Chapter 36

803 32 0
                                    

Aze POV

Malamig ang simoy ng hangin ang tumama sa aking katawan.Nandito ako ngayon sa Bulacan,kung saan nakatira si Yaya minda..

Mula dito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko siyang masayang nakikipag kwentuhan sa asawa niya at sa anak niyang lalaki.

Tumanda ng konti si Yaya pero ganun pa din ang itsura nito.Masaya ako dahil nakikita ko siyang masaya ngayon.

Nang sinabi sakin ni Zach kung saan ang address ni Yaya ay agad ko siyang pinuntahan dito.Gusto ko kasing makasama si Yaya..At isa pa tanging si Yaya lang ang makakaunawa sakin at makakaintindi.Siya lang ang tanging taong alam kong hindi ako huhusgahan,ano man ang mangyari.

Bumaba ako ng kotse at kinuha ko ang bag na dala ko,bago ko naglakad papalapit sa gate nilang gawa sa kawayan.

"Tao po!"tawag pansin ko sa kanila.Napangiti ako ng humarap sila sakin.

Tumayo si Yaya at mabilis lumapit sakin.Binuksan muna nito ang gate bago magsalita.

"Anong kailangan nila iha?"ngiting saad nito.

Nang marinig ko ang kanyang boses ay parang gusto kong umiiyak.Parang gusto ko ulit bumalik sa pag kabata na kapag nasasaktan ako sa kanya lang ako tatakbo.Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawang igalaw ang mga braso ko.

"Iha?ayos ka lang ba?"tanong nito ulit,kita na sa mata ang matinding pag-aalala sakin..

Marahil ay hindi na talaga niya ko kilala.Ilang taon na rin mula ng lumalis siya.Kaya hindi na ko nagtataka kung hindi na niya ko makilala.

"N-nagugutom po ako,?M-may pagkain po ba kayo d-dyan?Wala po kasi akong d-dalang pera.."aniko..

Kita ko ang pagkunot ng noo niya dahil don.Ako naman ay nangingilid ang luha habang nakatingin sa kanya.

I miss you Yaya...

Nang hindi siya magsalita at nanatili lang na nakatitig sakin ay nagsalita ulit ako.

"G-gusto ko po sanang kumain ng bibingka yung madaming itlog po.Pero ayaw ko po ng puti gusto ko lang po yung pula nung itlog.."aniko.

Ang nakakunot na noo niya kanina ay unti-unting nawala at napalitan ng panlalaki ng mata..

"Y-yumi Aze?ikAw ba yan iha?"naluluhang saad niya..

Napakagat labi ako ng magsimula g mag bagsakan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.."Yaya!"

Mabilis ko siyang sinugod ng yakap at umiyak sa balikat niya na lagi kong ginagawa noon..

"Anak..Aze... Salamat sa Diyos at nakita ulit kita.."anito habang mahigpit akong yakap..

"Yaya..."aniko ko at parang batang umatungal sa balikat niya.

Habang yakap ko siya ay ramdam ko ang pagmamahal ng isang Ina,na lagi kong pinapangarap na matanggap Kay mom.

Tanging si Yaya minda lang ang naging sandigan ko non.Nung mga panahong pagod na ko.Siya lang ang naging lakas ko.Siya lang ang karamay ko.

Kaya sobrang saya sa pakiramdam na mayakap ulit siya paglipas ng mahabang panahon.

"Ang laki laki mo na iha..Kamusta kana huh?Ayos kana ba?Kayo ng mommy mo ayos na ba kayo?"masayang tanong sakin ni Yaya habang hawak-hawak ang pisngi ko.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya.."S-she died Yaya... S-she died..."mahinang sabi ko at naluluhang tumingin sa mata niya."S-she suicide Yaya..She killed her s-self, because of m-me.."

"Iha.."mahinang sabi nito..

Umiiyak akong tumingin sa kanya.."Help Yaya..h-help me..Please help me..H-help Yaya...

The Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon