Chapter 2

149 14 5
                                    

Nicole Iris

***

I shivered kasi nanuot sa buong katawan ko ang mga titig nya. Parang any minute ay lalapat sa maganda kong mukha ang kamao nya. Bigla akong natakot sa presense nya.

Buti nalang at kasabay ng paglakad nya ay ang pagpasok ng wari ko ay teacher namin at sya ding magiging class advicer namin. Base sa schedule ko, ay sya ang magiging teacher namin sa accounting 1.

Dumiretso si Mr. Yabang na masama ang tingin sa akin, sa bakanteng upoan mismo sa aking likuran sya pumuwesto. Ipinagkibit balikat ko na lamang dahil wala naman akong ginawa sa kanya, duh. Infact, sya pa nga may kasalanan sakin. Diba?

"Okay class, go to your respective seats. Since that today is the first day of school, you can freely choose kung sino ang gusto nyong maging katabi, but once we are all settled aayosin ko ang sittingf arrangements nyo, okay?" Our professor said.

She looks at my direction, or maybe sa likod ko?

"I'm so happy na nasa class pala na 'to ang anak ng may ari ng eskwelahan." She said.

I gasp. Pero parang ako lang ang nag react? Tila ako lang ang walang alam at hindi nakakakilala kung sino ang anak ng may ari ng eskwelahan na ito.

"By the way, I would like to formally introduced myself. My name is Ms. Pinky Tolentino and I will be your teacher in Accounting 1 and also your class adviser for the whole academic year." She continued.

"And off course knowing that today is your first day, that means hindi nyo pa kilala ang iba nyong kaklase, right?"  She added.

"Yes ma'am!"  We responded in chorus.

"Alright, So let's be familiar with each other. I would like to call everyone starting with you Miss, (pointing to my direction) to please introduce yourself!" She said in a very lively voice. I immediately stand up and introduce myself.

"Good morning guys. My name is Nicole Iris Saavedra, I'm 18 years old, and I'm from Batangas, I'm gay and I am a scholar of this university. I'm hoping to be friends with you guys." I said after a smile.

I heared them murmurs:

"So she must be smart"

"Ang ganda nya pre kahit bakla".

"Mas maganda pa sya sayo teh."

"Ano kayang pills gamit nya."

"Duh, scholar"

"Nerd!"

I didn't bother to listen sa mga bulong nilang naririnig ko naman.

Pumunta na ako sa aking upoan at di sinasadyang napadako ang tingin ko sa lalaking nasa likuran ng aking upoan, nag smirk sya nang magpanagpo ang aming tingin. I raised my eyebrow and immediately took my seat at pinagpatuloy ang kanina ko pang tinatapos na class cards.

Self introduction continues, hanggang si Mr. Yabang na ang magpapakilala.

Ramdam kong tumayo sya at pumunta sa unahan. I did not give a glance at him. I heard him cleared his throat before introducing his self.

"Daniel elijah Xavier, 19 years old .....

I paused sa pag pi-fill up ng Class cards ko. Para kasing pamilyar 'yong apelyido nya. Hindi ko matandaan. I slowly raise my head para makita ko sya, at saktong magtagpo ang paningin namin dahil sakin nakatuon ang paningin nya.

.. And I am the SON of the OWNER of this university." He continued habang mariing nakatingin sakin.

I dropped my pen.

What?! Teka, Daniel Elijah Xavier tapos Xavier University. Omg!

Napatungo ako, at para akong sinabuyan ng malamig na tubig. Gusto ko nalang kainin ng lupa sa mga oras na 'to.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, at nanginginig kong itinaas muli ang aking ulo upang tingnan sya.

I see his playful smile habang unti-unting lumalapit sa kinaroroonan ko. Ibinaling ko muli ang aking tingin sa aking mga sapatos, dahil hindi ko sya magawang tingnan ng diretso.

First day palang, pero mukhang kataposan ko na agad. Ang wika ko sa aking sarili.

Biglang may dalawang pares ng sapatos ang tumigil sa aking harapan. Kinumbinsi ko ang aking sarili na wag tumingin sa taas. Pero otomatikong umangat ang aking ulo and I frozed, dahil naka lean pala sya at ngayon ay magkatapat na ang aming mga mukha.

Naka pasok ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa habang mariing nakatingin na waring sinusuri ang aking mukha.

Mariin akong napapikit. Nasa gitna na nga ako ng problema pero nagawa ko pang titigan ang parte ng kanyang mukha at eksaminahin ang features nya sa mukha.

"May sasabihin ka ba sakin? Nag iintay ako." Ang wika nya sa akin.

Hindi ako makagalaw or makapagsalita man lang. Ibinaling ko ang aking paningin sa aking kanan at nakita ko ang pagkagulat at takot sa mukha ng aking mga klaklase pati na rin ng aking guro. Para silang nanunuod ng isang teleserye sa telebisyon, habang inabangan ang susunod na mangyayari.

Naramdaman kong gumalaw sya pagkatapos ay malakas na tumikhim. Nagsipag ayos ng upo ang aking mga kaklase at diretsong tumingin sa unahan.

Pagkatapos ay naglakad na sya sa kanyang upoan kaya ibinaling kong muli ang aking tingin sa sahig. Nagpatuloy ang pagpapakilala ng aking mga kaklase hanggang sa matapos ang kahuli-hulihan.

***

Since, ngayon ang first day. Hindi muna nag klase ang aming guro bagkos ay nagbigay na lamang sya ng mga activity na ipapasa sa susunod naming klase.Ngayon ay ipapasa namin ang class card para sa kanyang subject.

Akmang ipapasa ko na ang akin ng may kamay ng tumapat sa gilid ng aking mukha mula sa aking likuran, nanigas ako dahil alam kong kay Daniel galing iyon. Inilahad nya sakin ang isang classcard, hindi na ako nag atubiling tingnan pa sya at kinuha ko na lamang ito at isinabay sa aking pagpapasa.

Pagkatapos, makumpleto ang classcards ay nagpaalam na ang aming guro kaya naman ay bumalik ang ingay ng aking mga kaklase.

Kasalukoyan kong inaayos ang aking mga gamit sa arm chair ng aking upoan ng may kumalabit sa aking likuran.

Lilingon ba ako o hindi? Tanong ko sa aking sarili.

***

Itutuloy....

You Are Enough.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon