Sana

18 6 0
                                    

"Napaka buting bata mo talaga Luna!" Napangiti ako sa sinabi ng isang customer namin, karaniwang akong nagbabantay sa karenderya namin. Marami kaming customers na kumakain dito dahil sa sarap na luto ng nanay ko, at maliban pa do'n ay kay mura din ng mga pagkain namin.

Bakasyon kasi ngayon, kung kaya't tumutulong ako sa nanay kong mag tinda sa karenderya namin.

"Isang adobong manok nga at isang serve na kanin Luna!" Sigaw ng isang customer namin.

"Ito na po," Nakangiting sabi ko at inilapag ang mga inorder niyang pagkain. Hindi ko maiwasang mailang dahil sa paninitig nito sa'kin, masyadong malalim iyon at hindi ako komportable dito.

"May boyfriend kana ba Luna?" Tanong pa nito, agad naman akong umiling at mabilis siyang tinalikuran. Alam ko ang galawan niya, at hindi ako tanga para hindi mapansin ang nais na pakay niya.

Napatingin ako sa nanay kong natutulog sa kabilang bahagi ng karenderya, naaawa ako sa nanay ko kasi madaling araw palang ay umaalis na siya patungong palengke para bumili ng kanyang mga paninda. Kaya kung maaari ay ako na talaga ang nagbabantay ng aming karenderya, sanay na sanay na ako at hindi naman masyadong mahirap.

Pagkatapos kumakain ng mga customers namin ay agad kong nilisan ang lamesa at inurungan ang mga pinggan.

"Luna!" Agad napabaling ang tingin ko sa taong sumigaw, si Isko pala! Nang makaapit ito ay mabilis itong umupo malapit sa'kin, hinihintay matapos ang gawain ko. Pagkatapos kong maghugas ay agaran naman akong umupo sa harapan niya.

"Nasaan ang kasamahan mo?" Tanong ko dito, bihira ko lang kasi siyang makitang mag isa dahil kadalasan ay kasama niya ang kanyang mga ka grupo na sina Aloy, Joel at Dodong.

Alam kong gustong gusto ako ni Isko at ayos lang naman sa'kin 'yon. Lahat naman ng tao may crush diba? At isa pa, matagal na kaming magkaibigan. At kahit alam kong may gusto ito sa'kin ay hindi naman ako naiilang sa kanya. Walang awkward kapag kami'y magkasama. Nang aminin nito sa'kin noon na may gusto siya sa'kin ay pinagtapat ko naman sa kanya na hindi pa ako handa pumasok sa isang relasyon. Gusto ko munang makatapos sa pag aaral ng sa ganun ay makatulong ako sa mga magulang ko.

"Papunta na dito." Nakangiting sabi nito sa'kin.

Hindi naman nagtagal ng dumating lahat ng ka grupo niya na naging kaibigan ko narin. Kwentuhan at tuksuan ang ginawa namin. Masyado nadin akong napapalapit sa mga kaibigan ni Isko dahil sa magandang asal na ipinakita nila sa'kin.

"Wala bang pa meryenda diyan Isko? Gutom na si Luna oh! Bilhan mo na bilis!" Giit ni Joel na siyang sinunod naman ni Isko. Agad kaming nagtawanan apat, ganito palagi ang nangyayari. Siya ang bumibili ng meryenda namin. Habang wala ito ay nag kwentuhan lang kami ng kung ano ano.

"Pag nandito na si Isko, pagselosin natin!" Ani Aloy.

"Sige! Sige!" Sagot naman nila Dodong at Joel. Napailing iling ako dahil sa kalokohan nilang tatlo.

Ang lakas talaga ng mga trip nila. Kawawa palagi si Isko.

Marami ang bitbit na pagkain ni Isko ng dumating ito. Mabilis naman akong nilapitan ni Aloy para akbayan ako. Lihim naman akong ngumisi ng makita ang madilim na mukha ni Isko. Padabog nitong nilagay sa lamesa ang mga pagkaing binili niya.

Lihim kaming nagtawanan apat sa inasal nito, napaghahalataan ngang nagseselos ito.

Agad namin nilantakan ang pagkain na binili ni Isko habang si Aloy naman ay nananatiling naka akbay parin sa'kin.

"Gumala tayo mamaya!" Masayang sigaw ni Dodong.

"Game!" Sagot ko, kadalasan naman kasi kaming gumagalang lima.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon