Chapter 13

1.1K 40 1
                                    

Aze POV

Maaga akong pumasok ng umaga na yon..Madami kasi kaming pasyente ngayon kaya kailangan naming asikasuhin ng mabuti..

Pagdating ko sa locker ko ay agad ko yon binuksan para sana ilagay ang bag ko ng may makita akong kung ano don...

Rose?? Chocolate??

Napailing na lang ako at tipid na ngiti ang kumawala sa aking mga labi.."ang lalaking yon talaga."mahinang saad ko ay nilagay ko na ang gamit ko..

Halos isang linggo na din ang nakalipas ng mangyari ang pag-uusap namin sa park..Mula din non ay nagsimula na siyang magbigay sakin ng pagkain,minsan naman ay rose o mga drinks..

Sa isang linggong nagdaan na yon ay masasabi kong masaya ko..Ito kasi ang unang pag kakataon na may nagbibigay sakin ng ganito..Nung kami pa kasi ni mark non ay ako lagi ang nagbibigay sa kanya ng mga kailangan niya..

Hindi ko din alam kung bakit ko yon ginawa..Siguro dahil na din sa siya ang unang tao naramdaman kong mahal ako,pero ang nakakatawa niloko lang din niya ko..

Napailing na lang ako sa naiisip ko at lumabas na sa locker room dahil siguradong hinahanap na din nila ko..

Nagpunta ko sa nurse station at nakitang nandun ang mga kasama ko ay nagkumpol kumpol na kinakunot ng noo ko..

Ang aga aga anong ginagawa ng mga to?

Lumapit ako ng konti sa kanila kaya naman nadidinig ko ang mga pinag-uusapan nila..

"Grabe ang ganda niya pala talaga sa personal noh?"narinig kong saad ni nurse lex isa sa mga katrabaho ko..

"Yeah,sang-ayon ako,mukhang ang bait-bait din niya."natutuwang saad namn ni nurse Rea..

Hindi ko maiwasang magtaka,anong pinag-uusapan nila ng ganito kaaga??

"Ang ganda niya sayang at makaalis na agad siya.."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsalita na.."Sinong umalis?"takang tanong ko..

Napatingin naman sila sakin"ikAw pala nurse Aze."saad ni nurse Lea..

"Ano yung pinag-uusapan niyo?"takang tanong ko,mas lalong napakunot ang noo ko ng mag ningning ang kanilang mga mata..

"Yung model na si Sasha,yung sikat at laging cover ng magazine nurse Aze..Ani ni nurse Lea

Pero nanatili lang akong tahimik,so nandito na siya huh?

"Grabe ang ganda ganda niya nurse Aze para siyang angel na bumaba sa lupa.."nakangiting saad ni nurse lex...

Lahat sila ay kita ko ang saya sa mukha pero hindi ko man lang makuhang ngumiti kahit konti..

Why would I??Hindi namn siya importante..

Nagpaalam na lang ako sa kanila na mag ro-round ng mga pasyente para makaalis na don..

Hawak-hawak ko ang folder kung saan nakasulat ang details ng pasyente titingnan ko at ganun di ang pangBP..

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng maramdaman kong may tumabi sakin.."Good morning baby."napairap ako ng wala sa oras ng madinig ko ang boses niya..

"Pwede ba wag mo kong tawaging baby,hindi na ko sanggol."masungit na saad ko sa kanya,pero syempre isa siyang dakilang manyak at makulit hindi siya tumigil kakasalita...

"Ang sungit naman ng baby ko,Meron ka no."napahinto ako sa paglalakad at matalim siyang tiningnan..

"Gusto mong manghiram ng mata sa aso doc Nattos?"taas kilay kong saad,Kita ko naman ang panlalaki ng mata niya at tumikhim ..

The Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon