CHAPTER 23

2.9K 84 8
                                    


Tinanghali na kami ng gising ni Simon dahil napuyat kami sa ginawa namin kagabi. Last day na kasi daw namin dito so sinulit niya, ayon naparaming rounds.

"Gising na, love. May flight pa tayo oh.." saka tinapik-tapik si Simon na tulog na tulog pa.

"Hmm... one minute lang..." he uttered and hug me. Hubo't hubad pa to kaya ramdam kung may tumutusok sa puson ko.

"Simon yung ano mo! Tsk!" he just chuckle and binuka ang kanyang mata.

"Wala eh ikaw ang kaharap." saka pinitik yung noo ko.

"Bumangon kana jan!" ani ko saka inabot yung robe sa gilid para ibalot sa aking katawan. Magluluto nalang ako ng breakfast. Buti may itlog pa at longganisa, inubos na namin ang supply kasi aalis naman din kami.

Nakita kung dumeritso agad si Simon sa CR para maligo ata then ayon nag patuloy ako sa pagluto. Hinanda ko narin ang hapag kainan after maluto nung rice. Pinagsabihan ko pa si Simon na mag heavy meal nalang para di siya gutomin sa byahi.

"Alright mag he-heavy meal ako HAHAHAHA" halatang napipilitan si Simon na kumain ng rice, ewan di talaga yan mahilig mag rice.

"Damihan mo yang kakainin mo para dika magutom sa byahi." nilagyan ko na ng maraming rice yung plato niya para marami talaga makain niya. "That necklace really suits on you, love." he said and pointed the necklace he gave me last night.

"Thank you dito, love." at hinawakan ko ang kamay niya. I really appreciate yung bigay niya kasi naman yung pendant is butterfly and binigyan niya yung ng meaning which is 'even if you can't see your own wings, you are beautiful inside and out."

Pagkatapos namin kumain e hinugasan ko muna yung pinagkainan namin at nag linis ng konti para di ma badtrip yung may-ari ng pad samin kung magulo tung pad pag alis namin. Naligo narin ako after para di kami ma late sa byahi. Sumobra pa yung iba kung damit dahil nga sa mga pinagbibili ni Simon last time.

Nag shorts lang ako tas long sleeve shirt kasi di naman masyadong mainit ang weather ngayon. Pinuntahan ko muna ang aming lumang bahay at pormal na nag paalam kasi di ko na makikita to kung makakabalik man ako dito. Gigibain na kasi to next month kaya wala na talagang chance na makikita ko pa to ulit. Nag paalam na rin ako sa mga dati naming kapit-bahay  dahil ma-mimiss daw nila ako at yung palaging pag papakain namin tuwing birthday ko. Iba talaga!

"Are you ready to go, love?" sabi ni Simon habang nakatingin parin ako sa aming lumang bahay. Pinundar ng mga magulang ko na mawawala lang kaagad. Kailangan eh or else hindi na ako makakapag move-on at tuluyan na akong kakainin ng konsensya.

"Tara na..." agad na kaming sumakay ni Simon sa van para di kami mahuli sa flight kasi andon na daw yung private jet nila. Tumawag pa si Momay sakin para kamustahin kung okay na ba ang lahat. Dumaan pa kami sa isang store para bumili ng mga pasalubong.

"Ano to love?" tanong niya habang tinuturo yung pagkain na nakabalot ng dahon ng saging.

"Muron yan. Masarap yan. Dalhan mo sila Tito at Tita para matikman nila." tumango lang naman siya. Marami kaming nabiling pasalubong kasi favor din ni Momay na dalhan siya. Nakabili kami ng pastel, muron, toasted peanuts, chicharon at iba pa. Bumili din si Simon ng mga t-shirts, mugs, magnets and hand craft bag for Tita Liza.

After namin mabayaran ang lahat ng pinamili namin bumalik na rin kami sa van kasi dadaan muna kami sa puntod ni Lolo before makaalis. Mamaya pa naman yung byahi namin kaya daanan na muna namin kasi baka matagalan pa bago ako makadalaw ulit sa puntod niya.

"Lo, sana mapatawad mo na ako sa nangyari. Sana kasama mo na sila Mama at Papa. Mahal na mahal kita, lo." sabi ko sa harap ng puntod ni Lolo.

"Ako na po ang bahala sa apo niyo, lo. Aalagaan ko siya the way you take care of her." singit pa ni Simon at inakbayan ako. "Promise yan." dagdag pa niya. Nginitian ko lang siya dahil sino bang di kikiligin sa sinabi niya. Umalis na din kami after kung mag sindi ng kandila at mag alay ng bulaklak at dasal kai Lolo.

"Kaya tayo pinag titinginan eh kasi ang gwapo mo!" puna ko sa kanya. Kahit simple t-shirt lang saka pants ang sout niya e lakas makahatak ng mata kasi ang gwapo niya parn tingnan sabay mo pang naka shades sino bang di mapapatingin.

"What can I say? I'm the best looking son ni Paps." ang hangin talaga!

"Nilunok mo yata aircon sa pad. Ang hangin mo." saka kami nag tawanan sa sinabi ko. Back to normal na kami pag makarating kami ng Ilocos kasi naman bukod sa amin at sa mga body guards ni Simon eh wala ng ibang nakakaalam na kami na talaga officially. Antayin ko nalang na si Simon mismo ang magsabi kasi baka sabihin ng iba ginagamit ko lang si Simon.

Dumeritso na kami ng airport at pagkarating namin dun sumakay na kami agad sa private jet after mag paalam sa driver ng van at saka mag bayad sa lahat ng nagastos namin. Naka discount pa nga kami eh HAHAHAHA...

Mag gagabi na nung makarating kami ng Ilocos Airport at konting byahi pauwi ng bahay. Kapagod buong byahi talaga pero worth it kasi si Simon ang kasama. Hinatid niya muna ako sa bahay namin saka siya umuwi sa kanila nung nakapagpaalam na siya kai Momay at pormal na sinabing kami na talaga. Ayon ang saya-saya ni Momay kasi may love life na daw ako at sa disenting tao pa.






Since I found you // Simon Marcos (1)Where stories live. Discover now