Chapter 14

1K 40 2
                                    

A/N:Hi mga babiesss sorry kung late update hah?naging busy kasi si author.. Nag-aaral pa po kasi ako kaya medyo busy po..But anyway gusto ko pong mag thank you sa inyo sa pagbabasa ng story ko...thank you so much mga babies ko...

Mga babies if you want to know me more I have a fb acc..just chat me guyss!!Gusto ko din po kayong makilala lahat at makipagchikahan sa inyo haha..

Fb acc:Zyrah Cruz

Enjoy reading!!Mahal ko kayo💖😊




Aze POV

Maaga akong nagising ng umagang yon,suot ang pang jogging kong damit ay mabilis akong umalis sa bahay at nagjogging paikot sa subdivision namin..

Ilang minuto din akong mag-isang nagjogging ng maramdaman kong may tumabi sakin..Hindi ko na sana pansinin kung hindi ko lang naamoy ang pamilyar na pabango nito...

Napahinto ako sa pagtakbo at wala sa sariling humarap sa katabi ko na huminto din kagaya ko..

"Anak ng--anong ginagawa mo dito?"gulat na saad ko ng makita ko si Nattos na matamis ang pag kakangiti sakin..

Nakasuot ng gray pants,white rubber shoes at nakahoodie na kulay itim.Pansin ko din ang pawis niya sa bandang noo niya na mas lalong nagpapadagdag sa kagwapuhan niya..

"Alam kong gwapo ako,pero wag mo naman akong titigan na parang gusto mo kong kainin."biglang nag-init ang pisngi ko ng madinig ko ang sinabi niya..

Ang walanghiya to?ang kapal ng muks!!!

Inirapan ko na lang siya para hindi halatang namumula sa hiya.."Anong ginagawa mo dito?"tanong ko ulit..

Umayos siya ng tao at nginitian ako.."Well naisip ko kasing mag jogging,alam mo na exercise din pag may time.."

"At dito mo pa talagang naisipang mag jogging huh?!."Ani ko

Napatango naman siya at ngumiti sakin."Naisip ko kasi masarap mag jogging dito sa subdivision niyo,masarap kasi ang hangin tas tahimik.."

"Nalalasahan na pala ang hangin ngayon,Di ako na update."pilosoponh Ani ko,pero sa halip na maasar sakin at nginisihan lang ako..

"Di ka ba naupdate?"gulat na gulat niyang saad habang nanlalaki pa ang mata sakin.."Di ka kasi nagbabasa ng dyaryo e,yan tuloy di ka updated.."

Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa kalokohan ng bwesit na lalaking nasa harapan ko..

Jusmee bat ako nagkaroon ng manliligaw na ganito?

Ilang minuto din ang tumagal bago kami natapos tumakbo parehas,kaya mamahinga muna kami sa isang bench na nadaanan namin...

"Wait here baby."biglang saad ni Nattos kaya napatingin ako sa kanya.."where are you going?"

"Bibili lang ng water baby,wait here okay? I'll be back.."saan niya at hi alikan pa ko sa noo bago tumalikod,natawa na lang ako at marahang hinaplos ang noo ko..

Ang lokong yon,nasanay nang lagi akong hinahalikan sa noo pag-aalis,Hindi ko pa sinasagot yan hah!

Habang inaantay ang isip batang doctor ay hindi ko maiwasang titigan ang mga asong kasama ng kanilang amo habang nagjo-jogging..

Ang cute nila..gusto din magkaroon ng aso para may kasama naman ako..Sabi nila madali lang naman turuan ang mga aso at parang tao din daw tong mag-isip,kaya nakakatuwa gusto ko talagang magkaroon ng aso kahit isa lang...

"Do you like dogs?"napatingin ako sa nagsalita at hi Di ko nagulat ng makita si Nattos,nakatayo sa tabi ko habang may hawak na plastic at mula dun ay mabilis niyang kinuha ang mineral bottle at binigay sakin..."Thanks."

The Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon