"Talim ng kutselyo."

17 0 0
                                    

~ . ~

"TALIM NG KUTSELYO."

Sa talim ng kutselyo,
May pagnanais na nabuo,
At yun ay mabalot ang sarili ng dugo,
Dulot lang ng talim nito.

Nagnanais na sarili ay saktan,
Pulso ay sugatan.
Gamit ang taglay nitong talim,
Sarili ay gustong saksakin,
Dahil ang buhay ko ay sobrang
makulimlim,
Katulad ng mabigat at malungkot
kong damdamin,
At laman nito ang kagustuhan na ang
sarili ay papatayin.

Pagod? Baka nga ako'y pagod na,
Gusto ng mamahinga,
At gusto ng maging masaya at makalaya,
Ngunit patuloy paring inaatake ng mga
nakakatakot na nakaraan at ala-ala,
Katulad ng hindi naghilom kong sugat
at pasa,
Na parang piklat, dulot lang din ng
talim ng kutselyo,
Ganon din katindi kumakapit ang
aking trauma sa buhay ko.

Kailan ba kasi ito matatapos?
Kasi ako na ay nauupos.

Kailan ba ako maging malaya?
Dahil ninanais na ng sariling makatakas
at makawala.
Kasi ako'y unti unti ng natatakot,
Dahil baka ang matalim na kutselyo
ay muli ko na namang mapulot.

Natatakot na baka yun nalang ang
tanging paraan,
Upang makalaya sa madilim na
nakaraan.

Na ang pagpigil ng aking hininga..
makakamit lang ang salitang "Malaya".
Na baka yun nalang ang tanging pag-asa,
Makatakas lang sakanila,
Sa mga taong saakin ay may sala,
Sa mga taong nagdulot sakin ng ganito at siyang ma'y gawa.

Sa talim ng kutselyo,
Lumalatay ang aking dugo.
Mga sugat ko na ngayon na ay may talim,
Kagaya ng mga sugat kong palalim na ng palalim,
Dahilan upang sariling hininga ay gustong kitilin,
Ang sariling buhay ay gustong patayin.

Kaya't minsan,
Ang talim ng kutselyo ay aking kinakatakutan,
Dahil alam kong hindi ito ang tanging paraan,
Alam kong gusto ko pang mabuhay at maging masaya,
At ipanalo ang nakakapagod kong labanan na minsan ay walang pahinga.

Ngunit sa ngayon ay pipiliting umiwas at makalayo,
Sa matalim na kutselyo.



Ms_K🦋
@IneffableMelodia

Tula't TalataWhere stories live. Discover now