Was it real? Was it fake? Was it all one mistake?
Simpling studyante lang naman ako, may pangarap sa buhay at masayahin. Hanggang sa nakilala ko siya.
Ako nga pala si Maxine. Naalala ko tuloy ang unang pagkikita namin. First day of school no'n, maaga akong pumasok para naman hindi ako mahuli sa klase. Pag pasok ko sa classroom may nakita akong lalaki, nakaupo ito sa unahan. Gwapo, maputi, matangkad at malaki ang katawan. Nagkatinginan kami ng ilang segundo pero naputol 'yon ng biglang dumating ang mga kaklase namin.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay naging mas malapait kaming dalawa. Naging mag kaibigan at hanggang sa nagtapat siya ng nararamdaman niya sa akin.
"Max, mahal kita." Umiyak ako ng ipagtapat niya sa'kin iyon. Hindi ko akalain na ang taong mahal ko, ay mahal rin ako.
Ito na yata ang pinakamasayang narinig ko sa tanang ng buhay ko.
Wala ng sasaya pa sa nararamdaman ko nang maging kami. Palagi kaming sabay pumasok at sabay kumain.
Tan: Bakit hindi ka pumasok?
Tanong nito isang araw sa text.
Ako: Masama ang pakiramdam ko :( Pasensya na at hindi kita na text. Maaga kasi akong natulog kagabi.
Tan: Aww. Kawawa naman ang baby ko. Anong gusto mong kainin? Dadalhan kita ng gamot at pagkain diyan sa inyo.
Ako: Totoo? Kahit na ano, basta galing sa'yo. Ayos na sa'kin 'yon.
Tan: Okay. Hintayin mo ako diyan. Aalagaan kita, Max. Magpagaling ka. Mahal na mahal kita.
Tuwing kasama ko siya ay palagi akong masaya, parang hindi ko narararamdaman 'yong mga problema sa bahay.
Umabot kami ng isang taon. At sa isang taon na 'yon ay naging maayos ang samahan namin. Kapag may problema kami ay agad naman namin itong na so-solusyonan. Nang ipagdiwang namin ang anibersayo namin ay ibinigay ko sa kanya ang sarili ko, masaya ako na siya ang una ko at alam kong siya ang magiging huli ko. Wala akong pinagsisihan.
Pero, alam naman nating walang nananatili sa mundong ito. Lahat ng mga masasayang pangyayari ay may kapalit. Nakakalungkot man isipin ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat.
Ako: Tan? Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko sa'yo?
Ako: Saan ka?
Ako: Ka chat ko ang kaibigan mo, nasa bar daw kayo? Ba't hindi mo man lang sinabi sa'kin?
Ako: Nag aalala na ako sa'yo.
Palakad lakad ako sa terrace ng kwarto ko habang hawak hawak ang cellphone ko, hinihintay ang reply nito. Pero wala, ilang oras akong naghintay at hindi ko man lang namalayan na madaling araw na pala.
Kinaumagahan ay maga ang mata ko habang binabasa ang mga texts nito sa'kin.
Tan: I'm sorry, Max.
Tan: Hindi ko sinasadya.
Tan: Mag usap tayo please.
Hindi na ako nakapag reply sa kanya ng sunod sunod may nag send sa'kin na video. At halos gumuho ang mundo ko ng makita na isang sex video ito.
Sex video ni Tan,
Sex video ng boyfriend ko kasama ang ibang babae.
Namanhid ang buong pagkatao ko, ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa matinding galit, pagkamuhi at sakit.
Hindi ko akalain magagawa niya sa'kin 'to.
Minahal ko siya, Ibinigay ang lahat lahat at pagtataksilan niya lang ako?!
Ang gago niya!
Sa sobrang galit ay hindi ko na napigilan ihagis ang cellphone ko. Nagkapiraso piraso ito subalit wala na akong pakialam.
H-Hindi ko matanggap...
Bakit?
Bakit niya ginawa 'to? Hindi ba ako sapat? May kulang paba sa'kin?
