Chapter 29.2

765 32 0
                                    

A/N:Hi!!babies I changed the title of my story..Why?Gusto ko lang pong palitan haha..(kung siya nga napalitan ako agad,title pa kaya char)So yun nga babies malapit na pong matapos ang story po nila Aze,sa gusto pong mabasa ang story nung kambal punta lang po kayo sa profile ko tas pindutin niyo po yung works ko nandun po siya..

Follow niyo na din po ako kung gusto niyo po,para po updated kayo palagi sa mga update or announcement ko po..Yun lang mga babies ko,ingat kayo palagi..Mahal kayo ni author..

Enjoy reading😉

Aze POV

Pagpasok namin sa loob ay napangiti ako sa ganda ng ayos non.Nakahilera ang mga lantern sa lapag na nagsisilbing ilaw sa daan.Sa may gitna naman ng lanterns ay may mga nakalagay na red petals.

Nagtayo din sila ng kawayan na magkakatapat at sa itaas non ay pinalibutan nila ng christmas lights dahilan para magmukha yong bubong..Sa may buhangin naman ay naglatag ng isang malaking tela at pinatong don ang maliit na lamesa na dalawahan,ang nakakatuwa pa ay sa halip na upuan ang nakalagay ay unan ang nilagay nila kaya ang gandang tingnan..

Sa may bandang dulo naman ay nagtayo sila mini stage kung saad doon may nakadikit na loob na happy birthday.May mga lantern din na nakapalibot sa bawat paligid ng mini stage.

Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ko ang buong lugar..Sana naman ay magustuhan lahat to ni Nattos..

"Nandito kana pala iha.."napatingin ako sa nagsalita at napangiti.."Tita carmy.."

"Nasan na si Nattos iha?"anito..

"Iniwan ko po sa kotse,nakatulog po kasi sa sobrang pagod.."aniko..

"Manang mana talaga sakin ang anak ko,sobrang sipag.."ngising saad nito..

"Sweetie..Wag na tayong maglokohan alam mong mas masipag ako kumapara sayo.."sabat ni Tito Trev na basta na lang sumulpot sa harapan namin...

Umirap si tita.."Tigilan mo ko Trev,baka gusto mong ipaalala ko sayo kung gaano ka katamad mag-aral non..At mas gusto mo pang tumambay sa cafeteria kesa mag-aral!"

Natawa na lang ako ng mahina ng napangiwi si Tito.."Sweetie naman nagbibiro lang ako.."nguso nito..

"Ewan ko sayo,tatamaan ka talaga sakin Trev!"inis na saad ni tita kaya natawa na lang ako at napailing..

Ginala ko ang paningin at agad na nagtama ang tingin namin ni papa..

Oo nandito sila papa ganun din ang asawa nito at yung kambal.Gusto ko kasing nandito sila pag sinagot ko na si Nattos.Gusto ko kasing makasama sila sa isang importanteng ganap sa buhay ko...

Nagpaalam ako kila tita carmy at nilapitan si papa kasama nito si tita Carmela,ang kambal naman ay kausap nila marah at Ribb sa may bandang gilid nitong resort..

"Pa,tita.."bati ko at niyakap sila pareho, naramdaman ko pa ngang natigilan sila pero yumakap din pabalik sakin..

"You ready anak?"tanong sakin ni papa..

"Opo,medyo kinakabahan lang ako pa.."mahinang saad ko na kinangiti nito..

"Wag kang kabahan..Kilala ko si Nattos Mahal ka non anak,kaya siguro akong magiging masaya yon pag nalaman ang regalo mo.."ngiti anito..

"Oo nga naman iha,tama ang papa mo kaya wag ka nang kabahan.."saad naman ni tita Carmela..

Ngumiti na lang ako at tumango..Magsasalita pa sana ng may umagaw ng pansin ko..

Anong ginagawa ng lalaking to dito?!

Nagpaalam ako kila papa at mabilis na nilapitan sila marah..

The Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon