Chapter 6

119 10 3
                                    

Nicole Iris

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone galing sa na-set kong alarm.

Pag tingin ko sa aking cellphone ay alas kwatro pa lang ng umaga.

Nasanay na akong gumising ng maaga dahil sa probinsya namin sa batangas gantong oras ako gumigising dahil ipinaghahanda ko si nanay ng kanyang agahan.

Iyon na nga lang ang matutulong ko kay 'nay, para kahit papaano ay mabawasan sya ng gawain, at para naman mag aayos nalang sya at kakain bago pumunta sa palengke.

At syempre ako rin ang gumagawa ng gawaing bahay mula sa pagluluto, paglalaba, paglilinis at marami pang iba.

Namiss ko tuloy bigla si nanay. kamusta na kaya siya?

Bago ako bumangon ay inilibot kong muli ang aking paningin sa loob ng apartment.

Mayroon itong isang malaking kama na kasya ang dalawang tao, may sapat na laking closet para sa mga gamit, isang study table at may vanity mirror sa katabi nito, at air-conditioned ang buong apartment. Wow!

Mabilis akong umalis sa kama upang maghanda ng aking makakain sa almusal.

Pagkalabas ko sa kwarto ay bumungad sa akin ang may kalakihang sala. Mayroon itong tatlong sofa na kung saan may maliit na lamesa sa gitna, at sa harap naman ay isang 32 inches flat screen TV.

Sa kusina ay may mga kagamitan na rin sa pag luluto, pati rice cooker at iba't-ibang gamit pagluluto.

Sa kusina din matatagpuan ang comfort room.

Ngayon naisip ko na mas malaki at mas maganda pa ang apartment na 'to sa bahay namin ni 'nay sa probinsya. Infact, baka nga kasing laki lang ng sala nito ang buong bahay namin. 

Nagluto ako ng hotdog at bacon na binili ko kahapon pagkalabas ko sa school, dito sa malapit na grocery sa baba at syempre nagtimpla na rin ako ng kape.

Pagkatapos kumain ay niligpit ko ang aking pinagkainan at mabilis na pumunta sa banyo para maligo.

Sinigurado kong naka lock ang aking apartment bago ako pumasok sa school.

Nilalakad ko lang ang pagpasok sa eskwelahan dahil sobrang lapit lamang nito sa aking apartment.

Pagkalipas ng limang minutong paglalakad ay nakarating na ako sa gate. Agad kong tinapat ang aking ID sa monitor and after a beep ay nakapasok na ako. Binati ko din ang guwardya sa gate at nginitian lang ako nito.

Pagka check ko sa aking relo ay 5:30 pa lamang, at madami na rin ang estudyanteng naglalakad kahit ganito kaaga.

Pagkarating ko sa aming classroom ay ako pa lamang ang estudyante.

Pero napansin kong mayroon ng bag sa upoan sa aking likuran.

Kay Daniel ba 'yon? Tanong ko sa aking sarili.

Ipinagkibit balikat ko na lamang at mabilis na kinuha ang libro sa aking bag.

Habang nagbabasa ay may pumasok na isang estudyante papunta sa aking kinaroroonan.

"Ikaw ba si Nicole?" Tanong nito sa akin.

"Uh oo bakit?" Alanganin kong sagot dito.

"Pinapatawag ka kasi ng School Admin." Diretsong sagot nito sa akin.

Mabilis akong tumayo upang pumunta, nakakailang hakbang pa lamang ako ng muli itong magsalita.

"Alam mo ba kung saan ang admin office?" Tanong nito

Natigilan ako sa paglalakad dahil hindi ko nga pala alam. Napailig nalang ako bilang sagot

"Tara samahan na kita." Sabi nito

You Are Enough.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon