiset, ang aga aga *(magdadabog) 

*(hindi na ito nag salita at lumabas na lamang sa kuwarto si Illea, puno nang takot sa nangyari)*

(nagmadaling kumilos si Ylumina para pumunta sa dining area) 

DINING AREA 

*Biglang natahimik ang masayang kwentuhan ng Yaya at Alicia ng makapasok sa hapag siYlumina. Pipiliin ni Ylumina ang malayong upuan para mapalayo ito sa kaniyang Mom, Dad atkapatid nito. 

YAYA: (ituturo ang upuan kay Ylumina) Anak, dito ka sa tabi ng kapatid mo, sobranglayo mo naman! *(matatawa ng pabiro ngunit di na lang papansin ni Ylumina) 

YLUMINA: Ok na ko dito Manang, maaga din naman akong aalis. *(kukuha na ng pagkain)*Habang kumakain si Ylumina,hindi niya maiwasang makikinig sa usapan ng Mom at Yaya niya. 

*Mapapansin naman ni Ylumina na nakayuko at tahimik na kumakain si Illea 

YAYA: Kumusta naman ang bunso ng tahanan na ito? Hindi na tayo nakapagusap nungnakaraan, ano Illea?*Mapapansin ni Ylumina ang saya at aliw na aliw ng kaniya Yaya sa pagdating ng kaniyangkapatid at magulang dahil magkakasama na ulit sila.

 ILLEA: *(ngingitian ang Yaya) Okay lang po Manang, medyo nabusy sa school recentlyhehe *(tuloy sa pagkain)*(Iirap si Ylumina ng marinig niya ang boses ng kaniyang kapatid) 

YAYA: Mabuti iyan, nakapokus ka sa pag-aaral, Hija. Maganda na matalino pa! *(kitangkita sa pananalita ang paghanga kay Illea)

 YLUMINA: Edi siya na! sabagay hindi ko naman masisisi ang lahat kung ang gusto nila ay siIllea, sobrang bait nito, matalino at maganda. Matalino at maganda din naman akopero wala sa bokabularyo ko ang salitang bait. *(bulong nito sa kaniyang isipan) 

ALICIA (MAMA): Alam mo ba, Myrna, Valedictorian ang bunso ko nung grumaduate ng Highschool, pinag-aagawan ng mga school sa college! 

YLUMINA: sana noong ako din ganyan ka kasaya.*(bulong sa kaniyang isipan)

 MYRNA (YAYA): *(masaya at sabik) Aba‟y manang mana sa ate ahh... Alam mo bangconsistent honor din ang ate mo noon? Valedictorian din siya noong High Schoolat Elementary! Kaya pinag-agawan din ng mga university nung nagcollege."

 ILLEA: *(mabibigla) T-talaga po? Hindi po nabanggit nila Mama sak— *(titingin saMom niya) 

YLUMINA: *(padabog na ititigil ang pagkain) Kasi sayo lang naman sila nagpakamagulang.*(Maraming gustong sabihin si Ylumina ngunit mas pinili niyang manahimik na lamang) 

YAYA: Yna! Ano ba naman yang sinasabi mo anak.*(Magugulat si Ylumina sa pagkasigaw ng kaniyang yaya) 

YLUMINA: Bakit Manang? We cannot deny that fact. *(she shrugged her shoulder aftersaying that)YLUMINA: *(tatayo at ituturo si Illea) Let me tell you this Illea, that parent of yours, sayo na,buong buo, tutal hindi naman nila nagampanan yung tungkulin nila sakin eh.

 YLUMINA: Masakit man ang katotohanan na iyon, wala na kong pake, sobrang tagal konginipon at kinimkim yung sama ng loob at galit ko. *(bulong niya sa sarilipagkatapos niyang sambitin ang mga masasakit na salita) 

YAYA: *(lalapitan si Ylumina) Yna, tama na, aalis ka hindi ba? Baka mahuli ka na salakad mo. *(pilit niyang iibahin ang topic)*(Aalis si Ylumina ngunit magsasalita ang Mom niya)MAMA: *(tatayo sa kinauupuan) Lumaki kang walang modo at galang! Ibang iba angkapatid mo sayo, kung anong kinabait ng kapatid mo ay siya namang kinasama ngugali mo—.