Kahit galit ay hinintay ko parin dumating si Tan, gusto kong marinig ang paliwanag nito kasi baka sakaling matanggap ko ito at mapatawad ko siya.
Siguro nga tanga ako, pero wala e. Mahal ko siya. At kaya kong kalimutan ang lahat wag niya lang akong iwan. Ganun ko siya kamahal.
Makalipas ang dalawang buwang paghihintay ay sa wakas nagpakita ito. Sunod sunod pumatak ang luha ko habang nakatitig sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ito ngayon. Gusto ko siyang yakapin, hangkan at sabihin kung ga'no ko siya kamahal subalit hindi ako makagalaw. Tila napako ako sa kinatatayuan ko.
"M-Max," Nasapo ko ang labi ko ng dahan dahan itong lumuhod sa harapan ko. Unti unting pumatak ang luha nito habang nakatitig sa'kin.
"I-I'm sorry, hindi ko sinasadya... hindi ko sinasadyang saktan ka, patawarin mo ako." Panimula nito at agad humagulgol.
"Mahal kita, Max. Alam mo 'yan. Pero no'ng gabing din 'yon, hindi ko akalain makikita ko pa ulit si Joy. Ang ex ko, alam kong kilala mo siya. Limang taon kami at hindi biro iyon. Sobrang minahal ko siya, pero nagbago ang lahat ng iyon ng iwan niya ako. At do'n naman kita nakilala. Pasensya na, Max. Akala ko ikaw na... pero hindi pa pala. Nagkamali ako."
Kasabay ng pag iwas ko ng tingin ay siyang pagpatak ng luha ko. Parang paulit ulit sinasaksak ang puso ko.
Wala akong gustong hingin sa mga oras na'to kundi ang mawala nalang sana. Nang sa ganun ay hindi ko na maramdaman ang sakit na dulot nito sa'kin.
"Matapos kong makita si Joy hindi ko akalain na babalik ang pagmamahal ko sa kanya. May nangyari sa'min, Max. I'm sorry, hindi ko sinasadya. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Kaya ngayon lang din ako nagpakita sa'yo dahil nalaman kong nabuntis ko siya, kaya pasensya na Max. Sana maintindihan mo ako. Mahal kita pero mas mahal ko siya. Kaya ngayon, pinapalaya na kita."
Tulala lang ako ng matapos niyang sabihin iyon. Wala akong maramdaman, bigla akong namanhid.
Nakakalungkot lang isipin na sa isang pagkakamali ay tuluyan nasawak ang relasyon namin.
Isang pagkakamaling tuluyan nagpabago ng buhay ko.
At isang pagkakamaling nagbigay ng pag-asa sa'kin para patuloy na mabuhay.
"Mommy!" Umupo ako at tinaas ang dalawang braso ko para hangkan ang anak kong si Hope. Tatlong gulang na ito at kasalukuyan kaming nakatira sa amerika.
Isang linggo matapos ang paghihiwalay namin ni Tan ay nalaman kong nagdadalang tao ako. Gulat, saya, takot ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Sinubukan kong sabihin sa kanya na buntis ako, pero hindi ito naniwala sa'kin. Pinagtabuyan niya ako, no'ng una hindi ko matanggap. Iyak ako ng iyak gabi gabi, tinatanong ang panginoon kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to sa'kin. Nang matauhan na may buhay ng nakasalaylay sa'kin ay agad akong nag desisyon na lumuwas ng pilinas at magbagong buhay sa ibang bansa.
Do'n ako nanganak, pinalaki ko din ng mabuti at may takot sa diyos si Hope. Ang anak ko ang naging sandalan ko, siya ang naging lakas ko para wag sumuko sa mga problema ko at siya ang naging pag-asa ko para patuloy na lumaban sa buhay. Wala man itong ama ay binuhos ko naman lahat lahat ng pagmamahal ko sa kanya.
THE END
BINABASA MO ANG
One Shot Collection
Short StoryList of my One Shot Stories: 1. Napansin narin ako ni Crush 2. One Mistake 3. Sana 4. Come With Us 5. His Last Promise Cover is not mine. Credits to the rightful owners. Source of Picture: Pinterest