~ • ~
"TULAY."
Tulay kung saan ang ating unang pagtatagpo sa hindi inaasahang panahon,
Ika'y aking biglang nakabanggaan sa hindi din inaasahang pagkakataon.Buhay natin nag iba at ang ating landas,
Hindi ko ding inaakalang parihas tayo ng rason ng ating pagtakas.Tayo'y naging magkaibigan at napalapit sa isa't isa,
At gumawa tayo ng masasayang memorya,
Hanggang sa araw araw na tayong nagkikita't nagsaya.Ang mapalapit sayo pala'y mapapahulog ako't mapamahal sayo ng tuluyan,
Pagkahulog ng aking loob sayo'y hindi na napigilan.Mismong yung tulay na yun ang atin ng tagpuan at tambayan,
Tagpuan at tulay nating dalawa kapag tayo'y tumatakas at lugar ng ating pag aasaran.Hanggang sa isang araw akin ng napagtanto na ako'y umiibig na sayo,
Kaya naman akin ng napagdisisyunan na ako'y aamin saking pagsinta ko sayo.Kaya ng dumating ang araw ng ating tagpuan ako ay maagang dumating,
Ngunit ilang oras ng nakalipas at papalubog na ang araw ay ika'y wala parin,
Kaya't napagpasyahan ko paring ika'y hintayin,
Umaasang ako'y iyong sipotin.Ngunit ilang araw ng nakalipas ng paghihintay sayo,
Ikaw ay hindi na kailanman sumipot kaya yung puso ko ngayo'y nagdurugo.Tila nga'y ako'y iyong iniwanan na ng tuluyan,
Kaya naman ako'y mamaalam na't lilisan.Ang dating tulay na ating tagpuan,
Ngayon ay atin nalang alala't nakaraan.Ms_K🦋
@IneffableMelodia
A/N: Holaaa! I think, I will make a story version dito because I find it interesting WHAHAHAHA. Have a great day ahead! Enjoy reading loviess! <333
YOU ARE READING
Tula't Talata
PuisiTulang naglalaman ng mga pag-ibig, hinanakit, saya't kalungkutan..