CHAPTER 8

929 28 3
                                    

__________________________________________________________________

💕💕...NAM POV...💕💕

__________________________________________________________________

Nakaalis na't lahat ang mga kaibigan namin ay wala pa sya. Katakot_takot tuloy na paliwanag ang ginawa ko kanina para lang pagtakpan ang biglaang pag_alis ni kenneth..

'Nasan ka na ba ha kenneth, letche ka
sabi mo mag uusap tayo. So where are you saltik' -

Nakakainis lang kasi iba yong pinapakita nya sakin sa dapat nyang iasta kapag kami lang dalawa.  Palakad lakad ako sa sala hindi ko alam kong paano ko aabalahin ang sarile ko para lang hindi antukin sa paghihintay sa kanya.

Lakad_upo na ang ginawa ko pero ang lintik na saltik na yon ay wala parin. Nang mangawit ako sa kakalakad ko ang nahiga ako sa sofa at inisip kong nasaang lupalop na ba ng mundo ang lalakeng iyon. Napatingin ako sa orasan na nasa gitna ng bahay. Mag_aalasonse na nang gabi pero wala parin si kenneth.

Inaantok na ko sa kakahintay sa kanya Kaya naman hindi ko na inabalang pang umakyat sa kwarto ko at nagdesisyon akong matulog nalang dito sa sofa para pag uwe nya ay makita nya ako agad.

💤💤💤💤

Nang imulat ko ang mata ko ay maliwanag na sa labas ng bahay.

'Nakatulog ako dito hanggang umaga, so
nasan na si kenneth, hindi ba umuwe ang saltek na yon'

'Bwisit na yon sya may sabing hintayin
ko sya tapos sya itong hindi umuwe.'

Inis akong bumangon para tingnan sya sa kwarto nya ngunit isang hakbang palang ang nagagawa ko ang napalingon ako sa center table. Mayroon kasi doon na envelope na blue katabi nito ang note. Kinuha ko iyon at binasa.

              ;Hindi na kita ginising
                   Basahin mo nalang yan.

'Makapag_utos akala mo kung
sino. Bwisit na to'

Nang buksan ko ang envelope na yon ay sobrang nagulat ako sa nabasa ko. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko dahil dito.

              **MARRIAGE AGREEMENT**

So eto pala ang sinasabi nyang pag_uusap namin. Mabilis na tumulo ang luha ko dahil dito. Ang buong akala ko kasi ay baka gusto na nya rin ako kaya ganon ang mga kinikilos nya sakin nitong mga araw so mali na naman pala ako. Bakit nga ba ako aasa pa na mahalin ako ng taong yon.

Sino nga ba ako, isa nga lang pala akong di hamak na katulong. Hindi ako kailanman na babagay sa kanya. Napaupo ako sa sahig, dahil nang hihina ako kaya naman umiyak nalang ako ng umiyak.

"Bakit kailangan mong gawin sakin to, napakasama mo" habang sinasabi ko iyon ay sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kong bakit kailangan ko pa syang mahalin ng ganito.

         'Napaka walang puso mong tao ka.'

Nang makontento ako sa pag_iyak ko ay dahan_dahan kong binuksan ang bwisit na envelope na to.

I accidentally married to the badboy heartrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon