⚜️Nicole Iris⚜️
Pagkabalik ko sa tapat ng aming classroom ay naroon na ang aking mga kaklase, pero wala pa ang adviser namin.
Marahan namang nakapikit si Daniel habang naka-dekwatro sa kanyang upoan, at nakapalsak sa kanyang tainga ang wireless earphone niya habang tina-tap ng kanyang mga daliri ang arm chair, siguro ay sa saliw ng beat ng kanyang pinakikinggan na kanta.
Bago ako makapasok sa aming silid ay sinalubong na agad ako ni Aubrey.
"Where have you been Nicole. I'm here na kanina pa and Iknow na andito kana kasi andyan naman yong bag mo sa seat mo." Mahabang turan ni Aubrey
" - and, mag kasunod lang kayo ng pasok ni Daniel, tapos andyan na din yong bag nya kanina pa. Did something happened?" Nagaalalang turan nya sa kin
"Kasi uhh, he confronted me about sa incident that happened 'nong first day of school." Alanganin kong sagot sa kanya
"What?! So ano, may ginawa ba sya sayo, sinaktan ka ba nya?" sunod-sunod nyang tanong sa akin
Mabilis na hinila ni Aubrey ang aking mga braso at dinala sa pwesto ng kaniyang upoan.
Inusisa niya ako ng mga tanong tungkol sa tagpo naming dalawa ni Elijah at sinagot ko naman ang kaniyang mga katanungan.
"Basta I'm just here ha if you need my help." Concern na pahayag sakin ni Aubrey
Lucky enough at nakatagpo ako ng mabuting kaibigan na katulad nya, na kahit hindi kami magkapareho ng estado sa buhay, she does not treat me indifferently, she genuinely treat me as her friend.
"Thank you so much Aubrey." Sagot ko dito
Agad na natapos ang una at pangalawang klase, kaya naman naghahanda na kami para pumunta sa school cafeteria.
Habang naglalagay ako ng gamit sa aking bag, napansin ko ang pares ng dalawang sapatos sa aking harapan.
Marahan kong inangat ang aking panangin upang malamn kong sino ang taong nakatayo sa akin harapan.
"Ah, ikaw pala Godwin, may kailangan ka ba?" Nag aalangang tanong ko dito.
Bakit ba sobrang gwapo ng lalaking 'to? Napaka aliwalas nyang tingnan dahil lagi syang nakangiti, hindi kagaya ni Elijah na mayabang, at laging nakasimangot sayang sya gwapo sana, ang sungit lang!
Wait? Did I just commend his looks? Oo na, gwapo sya, pero mayabang pa din.
"I just wanted to ask you kung pwede bang sumabay sayo papuntang cafeteria?" Sagot nito sakin, habang marahang kinakamot ang kanyang batok. Ang cute nya!
"Uhm, I'm with Aubrey, pero pwede naman, I'll just infor-". Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may magsalita sa aking likuran.
"I'm with her." Did he just addressed me as her? It makes my heart beats fast. Maybe dahil sa kaba lang kaya ganito kabilis ang tibok ng puso ko?
Tumingin sa akin si Godwin ng diretso waring sinusuri kung totoo ba ang sinabi ni Elijah habang naghihintay ng aking isasagot.
"Oh, Godwin you are here, sasabay ka ba sa amin." Tanong ng paparating na si Aubrey
"Ah kasi .. Aubrey may pag-uusapan pa pala kami ni Elijah..." Halos pabulong na lamang ang pagbanggit ko sa kanyang pangalan.
Hindi makapaniwalang nakatingin naman sa gawi ko si Godwin at Aubrey dahil sa pagbanggit ko sa second name ni Daniel, ganon ba ka big deal sa kanya 'yon?
"O-okay." Hindi na natapos ni Aubrey ang sasabihin nya dahil bigla na lang hinila ni Elijah ang kamay ko.
Binagtas namin ang hallway papunta sa cafeteria, and I see na kami ang center of attraction habang naglalakad. Nakahawak pa rin si Elijah saking braso habang straight na nakatingin sa daan without any emotions flustered on his face, nakapoker face lang sya habang naglalakad, but still made everyone stop. Gwapo naman talaga sya, given. Pero kinulang sa bait.
Because of the attention we are getting, tumungo na lamang ako dahil I see everyone looking at me with hatred. Kung nakamamatay lang ang tingin, baka paglabas namin ng room patay na agad ako.
