His Last Promise

19 5 2
                                    

"T-Tulong!" Malakas na sigaw ko habang tumatakbo ng mabilis. Abot abot ang tahip ng puso ko sa kaba at pangangatog dahil sa takot habang tumatakbo sa kadiliman ng kagubatan.

"Sige, takbo lang ng takbo at tiyak na mahuhuli din kita Sammy!" Mas lalo akong nanginig sa takot ng sabihin ni John iyon, ang boyfriend kong humahabol sa'kin.

Hindi ko talaga akalain na aabot kami dito! Masaya naman kami kanina, inaya niya akong mag hiking dito sa kagubatan na ito at dahil nagtiwala ako sa kanya ay mabilis naman akong pumayag. Ni hindi ko akalain na may plano pala itong masama sa'kin!

He was planning to rape me! Habang naglalakad kami kanina ay bigla niya nalang akong inaya, of course, tumanggi ako. Hindi ko pa kasi kayang ibigay ang pagka birhen ko sa kanya, pinilit niya ako ng pinilit hanggang sa sinaktan niya na ako at pilit na pinunit ang damit ko. Nang may pagkakataon akong makatakas ay agad akong tumakbo.

Humagulgol ako ng madapa ako, gustuhin ko mang tumayo ay hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ako.

Dahan dahan umangat ang ulo ko ng makita si John sa paanan ko, nakangisi ito habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa'kin.

"Kung pumayag ka lang, hindi na sana mangyayari ito, Sammy."

"Hayop ka!" Sigaw ko dahil sa matinding galit. Mas masahol pa siya sa hayop! Walang puso! Papano niya nagawa sa'kin 'to? Buong akala ko ay mahal niya ako pero tila nagkamali ako. May masamang pakay pala ito sa'kin.

Napahiyaw ako dahil sa matinding sakit ng sampalin niya ako, paulit ulit niya iyon ginawa hanggang sa mamanhid nalang ang pisnge ko. Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng pulang likido sa gilid ng labi ko ng mapahiga ako sa damuhan. Dinaganan niya naman ako bago bumama ang labi nito patungo sa leeg ko. Sinubukan kong pumalag ng maramdaman ang halik nito sa'kin. Wala akong maramdaman kundi pandidiri para sa kanya at para sa sarili ko. Wala akong lakas, hawak hawak nito ang kamay ko.

"T-Tulong... tulungan niyo ako." Huling sambit ko bago unti unting nawalan ng malay.

I was waken up by body pain and when I woke up, I had clutched my hands so hard that my fingers were burning from the pain and I was heavily sweating.

I could remember what happened earlier. My tears fell as I felt paralyzed with fear, and goosebumps crept up my back. I wasn't able to move for about a minute.

Iyong nangyayari kanina... iyong pagtangkang panggagahasa sa'kin ni John. Alam kong totoo iyon, pero nawalan ako ng malay kung kaya't hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

Nilibot ko ang paningin ko, nasa isang madilim na kwarto ako. Ang tanging nagbibigay liwanag lang sa'kin ay ang mga kandilang nasa gilid ng kama ko.

Ginapang ng kaba at takot ang buong pagkatao ko.

Nasaan ako?

Napatingin ako sa katawan ko, hindi naman nagbago ang kasuotan ko. Subalit nagtataka ako kung bakit malinis na ito. Madumi at punit punit na ito ng maghabulan kami ni John, kaya nakakapagtaka. Dahan dahan bumaba ang tingin ko sa paanan ko, wala na din itong sugat... o sa kahit na anong parte ng katawanan ko. Ni wala narin akong maramdaman na hapdi sa pisnge ko.

Dahan dahan akong tumayo. Hindi ko alam kung sino ang nagdala sa'kin dito, kung sino man ang taong iyon ay wala na akong pakialam.

Gusto kong makalabas dito! Gusto kong makauwi sa'min at makasama ang pamilya ko. At si John! Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan!

Napahinto ako ng makita ang isang salamin sa harapan, umuwang ang labi ko ng makita ang repleksyon ko ngayon. My long hair is waving freely. Bagay na bagay din sa'kin ang kasuotan ko.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon