Chapter 9

17 1 0
                                    

Nicole Iris

Silence.

Tanging katahimikan at pag andar ng makina ng sasakyan lamang ang namumutawi habang binabaybay namin ang daan pabalik sa paaralan.

Seryoso lamang si Elijah habang nagda-drive ng kanyang sasakyan. Hindi ko mawari kung ano ang isiinip nya mga oras na 'to.

Minabuti ko na lamang na tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan at pagmasdan ang malalaking gusali na aming nadadaan.

Makulay, maliwanag, maingay, masaya. Hindi kagaya sa aming probinsya na tahimik at simple ang pamukuhay. Puros mga puno, halaman, ilog, at tanging ng ibon at mga hayop ang pang araw araw mong maririnig at matatanaw. Simple man, pero mapayapa.

Nami-miss ko na si Inay, ang aming lugar, ang aking mga naiwang maibigan, ang mga puno, ang mga hayop, ang buhay probinsya. But more than that, kailangan kong magpursige para makapag tapos ng pag-aaral. Para sa pangarap ko -

“I said where will I drop you?” Malakas na tanong ni Eliajah

Nawala ako sa aking momentum at bahagyang nagulat sa malakas niyang boses. Inayos ko ang aking pagkaka upo, at tumingin sa kanya bago sumagot.

“You can drop me off sa school. Malapit na don ang apartment ko. Isa pa, naiwan ko ang aking mga gamit sa room at gusto kong daanan." Mahinang sagot ko sa kanya habang hindi makatingin sa kanya ng diretso.

He just rolled his eyes at me as an answer. Back to usual na naman ang kanyang ugali. Sana lagi nalang syang nakangiti, maayos ang itsura nya kapag ganon. Hindi 'yong ganito na parang lagi syang galit sa mundo.

Minutes have passed and I think malapit na kami sa school. But to my surprised ay nilagpasan namin ang aming eskwelahan.

“Elijah, dito nalang ako.” Sabi ko sa kanya.

He just looked at me boringly. He opened his window and placed his arms there. I watch him in that position. It looks peaceful. He looks peaceful. I watched how his hair was being carried by the wind. Some of its strands are placed in his eyes. His eyes. It's like the ocean. It sometimes shows deluge, but sometimes peaceful. Like how it looks right now.

“We're here, you've been staring at me the whole time.” Putol nya sa pagtitig na ginagawa ko sa kanya.

“I am not s-staring at you.” I answered with a hint of embarrassment all over my face.

He moved closer to my position. It was awkward since he was like hugging me in our position. I get to take a closer look at his face. Just like our first encounter. His pointed nose is like an aristocrat. His furrowed and thick brows. His lips, it's moving. Then I heard something that clicked. It was the seatbelt. He removed my seatbelt.

He goes back to his position.

“You looked stupid. We're here” He said

I look around and I see that we're outside our apartment. I immediately opened the door and went outside.

I was about to say thank you, but when I closed the door. The car leaves immediately.

Nakaka loka talaga ang lalaking yon. Ang sabi ko dadaan ako sa school para kunin ang aking gamit pero diniretso nya ako sa apartment.

APARTMENT? Come to think of it. How come na alam nya kung saan ang apartment ko? Must be because ang tatay nya ang nagpaparal sakin. That must be it.

Iwinaksi ko na lamang ang aking isipan at nagpasyang pumasok na sa loob ng gate aking apartment. Minabuti ko na lamang na bukas kunin ang aking mga gamit.

Pagkapasok sa loob ay inayos ko muna ang mga gamit na dapat ayusin. Pagkatapos ay nagpasya akong maglinis ng katawan.

Sobrang nakakagaan ng pakiramdam kapag naglilinis bago matulog. I feel more alive ang kicking. Cheret!

Alas 7:00 na ng gabi at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Sa probinsya, maaga pa lamang ay natutulog na kami ng inay. Sapagkat, wala na doon masyadong pinagkakaabalahan. At isa pa, sa daming ginagawa maghapon ay maaaga kaming nagpapahinga.

Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ang akinh messenger. Chineck ko ang ilang messages doon. I see na nag message pala sa akin si Aubrey asking kung nasaan ako at hindi na raw ako bumalik sa eskwelahan. She's asking kung may ginawa ba sa akin si Elijah at hindi na raw ako bumalik.

Pagkatapos kong mag-reply at sabihin na okay lang ako ay biglang nag vibrate ang aking telepono at lumabas doon ang isang notification.

Daniel Elijah Xavier sent you a friend request

Nagulat ako at nagiisip kung tatanggapin ko ba ang request. I was about to cancel it ngunit naisip ko na baka pag initan na naman nya ako kaya minabuting i-accept na lang.

Pagtapos kung i-accept ang kanyang request. Ay nag pop up ang isa pang notification na nagsasaad na mayroon akong message request. It was Elijah.

"Bakit ang tagal mo akong i-accept. Siguro balak mong i cancel ano?!"

Kahit sa cellphone at message, nakikita ko kung gaano ka lukot ang kanyang mukha Haha. Pati ang way ng pagkakabigkas ay naririnig ko sa aking isipan.

"Accept this message!! Bakit ba ang tagal mo."

Iyan ang nilalaman ng kanyang pangalawang mensahe. Alam kong galit na talaga sya kaya mas minabuti ko nalang na tanggapin nag message pagkatpos ay nagtipa para makapag reply at baka umuusok na ang kanyang ilong sa galit.

"Pasensya na may inaayos lang ako. Ano na ang dahilan at nag message ka sa akin?"

"Meet me tomorrow sa gym. May pag uusapan tayo."

Sumang ayon na lamang ako sa kanyang huling mensahe at napaisip kung ano kaya ang aming pag uusapan?

Hanggang ngayon nga ay nasa isipan ko pa rin ang pakiusap sa akin ni Ma'am Vera. Hindi ko mawari kinh bakit ganon na lamang ang pakiusap nya sa akin na bantayan ko ang kanyang apo. At isa pa, it is evident in her tone and face a hint of desperation. How worst exactly are you Elijah, you and your behavior, at bakit ganito ang lola mo sa iyo?

Pumayag nalang rin ako sa hiling ng Mam Vera kanina at inisip na isa lang to sa mga bagay na kaya kung gawin para sa scholarship na binigay nila sa akin, ng kanyang pamilya.

I did not put too much thought on that at minabuti na lamang na matulog. Bukas kakaharapin ko na naman si Demon. Yan ang ipinangalan ko sa contact nya sa aking telepono. Hihi


***

Itutuloy ...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Are Enough.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon