~ . ~
"Internet Friend."
Sa internet ko siya nakilala,
Marami kaming pagkakaiba,
Pero ang mga kalukohan
namin ang siyang nangunguna.Naging malapit kami sa
isa't isa,
Hindi hadlang ang layo
naming dalawa,
Sa aming kumunikasyon at
pagkilala.Hindi rin nagtagal, naging
matalik ko siyang kaibigan,
Naging karamay ko't sandalan,
Nandiyan para sakin, handa
akong alalayan at suportahan.Saksi siya saaking mga
paghihirap,
Nilalabanan ang depression
at kalungkutan,
Ngunit hindi niya ko iniwan,
Sinamahan niya't sabay
kaming lumaban,
Sa mga pagsubok na
matapang naming hinarap,
Habang magkasabay kinakamit
ang aming mga pangarap,Sa kabila ng mga pagsubok na aming dinanas,
Pagkakaibigan namin ay hindi
magwawakas.Walang humihila pababa,
At parating nakasuporta
sa isa't isa.Ang isa't isa'y tangi naming takbuhan,
Sa hirap, saya't kalungkutan.Pinagsasalamat kong naging kaibigan ko siya,
Kahit sa internet ko siya
nakilala.Hindi man parati ang
aming kumunikasyon ngayon,
Ngunit nanatiling matibay
naman ang aming pagkakaibigan
sa loob ng maraming taon.Siya ang aking matalik na kaibigan,
Na sa internet namin sinimulan.Ms_K🦋
@IneffableMelodia
YOU ARE READING
Tula't Talata
PoetryTulang naglalaman ng mga pag-ibig, hinanakit, saya't kalungkutan..