Buong akala ko ay pupunta kami sa cafeteria para kumain, pero lumagpas kami doon. Tuloy-tuloy sya sa paglakad habang patuloy syang nakakapit sa aking braso.
Dumaan kami sa main hallway, palabas sa main door ng aming department.
Patuloy nya pa rin akong hinihila hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school.
Tumigil kami sa isang kulay black na sasakyan, sobrang ganda, sa TV ko lang 'to nakikita dati.
"Get in." Ma awtoridad na utos niya sakin.
"Paano ako papasok, hawak mo kasi ang kamay ko.' Nahihiyang turan ko sa kanya
Biglang namula ang kanyang mukha at mabilis na binitawan ang aking kamay.
Sa sobrang spaced out ko kanina, hindi ko na namalayan na hawak na nya pala ang kamay ko. Buong akala ko na sa braso ko pa rin sya nakahawak. Nakita ko rin na sobrang pula ng aking braso dahil sa higpit ng pagkakahawak nya sa aking kanina habang naglalakad.
Akmang papasok na ako sa kanyang kotse ng bigla syang magsalita.
"Gagawin mo ba akong driver?" Walang emosyong turan nya sa akin
'Ha?" ang tanging naisagot ko na lamang
"Dito ka sa unahan sumakay." Simpleng sagot niya
Hindi na nya ako hinayaan na makapagsalita dahil umikot na siya papunta sa driving seat.
Never I imagine myself na makaksakay sa ganitong kagarang sasakyan. Ang ganda ng loob ng sasakyan nya, sobrang linis, it has black ang gray accent inside. Sobrang manly at ang bango, I wonder kung air freshener 'yon ng kotse or pabango nya?
"Pwede bang magtanong?" Pagsisimula ko dahil nakakabingi ang katahimikan, at isa pa wala akong ideya kung saan kami pupunta, and the fact na 1 hour lang ang aming break time.
"You are already asking" Sagot nya sakin, habang seryosong nagda-drive.
Now that I mention, may license ba sya? baka mamaya mahuli kami. Omg!
"Kasi I just want to ask... kung legitimate ka na for driving, may lisence ka ba? Tyaka saan mo ba ako dadalhin? baka naman ililigaw mo ako? tapos iwanan mo ako kung san, please wala akong alam sa lugar na 'to." Sunod sunod kong pahayag sa kanya
"Can you please shut up, ang ingay mo and also may license ako." Mariing sagot nya sa akin.
Napanguso naman ako sa kanyang sagot, napa tingin sya sa aking direksyon patungo sa aking labi at nakita kong mariin syang napahawak sa manibela ng kanyang sasakyan.
Galit na nga ata siya!
After a long drive, pumasok kami sa isang malaking village, the guard let us through without any questions. Huminto ang kanyang sasakyan sa isang gate, at otomatiko itong bumakas. I was amazed by it dahil sa mga drama sa TV ko lang ito nakikita.
Akala ko doon lamang natatapos ang aking paghanga, pero simula ng kami ay bumaba halos mabili ang leeg ko kakatinginsa sobrang laki nilang bahay. Mali, understatement ang salitang bahay, dahil sa palagay ko ay mansyon na ito.
It is in color white, with big black double door. Bumakas ito at sumalubong sa amin ang isang matanda.
I was stunned by her looks, dahil kahit medyo may trails of wrinkles na ang kanyang mukha, hindi pa rin ito nakabawas sa kanyang ganda. She is looking sophisticated wearing a red lipstick, and white long silky dress, her hair was braided neatly while wearing different accessories and jewelries na alam kong mas mahal pa ang value sa kung anong bagay ang mron ako.
"Lola" simpleng bati ni Elijah sa matanda.
"Apo, I'm glad you came to visit me." Sabi ng matanda habang hinalikan si Elijah sa pisngi.
"And who is this lady with you." Tanong ng matanda habang ako'y sinusuri.
***
Itutuloy ...
BINABASA MO ANG
You Are Enough.
Roman pour AdolescentsThis is a work of fiction. Anumang pagkakahalintulad ng mga pangyayari sa kwentong ito sa totoong buhay at mga ng pangalan ng sinuman, ay hindi sinasadya. This is story is about #TransxStraight story. If you don't like this kind of story, please ski...