 YLUMINA: Alam niyo kung bakit? Kasi magkaiba ang nagpalaki samin. Lumaki siya nakumpleto ang pamilya, may suporta galing sa magulang. Oo masama ang ugaliko, tatanggapin ko, kahit sobrang sakit.

 YLUMINA: Ako Ma? Kanino? Sa katulong?! Mas naging magulang ko pa yung mga kasama kosa bahay kaysa sa inyo na sarili kong magulang! Bakit ganon? Sobrang unfairnaman ata? Tapos sasabihin nyo na masama yung ugali ko, eh halos ito na ngayung pinakamatagal na usap natin! 

YLUMINA: *(pilit niyang pinapakalma ang sarili) Huwag kang iiyak Yna, you need to bestrong for yourself. *(bulong nito sa sarili niya)

 YLUMINA: You kept pampering me with luxury items but is that what I need?! You keptsending me luxury things, pero nagtanong ba kayo kung anong gusto ko? Kungyun ba yung gusto ko?!---

*(Hindi na matatapos ni Ylumina ang sasabihin niya dahil sasampalin siya ng kaniyang Mom)*

(Hindi na lang papansin ni Ylumina ang sampal sa kaniya at mananatili itong tahimik)

 PAPA: *(magagalit) that doesn‟t give you the right to disrespect us! Nakatira ka sa bahay  ko, Ylumina! 

YLUMINA: But Pa, you kept disrespecting me.... *(iiyak)

 YLUMINA: Alam ko wala akong karapatan, kasi sino ba naman ako? ANAK niyo LANGnaman ako *(aalis sa kinatatayuan at mabilis na lalabas sa bahay) 

DAAN*

(Habang tumatakbo palayo sa bahay nila marami thoughts ang pumapasok sa isip niya atpatuloy lang sa pag-iyak)

 YLUMINA'S POV 

"Nakakatawa lang na, ang pamilya mo talaga yung maninira sapagkatao mo hindi ka pwedeng magreklamo kasi pamilya mo sila, kahit ano pangsabihin nila, palagpasin na lang since pamilya naman. Family should be thesource of strength not the other way around." *(patuloy pa rin sa pagtakbo)*(May dadaang taxi at sasakay si Ylumina) 

YLUMINA: I need to breathe, at isang lugar lang ang nasa isip ko...*(bulong nito sa isip niya

 BAHAY NA MALIIT AT LUMA*

(Pagkababa ni Ylumina sa taxi ay susuot sa mga halaman papunta sa isang maliit na bahay) 

*(Pagpasok niya ay may mapapansin siya)

 MATANDANG BABAE: *(lalapit kay Ylumina) Ineng, ano ang iyong pakay dyan sa bahay nayan? Wala ang may ari.*(Magtataka ito dahil ngayon niya lamang ito nakita)

 YLUMINA: A-ahmm ako po yung laging pumupunta dito, may may ari po pala, kala ko pokasi ay abandonado, kaya pinalinis ko at inayos ang ilang sira.

 MATANDANG BABAE: Ayy kung ganoon ikaw ang may ari ng lugar na ito? Sayo ba angkwintas na ito? *(ipapakita ang kwintas)*(Bigla iilabas ang isang kulay lila na kwintas.) 

YLUMINA: Ang lace ay gawa sa ginto at mayroong pendant na hugis bulaklak na kulay lila.Hindi ko alam kung bakit kilala ko ang kwintas, gayong ngayon ko lang iyonnakita. *(bulong sa kaniyang isipan at nagtataka) 

YLUMINA: *(iiling) Hindi po, wala po akong ganyang alahas, Lola.*(Titignan naman ito ng matandang babae at maghihinalang nagsisinungaling ito)

 MATANDANG BABAE: Nakita ko ang pagsulyap mo sa kwintas at masasabi kong kilala moito. *(ilalagay ang kwintas sa kamay ni Ylumina). Ito at kuhanin mo.* (Naguguluhang tumingin si Ylumina sa matanda, ngunit kalaunan ay tinanggap din anginaabot nito) 

YLUMINA: *(tatanggapin ang kwintas) Hindi po akin ito, pero sige na nga po, ako na munaang hahawak dito. *(ngumiti at tuluyang pumasok sa loob ng bahay)

BUCKET OF ASHES (COMPLETED)Where stories live. Discover now